-
Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting ParaanMinisteryo sa Kaharian—1996 | Enero
-
-
sa loob ng isa o dalawang buwan buhat nang ilabas ito. Hindi nababawasan ang kahalagahan ng impormasyong taglay ng mga ito sa paglipas ng panahon . . . Ang pagpapahintulot na matambak ang matatandang magasin at ang hindi kailanman paggamit sa mga ito ay nagpapakita ng kakulangan ng pagkilala sa mahahalagang instrumentong ito. . . . Sa halip na ilagay sa isang tabi ang matatandang isyu at kalimutan ang mga ito, hindi kaya mas mabuti kung gagawa ng isang pantanging pagsisikap upang mailagay ang mga ito sa kamay ng mga taong interesado?”
16 Ngayon ay maraming tapat-pusong tao ang naghahanap sa katotohanan. Ang impormasyong taglay ng isang magasin ay maaaring siyang talagang kailangan nila upang maakay sila sa katotohanan! Kayo ba ay higit na magiging palaisip sa pamamahagi ng magasin sa hinaharap? Ikakapit ba ninyo ang ilan sa mga mungkahing ito sa mismong sanlinggong ito? Kayo’y mayamang pagpapalain kung gagawin ninyo ito.
Praktikal na mga Mungkahi:
◼ Basahin ang mga magasin nang patiuna, at alamin ang mga artikulo.
◼ Piliin ang isang artikulo na tumatalakay sa bagay na may pangkalahatang interes sa inyong komunidad.
◼ Maghanda ng isang presentasyon na aangkop sa iba’t ibang tao, gaya ng mga lalaki, mga babae, o mga kabataan. Ipakita kung papaanong ang magasin ay angkop sa maybahay at kung papaanong masisiyahan dito ang buong pamilya.
◼ Planuhing makibahagi sa inyong paglilingkod sa larangan kapag ang karamihan sa mga tao ay nasa tahanan. Ang ilang kongregasyon ay nagsaayos ng pagpapatotoo sa gabi taglay ang mga magasin.
◼ Ingatang maikli at tuwiran ang inyong presentasyon.
◼ Huwag magsalita nang masyadong mabilis. Kung walang interes ang inyong tagapakinig, ang pagsasalita nang mabilis ay hindi makatutulong. Sikaping maging panatag, at bigyan ang maybahay ng pagkakataong sumagot.
Pag-aalok ng mga Magasin sa Bahay-bahay:
◼ Magkaroon ng palakaibigang ngiti at isang mabait na tono ng boses.
◼ Maging masigla hinggil sa mga magasin.
◼ Magsalita nang marahan at maliwanag.
◼ Magsalita sa isa lamang paksa; agad na antigin ang interes, at ipakita ang kahalagahan nito sa maybahay.
◼ Itampok ang isa lamang artikulo.
◼ Itampok ang isa lamang magasin, ialok ang isa pa bilang kasama.
◼ Iabot ang mga magasin sa maybahay.
◼ Ipabatid sa maybahay na kayo ay may planong bumalik.
◼ Magkaroon ng isang palakaibigan, positibong konklusyon kapag tinanggihan ang mga magasin.
◼ Gumawa ng pagtatala sa house-to-house record ng lahat ng interes at mga naisakamay na babasahin.
Mga Pagkakataon Upang Maisakamay ang mga Magasin:
◼ Pagpapatotoo sa bahay-bahay
◼ Pagpapatotoo sa lansangan
◼ Paggawa sa mga tindahan
◼ Mga pagdalaw-muli sa ruta ng magasin
◼ Pagpapatotoo sa gabi
◼ Kapag gumagawa ng mga pagdalaw-muli
◼ Pagdalaw sa dating mga pag-aaral sa Bibliya
◼ Kapag naglalakbay, namimili
◼ Kapag nakikipag-usap sa mga kamag-anak, mga kamanggagawa, mga kapitbahay, mga kamag-aral, mga guro
◼ Sa pampublikong transportasyon, sa mga silid-hintayan
-
-
Pagpapanatili ng Timbang na Pangmalas sa Teknolohiya ng ComputerMinisteryo sa Kaharian—1996 | Enero
-
-
Pagpapanatili ng Timbang na Pangmalas sa Teknolohiya ng Computer
1 Dahilan sa “ang panahong natitira ay pinaikli,” hinimok ni apostol Pablo ang mga Kristiyano noong unang siglo na ‘bilhin ang naaangkop na panahon’! Ang panahon ay mahalaga.—1 Cor. 7:29; Efe. 5:16.
2 Ang teknolohiya ay ipinagbunyi bilang tagatipid ng malaking panahon. Halimbawa, sa tunog ng isang buton ng computer, dagling makukuha ng isang tao ang napakalaking dami ng impormasyon. Kadalasang maaaring gawin ng computer sa ilang segundo lamang ang magagawa sa loob ng ilang oras o linggo sa pamamagitan ng ibang paraan. Kapag wastong ginamit, ang mga ito ay isang mahalagang kasangkapan.
3 Talaga Bang Makatitipid Ito ng Panahon?: Sa kabilang panig, ang ganitong teknolohiya ay hindi napapasa gumagamit nang walang gastos—kapuwa sa pera at sa panahon. Marami ang kakailanganing oras upang matutuhan kung papaano magagawa ng computer ang pinakasimpleng mga bagay. Karagdagan pa, ang isang tao na nagugumon mismo sa teknolohiya ay maaaring gumugol ng panahon na sana’y magagamit pa sa mas mabuting paraan. Dapat nating tandaan ang payo ni apostol Pablo na lumakad “gaya ng mga taong marurunong, na binibili ang naaangkop na panahon para sa inyong mga sarili.”—Efe. 5:15, 16; tingnan din ang 1 Corinto 7:31.
4 Ang ilang mga kapatid ay nagdisenyo ng mga programa ng computer para sa pag-iingat ng mga rekord ng kongregasyon. Sabihin pa, isang personal na desisyon kung papaano ginagamit ng indibiduwal ang kaniyang computer. Gayunpaman, hindi nais ng Samahan na ingatan ang mga rekord ng kongregasyon sa mga computer, yamang ang
-