Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 25—Mga Panaghoy
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 12. Anong mapagpakumbabang pagsamo ang ipinapahayag sa ikalimang tula?

      12 Ang ikalimang tula ay nagbubukas sa pagsamo kay Jehova na alalahanin ang kaniyang naulilang bayan. Mga taga-Jerusalem ang nagsasalita. Mga ninuno nila ang nagkasala, at sila ngayon ang nagdurusa. Mga alipin ang nagpupunò sa kanila, at sila’y sinasalot ng matinding gutom. Naglaho ang kanilang kagalakan at ang pagsayaw ay napalitan ng pagdadalamhati. Nanlulupaypay ang kanilang puso. Buong-pagpapakumbaba nilang kinilala: “Ikaw, O Jehova, ay luluklok magpakailanman. Ang iyong paghahari ay sa sali’t-saling lahi.” Tumatangis sila: “Pabalikin mo kami, O Jehova, at kami’y manunumbalik sa iyo. Baguhin mo ang aming mga araw na gaya noong una. Ngunit lubusan mo na kaming itinakwil. Napakatindi ng iyong galit.”​—5:19-22.

      BAKIT KAPAKI-PAKINABANG

      13. Anong pagtitiwala ang ipinapahayag ng Mga Panaghoy, gayunman bakit kapaki-pakinabang ito sa pagpapakita ng kahigpitan ng Diyos?

      13 Ipinapahayag ng Mga Panaghoy ang lubos na pagtitiwala ni Jeremias sa Diyos. Sa sukdulang dalamhati at matinding kabiguan, na walang inaasahang kaaliwan mula sa tao, siya ay naghihintay ng kaligtasan sa kamay ng dakilang Diyos ng sansinukob, si Jehova. Ang Mga Panaghoy ay dapat magpasigla sa pagtalima at katapatan ng lahat ng tunay na mananamba, at maging babala sa lahat ng nagwawalang-bahala sa pinakadakilang pangalan at sa isinasagisag nito. Sa kasaysayan ay wala pang nagibang lungsod na tinaghuyan sa ganitong napakalungkot at makabagbag-damdaming pangungusap. Tiyak na kapaki-pakinabang ito sa paglalarawan sa kahigpitan ng Diyos sa mga mapaghimagsik, matitigas-ang-ulo, at walang-pagsisisi.

      14. Anong natupad na mga babala at hula mula sa Diyos ang ipinakikita ng Mga Panaghoy, at papaano nakakasuwato ng aklat ang ibang kinasihang sulat?

      14 Kapaki-pakinabang din ang Mga Panaghoy sa pagpapakita ng katuparan ng maraming babala at hula mula sa Diyos. (Pan. 1:2​—Jer. 30:14; Pan. 2:15​—Jer. 18:16; Pan. 2:17​—Lev. 26:17; Pan. 2:20​—Deut. 28:53) Pansinin na ang Mga Panaghoy ay naglalaan din ng mariing patotoo sa katuparan ng Deuteronomio 28:63-65. Isa pa, ang aklat ay maraming ginagawang pagtukoy sa ibang bahagi ng banal na Kasulatan. (Pan. 2:15​—Awit 48:2; Pan. 3:24​—Awit 119:57) Pinatutunayan ng Daniel 9:5-14 ang Panaghoy 1:5 at 3:42 upang ipakita na dumating ang kapahamakan dahil sa pagkakasala ng bayan.

      15. Sa anong “mga bagong araw” umaakay ng pag-asa ang Mga Panaghoy?

      15 Makabagbag-puso ang kasawiang sinapit ng Jerusalem! Sa kabila nito, ang Mga Panaghoy ay nagpapahayag ng tiwala na si Jehova ay magpapamalas ng kagandahang-loob at awa at na kaniyang aalalahanin at isasauli ang Sion. (Pan. 3:31, 32; 4:22) Nagpapahayag ito ng pag-asa sa “mga bagong araw” na gaya noong una nang sina David at Solomon ay naghahari pa sa Jerusalem. Nariyan din ang tipan ni Jehova kay David ukol sa walang-hanggang kaharian! “Ang mga kaawaan niya ay hindi magwawakas. Ang mga ito’y bago tuwing umaga.” At magpapatuloy ito alang-alang sa lahat ng umiibig kay Jehova hanggang sa ang bawat nilalang, sa ilalim ng matuwid na Kaharian, ay mapapabulalas sa pasasalamat: “Si Jehova ang aking bahagi.”​—5:21; 3:22-24.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 26—Ezekiel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 26​—Ezekiel

      Manunulat: Si Ezekiel

      Saan Isinulat: Sa Babilonya

      Natapos Isulat: c. 591 B.C.E.

      Panahong Saklaw: 613–​c. 591 B.C.E.

      1. Ano ang sitwasyon ng mga tapon sa Babilonya, at anong mga bagong pagsubok ang kanilang haharapin?

      NOONG 617 B.C.E., ang Jerusalem ay isinuko ni Joiachin, hari ng Juda, kay Nabukodonosor, na nagdala sa Babilonya ng mga pangunahing tao at ng kayamanan ng bahay ni Jehova at ng hari. Kabilang sa mga bihag ay ang sambahayan ng hari at mga prinsipe; ang magigiting, makapangyarihang mga lalaki; mga anluwagi’t karpentero; at si Ezekiel na anak ni Buzi na saserdote. (2 Hari 24:11-17; Ezek. 1:1-3) Masamang-masama ang loob, dumating sila makaraan ang nakakahapong paglalakbay mula sa isang lupain ng mga burol, bukal, at libis tungo sa isang lupain ng malalawak na kapatagan. Nanirahan sila malapit sa ilog Chebar sa gitna ng isang makapangyarihang imperyo, napaliligiran ng mga taong may kakatwang ugali at pagsambang pagano. Pumayag si Nabukodonosor na sila’y magtayo ng sariling bahay, magkaroon ng mga alipin, at mangalakal. (Ezek. 8:1; Jer. 29:5-7; Ezra 2:65) Kung masipag sila, sila’y uunlad. Masisilo kaya sila ng materyalismo at ng relihiyon ng Babilonya? Patuloy ba silang maghihimagsik kay Jehova? Ituturing ba nilang disiplina ang pagkakatapon? Mapapaharap

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share