“Pag-asa sa Isang Mas Mainam na Daigdig”
Samantalang dumadalaw sa Montreal noong Hulyo 1985, si Gilles Le Sieur sa di-sinasadya ay nakaiwan ng kaniyang portfolio sa isang tren sa subway. Nang araw pagkatapos na siya’y makauwi, mga 260 kilometro ang layo sa Montreal, siya’y tinawagan sa telepono ng isang babaing nakasumpong sa portfolio. Si Gilles at ang kaniyang maybahay ay bumalik sa Montreal upang kunin iyon. Nang magkagayon, sila’y nagregalo sa babae ng isang kopya ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Makalipas ang mga dalawang linggo, sila’y tumanggap sa kaniya ng isang liham na nagpapasalamat, na isang bahagi’y nagsasabi:
“Aywan ko kung sino sa atin ang nakagawa ng lalong higit na paglilingkod noong nakalipas na linggo. Bagaman wala akong inaasahang anuman sa pagsasauli ko niyaon, humanga ako sa pagkilala ninyo ng utang na loob sa akin. Ang lalong pinasasalamatan ko’y ang bagay na ibig ninyong makabahagi ako sa pinagmumulan ng inyong kaligayahan. . . . Natapos ko nang basahin ang aklat na ibinigay ninyo sa akin at sa sandaling binabasa ninyo ang liham na ito, isa sa aking mga kaibigan ay babasa rin nito. Tama kayo tungkol sa mapapakinabang sa aklat na ito. Ito’y hindi lamang nagbigay sa akin ng pag-asa sa isang mas mainam na daigdig kundi sinagot nito ang maraming katanungan na kailanman ay hindi nasagot ng aking relihiyon. . . . Ngayon ay ipinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng Bibliya sa hangaring makamit ang isang lalong mainam na buhay.”
Ang babaing ito ay nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral ng Bibliya at, nang dumating ang panahon, naging isang buong-panahong ministro ng mabuting balita na kaniyang natutuhan. Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa ang nakapagpabago sa buhay ng maraming tao tungo sa lalong mainam na buhay. Ang aklat, na ang laki ng pahina’y kagaya rin ng laki ng magasing ito, ay tumatalakay sa halos lahat ng turo ng Bibliya at mayroon itong mahigit na 150 ilustrasyon na nagtuturo. Upang tumanggap ka ng mahalagang aklat na ito, sulatan mo lamang at ihulog sa koreo ang kasamang kupon.
Pakisuyo pong padalhan ako, libre-bayad sa koreo ng 256-pahinang pinabalatang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ako’y naglakip ng ₱42.