Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 40—Mateo
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • “mabuting balita ng kaharian,” pag-aatas sa “tapat at maingat na alipin . . . sa lahat ng kaniyang ari-arian,” at iba pang pitak ng maramihang tanda ng ‘pagdating ng Anak ng tao sa kaluwalhatian upang lumuklok sa kaniyang maluwalhating trono.’ (24:3, 7, 14, 45-47; 25:31) Winakasan ni Jesus ang mahalagang hulang ito sa pamamagitan ng mga talinghaga ng sampung dalaga at ng mga talento, na nag-aalok ng masasayang gantimpala sa mga alisto at tapat, at ang talinghaga ng mga tupa at kambing, na nagpapakitang ang mga tulad-kambing ay hahayo sa “walang-hangang pagkapuksa, ngunit ang mga matuwid ay sa walang-hanggang buhay.”​—25:46.

      27. Anong mga pangyayari ang naganap sa huling araw ni Jesus sa lupa?

      27 Mga kaganapan sa huling araw ni Jesus (26:1–​27:66). Matapos ang Paskuwa, isang bagong bagay ang pinasinayaan ni Jesus sa tapat na mga apostol at inalok sila ng tinapay at alak na sagisag ng kaniyang katawan at dugo. Saka sila pumunta sa Getsemane at doo’y nanalangin si Jesus. Dumating si Judas at ang armadong mga tao at sa paimbabaw na halik ay ipinagkanulo si Jesus. Dinala si Jesus sa mataas na saserdote, at ang mga punong saserdote at ang buong Sanhedrin ay humanap ng mga bulaang saksi. Tapat sa hula ni Jesus, ipinagkaila siya ni Pedro nang malagay ito sa pagsubok. Dahil sa pag-uusig ng budhi, inihagis ni Judas ang salaping ipinagkanulo at saka nagbigti. Kinaumagahan ay humarap si Jesus sa Romanong gobernador na si Pilato na nagbigay ng hatol ng kamatayan dahil sa panggigipit ng mga mang-uumog na sinulsulan ng mga saserdote, na nagsabing: “Mapasa-amin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo.” Hinamak siya ng mga kawal at ibinayubay siya sa Golgota, sa pagitan ng dalawang magnanakaw, at isang karatula sa ulunan niya ang nagsasabing, “Ito’y si Jesus na Hari ng mga Judio.” (27:25, 37) Pagkaraang maghirap nang ilang oras, namatay siya nang mga alas tres ng hapon at inilibing sa bagong nitso na pag-aari ni Jose ng Arimatea. Pinaka-makasaysayang araw ito sa lahat.

      28. Sa anong pinakamabuting balita nagwawakas ang ulat ni Mateo, at sa anong atas siya nagtatapos?

      28 Pagkabuhay-muli at huling mga tagubilin ni Jesus (28:1-20). Tinatapos ni Mateo ang ulat kasabay ng pinakamabuting balita. Ibinangon si Jesus​—siya’y muling nabuhay! Maaga sa unang araw ng sanlinggo, si Maria Magdalena at ang “isa pang Maria” ay naparoon sa puntod at ibinalita ng anghel ang tungkol sa maligayang bagay na ito. (28:1) Upang patunayan ito, nagpakita si Jesus sa kanila. Sinikap ng mga kaaway na pagtakpan ang pagkabuhay-na-muli at sinuhulan ang mga bantay sa nitso para sabihin, “Dumating kagabi ang mga alagad at siya’y ninakaw habang kami’y natutulog.” Nang maglaon, sa Galilea, tinipon uli ni Jesus ang mga alagad. Ano ang huling habilin niya? “Humayo kayo . . . gawing alagad ang mga tao sa lahat ng bansa, bautismuhan sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng banal na espiritu.” Tatanggap ba sila ng patnubay sa pangangaral? Tinitiyak ito ng huling pangungusap ni Jesus na iniuulat ni Mateo: “Narito! Ako ay kasama ninyo lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng pamamalakad ng mga bagay.”​—28:13, 19, 20.

      BAKIT KAPAKI-PAKINABANG

      29. (a) Papaano nagsisilbing tulay ang Mateo mula sa mga Kasulatang Hebreo tungo sa Griyego? (b) Anong pribilehiyo na tinamasa ni Jesus ang bukas pa rin sa mga Kristiyano ngayon?

      29 Ang aklat ni Mateo, una sa apat na Ebanghelyo, ay mahusay na tulay mula sa Kasulatang Hebreo tungo sa Kristiyanong Kasulatang Griyego. Walang-pagkakamaling ipinakikilala nito ang Mesiyas at Hari sa Kaharian ng Diyos, ang mga kahilingan para sa magiging mga tagasunod niya, at ang gawaing nasa kanilang unahan. Ang temang, “Ang kaharian ng langit ay malapit na” ay ipinangaral ni Juan na Tagapagbautismo, ni Jesus, at saka ng mga alagad. Bukod dito, ang utos ni Jesus ay umaabot sa katapusan ng sistema ng mga bagay: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” Ngayon, gaya din noon, dakila at kagila-gilalas na pribilehiyo ang makibahagi sa gawain ng Kaharian, pati na ang ‘paggawang alagad sa mga tao sa lahat ng bansa’ bilang pagtulad sa huwaran ng Panginoon.​—3:2; 4:17; 10:7; 24:14; 28:19.

      30. Anong partikular na bahagi ng Mateo ang nakilala dahil sa praktikal na halaga nito?

      30 Ang Ebanghelyo ni Mateo ay tunay na “mabuting balita.” Ang kinasihang mensahe nito ay “mabuting balita” sa mga nakinig noong unang siglo ng Pangkalahatang Panahon, at iningatan ito ng Diyos na Jehova hanggang sa ngayon bilang “mabuting balita.” Maging mga di-Kristiyano ay napilitang kumilala sa puwersa ng Ebanghelyo, gaya ng pinunong Hindu na si Mohandas (Mahatma) Gandhi na nagsabi kay Lord Irwin, dating gobernador ng Indiya: “Kapag ang iyong bansa at ang aking bansa ay nagkaisa sa mga turo ni Kristo sa Sermon sa Bundok, malulutas hindi lamang ang mga suliranin ng ating bansa kundi maging ang sa buong daigdig.”f Sa isa pang okasyon ay sinabi ni Gandhi: “Humigop nang malalim sa mga bukal na galing sa Sermon sa Bundok . . . Sapagkat ang turo ng Sermon ay para sa lahat.”g

      31. Sino ang nagpakita ng tunay na pagpapahalaa sa payo sa Mateo, at bakit kapaki-pakinabang ang paulit-ulit na pag-aaral sa Ebanghelyo?

      31 Gayunman, ang buong daigdig, pati na yaong nag-aangking Kristiyano, ay patuloy na nagkakaproblema. Maliit na grupo lamang ng tunay na mga Kristiyano ang nagpapahalaga, nag-aaral, at nagkakapit ng Sermon sa Bundok at ng iba pang mahusay na payo ng mabuting balita ayon kay Mateo at sa gayo’y umaani ng di-masukat na pakinabang. Kapaki-pakinabang ang paulit-ulit na pag-aaral ng napakahusay na payo ni Jesus sa paghahanap ng tunay na kaligayahan, pati na sa wagas na asal at pag-aasawa, sa kapangyarihan ng pag-ibig, karapat-dapat na panalangin, espirituwal laban sa materyal na mga pamantayan, paghanap muna sa Kaharian, paggalang sa mga bagay na banal, at pagiging-mapagbantay at pagiging-masunurin. May tagubilin ang Mateo 10 para sa mga mangangarál ng mabuting balita ng “kaharian ng langit.” Mahalagang aral ang itinuturo ng mga talinghaga ni Jesus sa mga ‘may taingang nakikinig.’ Isa pa, ang mga hula ni Jesus, gaya ng detalyadong ‘tanda ng kaniyang pagkanaririto,’ ay nagpapatibay ng pag-asa at tiwala sa hinaharap.​—5:1–​7:29; 10:5-42; 13:1-58; 18:1–​20:16; 21:28–​22:40; 24:3–​25:46.

      32. (a) Ilarawan kung papaano nagpapatotoo sa pagiging-Mesiyas ni Jesus ang natupad na hula. (b) Anong matibay na pagtitiwala ang inilalaan sa atin ngayon ng mga katuparang ito?

      32 Sagana ang Ebanghelyo ni Mateo sa natupad na mga hula. Ang marami niyang pagsipi sa kinasihang Kasulatang Hebreo ay nilayon upang ipakita ang katuparan nito. Naglalaan ito ng di-matututulang ebidensiya na si Jesus ang Mesiyas, sapagkat imposible na lahat ng detalye ay patiunang isaayos. Halimbawa, ihambing ang Mateo 13:14, 15 sa Isaias 6:9, 10; Mateo 21:42 sa Awit 118:22, 23; at Mateo 26:31, 56 sa Zacarias 13:7. Ang mga katuparang ito ay tumitiyak din na magkakatotoo ang lahat ng inihula ni Jesus habang natutupad ang maluwalhating layunin ni Jehova kaugnay ng “kaharian ng langit.”

      33. Sa anong kaalaman at pag-asa maaaring magalak ang mga umiibig sa katuwiran?

      33 Eksaktong-eksakto ang pagkahula ng Diyos sa buhay ng Hari ng Kaharian, hanggang sa kaliitliitang detalye! Eksaktong-eksakto ang kinasihang pag-uulat ni Mateo sa katuparan ng mga hula! Habang binubulay ang makahulang mga katuparan at pangako, lahat ng umiibig sa katuwiran ay magagalak sa kaalaman at pag-asa sa “kaharian ng mga langit” bilang kasangkapan ni Jehova sa pagbanal ng kaniyang pangalan. Sa “pagpapanibagong-lahi, kapag naupo na ang Anak ng tao sa kaniyang maluwalhating luklukan,” ang Kaharian ni Jesu-Kristo ay magdadala ng walang-katulad na pagpapala ng buhay at kaligayahan para sa mga maaamo at nagugutom-sa-espirituwal. (Mat. 19:28) Lahat ng ito ay bahagi ng nagpapasiglang mabuting balita “ayon kay Mateo.”

  • Aklat ng Bibliya Bilang 41—Marcos
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 41​—Marcos

      Manunulat: Si Marcos

      Saan Isinulat: Sa Roma

      Natapos Isulat: c. 60–​65 C.E.

      Panahong Saklaw: 29–​33 C.E.

      1. Ano ang nababatid tungkol kay Marcos at sa kaniyang pamilya?

      NANG madakip si Jesus at tumakas ang mga alagad, sinundan siya ng “isang binata na ang hubad na katawan ay nasusuotan ng mamahaling kasuotang lino.” Nang darakpin din ito ng karamihan, “iniwan [nito] ang kasuotang lino at tumakas na hubo’t hubad.” Karaniwang kinikilala na ang binatang ito ay si Marcos. Sa Mga Gawa binabanggit siya bilang si “Juan na may apelyidong Marcos” at maaaring mula sa mariwasang pamilya sa Jerusalem pagkat may sarili silang bahay at mga utusan. Kristiyano rin ang kaniyang ina, si Maria, at sa kanilang bahay nagpulong ang sinaunang kongregasyon. Nang si Pedro ay palayain ng anghel sa bilangguan, nagpunta siya sa bahay na ito at nakitang nagkakatipon doon ang mga kapatid.​—Mar. 14:51, 52; Gawa 12:12, 13.

      2, 3. (a) Ano ang tiyak na pumukaw kay Marcos upang maging misyonero? (b) Anong pakikisama ang naranasan niya sa mga misyonero, lalo na kina Pedro at Pablo?

      2 Pinsan ni Marcos ang misyonerong si Bernabe, isang Levita mula sa Chipre. (Gawa 4:36; Col. 4:10) Nang magpunta sa Jerusalem sina Bernabe at Pablo na may dalang abuloy sa taggutom, nakilala ni Marcos si Pablo. Ang pagsasamahang ito at ang masisigasig na ministrong dumadalaw ay tiyak na pumukaw kay Marcos ng pagnanais na maging misyonero. Kaya siya’y naging kasama at katulong nina Pablo at Bernabe sa una nilang paglalakbay-misyonero. Sa

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share