Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 32—Jonas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • tatlong gabi” ay hindi eksaktong tatlong buong araw.b

      12. (a) Ano pa ang sinasabi ni Jesus tungkol sa mga taga-Nineve at sa mga Judio noong panahon niya? (b) Papaano dumating ang “isa na lalong dakila kay Jonas,” at ano ang kaugnayan niya sa kaligtasan at sa Kaharian ni Jehova?

      12 Sa pag-uusap ding yaon, pinaghambing ni Jesus ang pagsisisi ng mga taga-Nineve at ang katigasan-ng-puso at tahasang pagtatakwil ng mga Judio sa kaniya, sa pagsasabing: “Babangon sa paghuhukom ang mga taga-Nineve na kasama ng lahing ito at ito’y kanilang hahatulan; sapagkat nagsisi sila sa ipinangaral ni Jonas, ngunit, masdan! narito ang isa na lalong dakila kay Jonas.” (Tingnan din ang Mateo 16:4 at Lucas 11:30, 32.) “Isa na lalong dakila kay Jonas”​—ano ang gustong sabihin ni Jesus? Tinutukoy niya ang sarili bilang pinakadakilang propeta, na isinugo ni Jehova upang mangaral: “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng mga langit.” (Mat. 4:17) Sa kabila nito, karamihan ng Judio sa lahing yaon ay nagtakwil “sa tanda ni Jonas.” Kumusta sa ngayon? Bagaman karamihan ay hindi nakikinig sa babala ni Jehova, libu-libo sa buong daigdig ang tumanggap ng maluwalhating pribilehiyo na makinig sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos na unang ipinangaral ni Jesus, “ang Anak ng tao.” Gaya ng nagsising mga taga-Nineve, na pinagpala dahil sa pangangaral ni Jonas, sila ay makikibahagi din sa masagana at maawaing paglalaan ni Jehova ng mahabang buhay, sapagkat tunay ngang “ang kaligtasan ay mula kay Jehova.”​—Jonas 2:9.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 33—Mikas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 33​—Mikas

      Manunulat: Si Mikas

      Saan Isinulat: Sa Juda

      Natapos Isulat: Bago ang 717 B.C.E.

      Panahong Saklaw: c. 777–​717 B.C.E.

      1. Anong uri ng lalaki si Mikas?

      GUNI-GUNIHIN ang isang maygulang na lalaki, isang tapat na lingkod ni Jehova sa maraming taon. Guni-gunihin ang isang magiting na lalaki, na nakapagsabi sa mga pinunò ng bansa, “Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa masama, . . . kayong kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat.” Guni-gunihin ang isang maamong lalaki, na ang kapurihan sa kaniyang maririing pananalita ay iniukol kay Jehova na nagkaloob sa kaniya ng espiritu upang magsalita. Hindi ba ninyo gustong makasama ang gayong lalaki? Napakayamang impormasyon at matinong payo ang maibabahagi niya! Gayon si propeta Mikas. Mababasa natin ang kaniyang mahusay na payo sa aklat na ipinangalan sa kaniya.​—Mik. 3:2, 3, 8.

      2. Ano ang nalalaman tungkol kay Mikas at sa panahon ng kaniyang paghula?

      2 Gaya ng sa ibang propeta, kakaunti ang sinasabi ng aklat tungkol kay Mikas; ang mensahe ang siyang mahalaga. Ang pangalang Mikas (Micah) ay pinaikling anyo ng Miguel (Michael) ibig sabihin, “Sino Ang Gaya Ng Diyos?”) o Micaia (Micaiah, ibig sabihin, “Sino Ang Gaya Ni Jehova?”). Naging propeta siya noong naghahari sina Jotham, Achaz, at Ezekias (777-717 B.C.E.), kaya nakasabay niya sina propeta Isaias at Oseas. (Isa. 1:1; Ose. 1:1) Hindi tiyak ang haba ng kaniyang paghula, ngunit matagal na ang 60 taon. Ang hula niya sa pagkagiba ng Samaria ay tiyak na naibigay bago nawasak ang lungsod noong 740 B.C.E., at ang buong aklat ay malamang na napasulat nang magtapos ang paghahari ni Ezekias noong 717 B.C.E. (Mik. 1:1) Si Mikas ay propetang taga-bukid mula sa nayon ng Moreset sa mabungang Shepelah, sa timog-kanluran ng Jerusalem. Ang kasanayan niya sa buhay sa bukid ay maaaninaw sa mga halimbawang ginamit niya upang idiin ang kaniyang kapahayagan.​—2:12; 4:12, 13; 6:15; 7:1, 4, 14.

      3. Sa anong mahalagang panahon naglingkod si Mikas, at bakit siya inatasan ni Jehova bilang propeta?

      3 Nabuhay si Mikas sa mga panahong mapanganib at makahulugan. Sunud-sunod na mga pangyayari ang nagbadya ng lagim para sa Israel at Juda. Napaugat na nang malalim ang kahalayan at idolatriya sa Israel, at ito ang naghatid ng kapahamakan mula sa Asirya, malamang na noong nabubuhay pa si Mikas. Mula sa paggawa ng mabuti noong panahon ni Jotham, ginaya ng Juda ang kabalakyutan ng Israel noong mapaghimagsik na paghahari ni Achaz at sa panunumbalik noong panahon ni Ezekias. Ibinangon ni Jehova si Mikas upang magbigay ng mariing babala tungkol sa sasapitin ng Kaniyang bayan. Ang mga hula ni Mikas ay nagpatotoo sa mga hula nina Isaias at Oseas.​—2 Hari 15:32–​20:21; 2 Cron. kab. 27-32; Isa. 7:17; Ose. 8:8; 2 Cor. 13:1.

      4. Ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng aklat ni Mikas?

      4 Sagana ang katibayan sa pagiging-tunay ng aklat. Dati na itong ibinibilang ng mga Judio sa Hebreong kanon. Ang Jeremias 26:18, 19 ay tuwirang tumutukoy sa mga salita ni Mikas: “Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging bunton ng kagibaan.” (Mik. 3:12) Ang hula ay natupad nang tamang-tama noong 607 B.C.E. nang ang Jerusalem ay sinalanta ng hari ng Babilonya, “at lahat ay naging kagibaan.” (2 Cron. 36:19) Natupad din ang isang nakakatulad na hula sa Samaria, na ito’y magiging “bunton ng kagibaan sa parang.” (Mik. 1:6, 7) Ang Samaria ay giniba ng mga taga-Asirya noong 740 B.C.E., nang kanilang mabihag ang hilagang kaharian ng Israel. (2 Hari 17:5, 6) Noong ikaapat na siglo B.C.E. sinakop ito ni Alejandrong Dakila at noong ikalawang siglo B.C.E. winasak ito ng mga Judio sa ilalim ni John Hyrcanus I. Sa huling pagkawasak na ito ng Samaria, ang The New Westminster Dictionary of the Bible, 1970, pahina 822, ay nagsasabi: “Winasak ito ng nagwagi, at pinawi ang lahat ng patotoo na noong minsan isang nakukutaang lungsod ang nakatayo sa ibabaw ng burol.”

      5. Papaano nagpapatotoo ang arkeolohiya sa katuparan ng mga hula ni Mikas?

      5 Umaalalay din ang arkeolohiya sa mga katuparan ng hula ni Mikas. Binabanggit ng mga taunang-aklat ng Asirya ang kanilang pagwasak sa Samaria. Halimbawa, naghambog si Haring Sargon ng Asirya: “Kinubkob at nilupig ko ang Samaria (Sa-me-ri-na).”a Gayunman, ang pananakop ay malamang na tinapos ng sinundan ni Sargon, si Salmaneser V. Tungkol kay Salmaneser, ganito ang sinasabi ng isang salaysay ng Babilonya: “Winasak niya ang Samaria.”b Ang hula ni Mikas na pagsalakay sa Juda noong panahon ni Hezekias ay naiulat nang buo ni Senacherib. (Mik. 1:6, 9; 2 Hari 18:13) Nagpagawa siya ng isang malaking nakaumbok na larawan sa pader ng kaniyang palasyo sa Nineve tungkol sa pagbihag sa Lachis. Sa kaniyang prism ay sinabi niya: “Kinubkob ko ang 46 na nakukutaang lungsod . . . Pinalayas ko (mula sa kanila) ang 200,150 tao . . . Siya ay ibinilanggo ko sa Jerusalem, sa sarili niyang palasyo, gaya ng ibon sa hawla.” Itinatala rin niya ang buwis na ibinayad ni Ezekias, bagaman lubha niyang pinalaki ang halaga. Hindi niya binanggit ang kapahamakang sumapit sa kaniyang hukbo.c​—2 Hari 18:14-16; 19:35.

      6. Ano ang pumapawi sa lahat ng alinlangan tungkol sa pagiging-kinasihan ng Mikas?

      6 Lahat ng alinlangan sa pagiging-kinasihan ng aklat ay pinapawi ng namumukod-tanging hula ng Mikas 5:2, tungkol sa dakong pagsisilangan ng Mesiyas. (Mat. 2:4-6) May mga talata rin na nakakatulad ng mga pangungusap sa Kristiyanong Kasulatang Griyego.​—Mik. 7:6, 20; Mat. 10:35, 36; Luc. 1:72, 73.

      7. Ano ang masasabi tungkol sa puwersa ng pagsasalita ni Mikas?

      7 Bagaman si Mikas ay mula sa mga bukirin ng Juda, hindi siya nagkulang ng kakayahan sa pagsasalita. Nasa aklat ang ilan sa pinakamagagandang pangungusap na mababasa sa Salita ng Diyos. Ang kabanata 6 ay isang nakakapukaw na dayalogo. Ang mga bumabasa ay naaakit ng mga biglang pagbabago dahil sa mabilis na paglipat ni Mikas ng punto, mula sa pagsumpa tungo sa pagpapala at pabalik sa pagsumpa. (Mik. 2:10, 12; 3:1, 12; 4:1) Sagana ang matitingkad na salitang-larawan: “Ang mga bundok ay matutunaw sa ilalim [ni Jehova], at ang mga libis ay mauupos, gaya ng pagkit sa harap ng apoy, gaya ng tubig sa talon.”​—1:4; tingnan din ang 7:17.

      8. Ano ang nilalaman ng bawat isa sa tatlong seksiyon ng Mikas?

      8 Ang aklat ay mahahati sa tatlong seksiyon, bawat isa ay nagsisimula sa “Dinggin” at naglalaman ng mga pagsaway, mga babala ng pagpaparusa, at mga pangako ng pagpapala.

      NILALAMAN NG MIKAS

      9. Anong parusa ang iginawad sa Samaria at Juda?

      9 Seksiyon 1 (1:1–​2:13). Lumalabas si Jehova mula sa templo upang parusahan ang idolatriya ng Samaria. Gagawin niya itong “bunton ng kagibaan” at “ilalagpak sa libis ang mga bato niyaon,” upang durugin ang mga larawang inanyuan nito. Wala nang paggaling. Ang Juda ay nagkasala rin at sasalakayin “hanggang sa pintuang bayan ng Jerusalem.” Ang mga nagbabalak ng kasamaan ay hahatulan at sila’y mananaghoy: “Kami ay lubos na nasira!”​—1:6, 12; 2:4.

      10. Papaano napatampok ang awa ni Jehova?

      10 Biglang napatampok ang awa ni Jehova nang ipahayag ng propeta sa pangalan ni Jehova: “Titipunin ko ang Jacob . . . Sila’y magkakaisa, gaya ng tupa sa kulungan, gaya ng kawan sa gitna ng pastulan; sila’y magkakaingay dahil sa karamihan.”​—2:12.

      11. (a) Anong pagtuligsa ang iniharap laban sa mga pinunò ng Jacob at ng Israel? (b) Papaano kinilala ni Mikas ang bukal ng kaniyang katapangan?

      11 Seksiyon 2 (3:1–​5:15). Nagpapatuloy si Mikas: “Dinggin ninyo, pakisuyo, kayong mga pangulo ni Jacob at pinunò ng sambahayan ni Israel.” Masakit ang pagtuligsa sa “mga napopoot sa mabuti at umiibig sa masama” at umaapi sa bayan. Sila ay “bumabali ng kanilang mga buto.” (3:1-3) Kabilang dito ang mga bulaang propeta na walang naiaalok na tunay

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share