Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 29—Joel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Mateo 24:29, 30, kung saan ipinakikita ni Jesus na ang hula ay kumakapit sa pagparito niya sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian bilang Anak ng tao. Ang mga salita ng Joel 2:11, “ang araw ni Jehova ay dakila at kakila-kilabot,” ay maliwanag na tinutukoy ng Malakias 4:5. Ang kahawig na mga paglalarawan sa ‘araw ng kadiliman at ng kulimlim’ ay masusumpungan din sa Joel 2:2 at Zefanias 1:14, 15.

      14. Anong mga talata sa Joel ang dumadakila sa soberanya at kagandahang-loob ni Jehova?

      14 Inaasam-asam ng Apocalipsis ang “dakilang araw” ng galit ng Diyos. (Apoc. 6:17) Inihula rin ito ni Joel, upang ipakita na sa dakilang “araw ni Jehova,” ang mga tumatawag sa kaniya ukol sa kaligtasan at katubusan “ay maliligtas.” “Si Jehova ay magiging kanlungan para sa kaniyang bayan.” Isasauli ang kasaganaang tulad-sa-Eden: “Sa araw na yaon ay tutulo ang matamis na alak sa mga bundok, aagos ang gatas sa mga burol, at babahâ nang sagana sa lahat ng mga batis ng Juda. At mula sa bahay ni Jehova ay babalong ang nakagiginhawang bukal.” Sa paghaharap ng maluwalhating pag-asa ng pagsasauli, itinatanghal din ni Joel ang soberanya ng Diyos na Jehova at nagsusumamo siya sa mga tapat-puso salig sa dakila Niyang awa: “Manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, pagkat siya’y mapagmahal at maawain, banayad sa galit at sagana sa kagandahang-loob.” Lahat ng tutugon sa kinasihang pagsamong ito ay aani ng walang-hanggang pakinabang.​—Joel 2:1, 32; 3:16, 18; 2:13.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 30—Amos
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 30​—Amos

      Manunulat: Si Amos

      Saan Isinulat: Sa Juda

      Natapos Isulat: c. 804 B.C.E.

      1. Sino si Amos?

      HINDI propeta ni anak ng propeta kundi tagapag-alaga ng tupa at ng mga puno ng sikomoro​—ito’y si Amos nang siya’y tawagin at isugo ni Jehova upang humula hindi lamang sa sariling bayan ng Juda kundi lalo na sa hilagang kaharian ng Israel. Isa siya sa mga propetang tinutukoy sa 2 Hari 17:13, 22, 23. Mula siya sa Tekoa sa Juda, mga 16 na kilometro sa timog ng Jerusalem at isang araw kung lalakbayin mula sa timugang hangganan ng sampung-tribong kaharian ng Israel.​—Amos 1:1; 7:14, 15.

      2. Papaano matitiyak ang panahon ng paghula ni Amos?

      2 Ayon sa pambungad na talata ng hula siya’y naging propeta noong panahon ni Uzzias na hari ng Juda at ni Jeroboam II na anak ni Joas, hari ng Israel, dalawang taon bago naganap ang pambihirang lindol. Inilalagay nito ang hula sa loob ng 26-na-taóng yugto mula 829 hanggang mga 804 B.C.E., nang magsanib ang pagpupunò ng dalawang hari. Binabanggit ni propeta Zacarias ang mapangwasak na lindol noong panahon ni Uzzias, nang nagsitakas ang mga tao dahil sa takot. (Zac. 14:5) Ayon sa Judiong mananalaysay na si Josephus, nagkalindol nang si Uzzias ay may-kapangahasang maghandog ng insenso sa templo. Gayunman, ang lindol na binabanggit ni Amos ay tila naganap nang maaga pa sa paghahari ni Uzzias.

      3. (a) Bakit napapanahon ang mensahe ng kaabahan ni Amos? (b) Papaano niya dinakila ang soberanya ni Jehova?

      3 Ang Amos ay nangangahulugang “Maging Pasanin” o “Magdala ng Pasanin.” Bagaman naghatid siya sa Israel at Juda (at sa maraming bansang pagano) ng mabibigat na mensahe ng kaabahan, may mensahe din siya ng kaaliwan tungkol sa pagsasauli ng bayan ni Jehova. Maraming dahilan kung bakit dapat pasanin ng Israel ang kaabahan. Palasak noon ang karangyaan, maluhong pamumuhay, at ang kahalayan. Nakalimutan nila ang Kautusan ni Jehova. Ang kasaganaan ay bumulag sa kanila sa katotohanan na sila’y gaya ng prutas na sobra ang pagkahinog, nabubulok na sila tungo sa pagkalipol. Inihula ni Amos na sa loob ng ilang maikling taon, ang sampung-tribong kaharian ay itatapon sa kabila pa roon ng Damasco. Dito’y dinadakila niya ang katuwiran at soberanya ni Jehova, na 21 beses niyang tinutukoy bilang “Soberanong Panginoon.”​—Amos 1:8.

      4. Ang pagiging-totoo ng Amos ay pinatutunayan ng katuparan ng anong mga hula?

      4 Ang pagiging-totoo ng Amos ay pinatutunayan ng katuparan ng hulang ito at ng marami pang iba. Inihula rin ng propeta na ang mga kaaway na bansa sa paligid​—ang Sirya, Filistia, Tiro, Edom, Amon, at Moab​—ay pawang lalamunin ng apoy ng pagkapuksa. Pinatutunayan ng kasaysayan na ang mga tanggulang ito ng kaaway ay isa-isang nawasak. Naging mas masahol ang Juda at Israel sapagkat tinalikdan nila si Jehova at bumaling sa huwad na pagsamba. Ang nakukutaang lungsod ng Samaria, bilang huling tanggulan ng Israel, ay bumagsak noong 740 B.C.E. matapos kubkubin ng hukbo ng Asirya sa ilalim ni Salmaneser V. (2 Hari 17:1-6) Hindi natuto ang Juda sa sinapit ng kapatid na bansa, kaya ito ay nawasak noong 607 B.C.E.

      5. Papaano pinatutunayan ng arkeolohiya ang ulat sa Amos?

      5 Hinatulan ni Amos ang Israel sa maluhong pamumuhay nito, pagkat dinadaya ng mayayaman ang mga dukha sa pagtatayo ng “mga bahay na garing,” na doon sila’y marangyang nagkakainan at nag-iinuman. (Amos 3:15; 5:11, 12; 6:4-7) Natuklasan ng mga arkeologo ang ebidensiya ng kasaganaang ito. Nakahukay sila ng mga kagamitang garing sa Samaria. Sinasabi ng Encyclopedia of Archaeological Excavations in the Holy Land: “Dalawang pangunahing grupo ang makikilala: 1. Mga lapida na inukit nang malalim, . . . 2. Mga lapida na inukit nang mababaw, at pinalamutian ng mahahalagang bato, kinulayang bubog, gintong palarâ, atbp. . . . Ang garing ay produkto ng sining ng Fenicia, at malamang na ginamit ang mga ito na pangkalupkop sa mga muwebles sa palasyo ng mga hari ng Israel. Binabanggit ng Bibliya ang ‘bahay na garing’ na itinayo ni Ahab (1 Hari 22:39) at ang ‘mga higaang garing’ na sagisag ng maluhong buhay sa Samaria ayon sa mga salitang pagsaway ni Amos (6:4).a

      6. Ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng Amos?

      6 Tiyak na ang aklat ni Amos ay kabilang sa kanon ng Bibliya. Ang pagiging-totoo nito ay pinatutunayan ng paliwanag ni Esteban sa tatlong talata sa Gawa 7:42, 43 at ng pagsipi ni Santiago mula sa aklat sa Gawa 15:15-18.​—Amos 5:25-27; 9:11, 12.

      NILALAMAN NG AMOS

      7. Nagbabala si Amos tungkol sa paghatol ni Jehova laban sa anong mga bansa?

      7 Mga hatol laban sa mga bansa (1:1–​2:3). “Si Jehova​—dadagundong siya mula sa Sion.” (1:2) Nagbabalâ si Amos tungkol sa Kaniyang nag-aapoy na hatol laban sa mga bansa. Giniik ng Damasco (Sirya) ang Galaad ng panggiik na bakal. Ang mga Judiong bihag ay ibinigay ng Gaza (Filistia) at Tiro sa Edom. Sa Edom mismo ay salat ang kaawaan at pag-ibig-sa-kapatid. Sinalakay ng Amon ang Galaad. Sinunog ng Moab ang mga buto ng hari ng Edom upang gawing apog. Ang kamay ni Jehova ay laban sa lahat ng bansang ito, at sinasabi niya: “Hindi ko ito iuurong.”​—1:3, 6, 8, 9, 11, 13; 2:1.

      8. Bakit ipinahayag din sa Juda at Israel ang paghatol ni Jehova?

      8 Hatol laban sa Juda at Israel (2:4-16). Hindi rin iuurong ni Jehova ang galit Niya laban sa Juda. Nagkasala sila ng “pagtatakwil sa kautusan ni Jehova.” (2:4) At ang Israel? Dahil sa kanila’y nilipol ni Jehova ang malalakas na Amorheo at ibinigay sa kanila ang lupain. Nagbangon siya ng mga Nazareo at mga propeta, ngunit pinilit nila ang mga Nazareo na lumabag sa panata at inutusan ang mga propeta: “Huwag kayong manghuhula.” (2:12) Uugain ni Jehova ang kanilang mga patibayan na gaya ng karitong punô ng inaning trigo. Ang malalakas na lalaki ay tatakas nang hubad.

      9. Ano ang patotoo na si Jehova ang nagsalita, at laban kanino pantanging humula si Amos?

      9 Ang pakikipagtuos sa Israel (3:1–​6:14). Sa tulong ng tumatawag-pansing mga paglalarawan, idiniin ni Amos na ang kaniyang panghuhula ay patotoo na si Jehova ang nagsalita. “Sapagkat ang Soberanong Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anoman malibang ihayag ang kaniyang lihim sa mga lingkod niyang propeta. . . . Nagsalita ang Soberanong Panginoong Jehova! Sino ang hindi huhula?” (3:7, 8) Si Amos ay humula nga laban sa maibigin-sa-kalayawang mga magnanakaw sa Samaria. Aagawin sila ni Jehova sa maluluho nilang higaan, at masisira ang kanilang mga bahay na garing.

      10. Ano ang ipinaalaala ni Jehova sa Israel, at anong araw ng kaabahan ang nakatakdang dumating?

      10 Nirepaso ni Jehova ang mga parusa at pagtutuwid niya sa Israel. Limang beses silang pinaalalahanan: “Hindi kayo nanumbalik sa akin.” Kaya, O Israel, “humanda ka sa pagdating ng iyong Diyos.” (4:6-12) Umawit si Amos ng isang makahulang panambitan: “Ang dalaga, ang Israel, ay nabuwal; hindi siya makabangon. Pinabayaan siya sa sariling lupa; walang magbabangon sa kaniya.” (5:2) Si Jehova, Maygawa ng kamangha-manghang mga bagay sa langit at lupa, ay paulit-ulit na nanawagan sa Israel na hanapin siya at mabuhay. “Hanapin ninyo ang kabutihan, at hindi ang masama, upang kayo ay mabuhay.” (5:4, 6, 14) Ano ang idudulot ng araw ni Jehova sa kanila? Yao’y magiging araw ng kaabahan. Gaya ng baha, sila ay tatangayin bilang mga tapon sa kabila pa roon ng Damasco, ang mga bahay na garing na pinagpipistahan nila ay madudurog at mawawasak.

      11. Anong autoridad ang iginigiit ni Amos sa paghula laban sa Israel?

      11 Humula si Amos sa kabila ng pagsalansang (7:1-7). Ipinakita ni Jehova sa propeta ang isang panghulog sa gitna ng Israel. Hindi na siya magpapaumanhin. Wawasakin ang mga santwaryo ng Israel at hahatulan ng tabak ang sambahayan ni Jeroboam II. Si Amasias na saserdote ng Bethel ay nagpasabi kay

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share