Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 12/1 p. 32
  • ‘Pinagtatawanan Lamang Nila’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Pinagtatawanan Lamang Nila’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 12/1 p. 32

‘Pinagtatawanan Lamang Nila’

Isang lalaking sundalo sa Hungary ang may sabi na kamakailan pinagtatawanan lamang ng mga tao ang mga nagsasalita tungkol sa Bibliya. Ngunit nagbago na ang panahon. Kamakailan ay sumulat ang sundalo sa tanggapan ng Watch Tower Society sa Budapest, na ang sabi:

“Mga ilang araw ang nakaraan, nabasa ko ang inyong aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. May nagpahiram nito sa akin hanggang sa matapos ko ang pagbabasa. Ang laman ng aklat ay nakaantig na mabuti sa akin at pinapag-isip ako.” Nais ng sundalo na magkaroon siya ng Bibliya at higit pang impormasyon. Hindi na pambihira ang ganiyan sa Silangang Europa.

Isa pang liham na tinanggap sa opisina sa Budapest ang nagsasabi: “Nabasa ko po ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ako’y totoong humanga sa aklat, kaya ako’y nahimok na sumulat sa inyo upang hilinging isang Saksi ang dumalaw sa aking tahanan upang regular na aralan ako ng Bibliya.”

Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa ang aklat na nagbibigay ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyo sa mga sagot ng Bibliya. Maraming buhay ang nabago dahilan sa aklat na ito. Kung nais mong malaman kung papaano ka magkakaroon ng isang kopya, pakipunan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.

Nais ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng 256-pahinang pinabalatang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

[Larawan sa pahina 32]

Sa mabuting dahilan ay papayagan ng isang magulang ang isang mahal na anak na dumanas ng isang masakit na operasyon. May mabuting dahilan din naman ang Diyos sa pansamantalang pagpapahintulot na dumanas ng hirap ang mga tao

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share