Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 49—Mga Taga-Efeso
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • lahat ng aspeto ng buhay-Kristiyano. Dahil sa paglago ng malulubhang suliranin at kasamaan, ang mahusay na payo ni Pablo ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga nagnanais mamuhay sa maka-diyos na paraan. Papaano dapat makitungo ang mga anak sa kanilang magulang, at ang mga magulang sa kanilang anak? Ano ang mga pananagutan ng lalaki sa kaniyang asawa, at ng babae sa kaniyang asawa? Ano ang dapat gawin ng mga indibiduwal upang maingatan ang pagkakaisa sa pag-ibig at kalinisang Kristiyano sa gitna ng balakyot na sanlibutan? Lahat ng ito ay sinasaklaw ng payo ni Pablo, at ipinakikita pa niya ang nasasangkot sa pagsusuot ng bagong Kristiyanong pagkatao. Sa pag-aaral ng Mga Taga-Efeso, lahat ay makapagpapahalaga sa uri ng pagkatao na nakalulugod sa Diyos at na “nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at katapatan.”​—4:24-32; 6:1-4; 5:3-5, 15-20, 22-33.

      17. Ano ang ipinakikita ng Mga Taga-Efeso tungkol sa pakikipagtulungan sa mga kaayusan sa kongregasyon?

      17 Ipinakikita rin ang layunin ng mga paghirang at pag-aatas sa kongregasyon. Ito ay sa “ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing pagmiministro, sa pagpapatibay sa katawan ng Kristo,” at upang sumulong sa pagkamaygulang. Sa pakikipagtulungan sa mga kaayusang ito, posibleng “magsilaki [ang mga Kristiyano] sa pag-ibig sa lahat ng bagay sa kaniya na pinaka-ulo, ang Kristo.”​—4:12, 15.

      18. Ano ang nililinaw tungkol sa “banal na lihim” at sa espirituwal na templo?

      18 Ang liham sa mga taga-Efeso ay nagdulot ng malaking pakinabang sa sinaunang kongregasyon sa pagpapatalas ng unawa sa “banal na lihim ng Kristo.” Niliwanag dito na “ang mga tao sa mga bansa” ay tinawag din upang maging “mga kapuwa tagapagmana at kasangkap ng katawan at kabahagi . . . sa pangako na kaisa ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng mabuting balita.” Inalis na “ang Batas ng mga kautusan,” ang pader na naghihiwalay ng Gentil sa Judio, at dahil sa dugo ng Kristo, lahat ay naging mga kababayan ng mga banal at kasambahay ng Diyos. Kabaligtaran ng paganong templo ni Artemis, sila’y itinatayong sama-sama na kaisa ni Kristo Jesus bilang dakong tatahanan ng Diyos sa espiritu​—“isang banal na templo ukol kay Jehova.”​—3:4, 6; 2:15, 21.

      19. Anong pag-asa at pampatibay-loob ang patuloy na inihaharap ng Mga Taga-Efeso hanggang sa ngayon?

      19 Kung tungkol sa “banal na lihim,” bumanggit din si Pablo ng “isang pangasiwaan . . . upang matipon uli nang sama-sama ang lahat ng bagay kay Kristo, ang mga bagay na nasa langit [yaong mga pinili ukol sa makalangit na Kaharian] at ang mga bagay na nasa lupa [yaong mga mabubuhay sa lupa sa ilalim ng Kaharian].” Kaya itinatampok ang dakilang layunin ng Diyos na isauli ang kapayapaan at pagkakaisa. Sa layuning ito nanalangin si Pablo alang-alang sa mga taga-Efeso, na ang mga mata ng puso ay naliwanagan, upang kanilang masakyan ang pag-asa na itinawag sa kanila ng Diyos at makita “ang maluwalhating mga kayamanan na ipamamana niya sa mga banal.” Tiyak na sa mga salitang ito ay lubos na napatibay ang kanilang pag-asa. At ang kinasihang liham sa mga taga-Efeso ay patuloy na nagpapatibay sa kongregasyon ngayon, upang ‘sa lahat ng bagay ay mapuspos tayo ng buong kapuspusan na ibinibigay ng Diyos.’​—1:9-11, 18; 3:19.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 50—Mga Taga-Filipos
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 50​—Mga Taga-Filipos

      Manunulat: Si Pablo

      Saan Isinulat: Sa Roma

      Natapos Isulat: c. 60–​61 C.E.

      1. (a) Papaano narinig ng mga taga-Filipos ang mabuting balita? (b) Papaano naging kawili-wili ang makasaysayang kapaligiran ng lungsod ng Filipos?

      NANG anyayahan sa pamamagitan ng pangitain na dalhin ang mabuting balita sa Macedonia, agad sumunod si apostol Pablo kasama sina Lucas, Silas, at ang binatang si Timoteo. Mula sa Troas sa Asya Minor, nagbarko sila hanggang Neapolis at nagtungo agad sa Filipos na 15 kilometro ang layo patawid sa bundok. Ayon kay Lucas, ito “ang pangunahing lungsod sa lalawigan ng Macedonia.” (Gawa 16:12) Ipinangalan ito kay Haring Felipe II ng Macedonia (ama ni Alejandrong Dakila), na sumakop sa lungsod noong 356 B.C.E. Nang dakong huli ito ay naagaw ng mga Romano. Nagkaroon dito ng mahihigpit na labanan noong 42 B.C.E. na nagpatatag sa katayuan ni Octavian na nang maglao’y naging si Augusto Cesar. Bilang alaala ng tagumpay, ang Filipos ay ginawa niyang koloniya ng Roma.

      2. Anong pagsulong ang nagawa ni Pablo sa pangangaral sa Filipos, at ano ang naging kaakibat ng pagsilang ng kongregasyon doon?

      2 Sa bawat bagong lungsod, nakaugalian ni Pablo na mangaral muna sa mga Judio. Ngunit nang una siyang dumating sa Filipos noong mga 50 C.E., kakaunti ang mga Judio at malamang na wala roong sinagoga pagkat nagtitipon lamang sila upang manalangin sa tabi ng ilog sa labas ng bayan. Nagbunga agad ang pangangaral ni Pablo, at ang isa sa mga unang nakumberte ay si Lydia, isang negosyante at Judiong proselita na agad yumakap sa katotohanan tungkol kay Kristo at nag-anyaya kina Pablo sa kaniyang bahay. “Pinilit niya kaming tumuloy,” sabi ni Lucas. Hindi nagtagal, napaharap sila sa pagsalansang at sina Pablo at Silas ay pinagpapalô at ibinilanggo. Biglang lumindol, at ang tagapagbilanggo at ang sambahayan nito ay sumampalataya matapos makinig kina Pablo at Silas. Kinaumagahan pinalaya sina Pablo at Silas, at dinalaw nila ang mga kapatid sa tahanan ni Lydia at pinatibay sila bago nila lisanin ang lungsod. Taglay ni Pablo ang matitingkad na alaala ng mga kapighatiang nakaakibat ng pagsilang ng kongregasyon sa Filipos.​—Gawa 16:9-40.

      3. Nang dakong huli anong mga pakikipag-ugnayan ang ginawa ni Pablo sa kongregasyon sa Filipos?

      3 Pagkaraan ng ilang taon, sa ikatlo niyang paglalakbay-misyonero, dumalaw uli si Pablo sa kongregasyon sa Filipos. Mga sampung taon makaraang itatag ang kongregasyon, isang makabagbag-damdaming kapahayagan ng pag-ibig mula sa mga kapatid sa Filipos ang nag-udyok kay Pablo na sumulat ng kinasihang liham na naingatan sa Banal na Kasulatan sa pangalan ng minamahal na kongregasyong yaon.

      4. Ano ang pagkakakilanlan ng manunulat ng Mga Taga-Filipos, at ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng liham?

      4 Tinatanggap ng mga komentarista sa Bibliya na si Pablo ang sumulat ng liham, gaya ng isinasaad sa unang talata, at may saligan ito. Sa sariling liham sa mga taga-Filipos, binabanggit ni Polycarp (69?-155? C.E.) na si Pablo ay sumulat sa kanila. Ipinakita ng pagsipi ng sinaunang mga komentarista sa Bibliya na sina Ignatius, Irenaeus, Tertullian, at si Clement ng Aleksandriya na ang liham ay mula nga kay Pablo. Sinisipi ito sa Muratorian Fragment ng ikalawang siglo C.E. at sa lahat ng iba pang sinaunang kanon, at nasa Chester Beatty Papyrus No. 2 (P46) na di-umano’y mula pa noong mga 200 C.E., katabi ng walo pang ibang liham ni Pablo.

      5. Ano ang nagpapakita na sa Roma galing ang liham?

      5 Ang dako at petsa ng pagsulat ay matitiyak. Nang sumusulat siya, si Pablo ay bilanggo ng tanod-buhay ng emperador ng Roma, at abala ang mga Kristiyano noon. Sa pagwawakas ng liham ay inilakip niya ang mga pagbati ng mga mananampalatayang kasambahay ni Cesar. Ang pinagsamang mga katibayang ito ay nagpapatotoo na sa Roma galing ang liham.​—Fil. 1:7, 13, 14; 4:22; Gawa 28:30, 31.

      6. Ano ang ebidensiya sa panahon ng pagsulat ng Mga Taga-Filipos?

      6 Ngunit kailan ito isinulat? Waring matagal-tagal na rin si Pablo sa Roma kung kaya ang balita at dahilan ng pagkabilanggo niya ay nakarating na sa lahat ng Bantay ng Pretorio at sa marami pang iba. Isa pa, kailangan ang sapat na panahon upang makarating si Epafrodito mula sa Filipos (mga 1,000 kilometro ang layo) taglay ang isang kaloob kay Pablo, upang makabalik ang balita sa Filipos tungkol sa pagkakasakit ni Epafrodito sa Roma, at upang makarating sa Roma ang mga kapahayagan ng pagkalungkot dito mula sa Filipos. (Fil. 2:25-30; 4:18) Yamang unang nabilanggo si Pablo sa Roma noong 59-61 C.E., malamang na isinulat niya ang liham noong 60 o 61 C.E., isang taon o higit pa matapos ang una niyang pagdating sa Roma.

      7. (a) Ano ang nagbuklod kay Pablo at sa mga taga-Filipos, at ano ang nag-udyok sa kaniya na sumulat? (b) Anong uri ng liham ang Mga Taga-Filipos?

      7 Ang mga suliranin ng pagluluwal sa mga taga-Filipos sa tulong ng salita ng katotohanan, ang pagmamahal at pagiging-bukas-palad ng mga taga-Filipos sa pagkakaloob ng mga pangangailangan sa mga paglalakbay at paghihirap ni Pablo, at ang pantanging pagpapala ni Jehova sa unang pagmimisyonero sa Macedonia ay pawang nakatulong upang si Pablo at ang mga taga-Filipos ay mabigkis sa buklod ng pag-ibig. At ngayon, ang kanilang maibiging kaloob at pag-aalala tungkol kay Epafrodito at ang pagsulong ng mabuting balita sa Roma ay nagpakilos kay Pablo na sumulat ng isang mainit at maibiging liham na talagang nagpapatibay-loob.

      NILALAMAN NG MGA TAGA-FILIPOS

      8. (a) Papaano nagpahayag si Pablo ng pagtitiwala at pag-ibig sa mga kapatid sa Filipos? (b) Ano ang sinasabi ni Pablo tungkol sa kaniyang mga tanikala, at anong payo ang ibinibigay niya?

      8 Pagtatanggol at pagpapalaganap ng mabuting balita (1:1-30). Bumabati sina Pablo at Timoteo at nagpapasalamat si Pablo sa Diyos sa tulong ng mga taga-Filipos sa pagpapalaganap ng mabuting balita “mula nang unang araw hanggang sa ngayon.” Alam niyang itutuloy nila ito hanggang sa matapos, pagkat sila’y kabahagi niya sa di-sana-nararapat na kabaitan, maging sa “pagsasanggalang at pagtatanggol ng mabuting balita.” Nasasabik siya sa kanilang lahat at sinabi niya: “Ito ang lagi kong idinadalangin, na ang inyo nawang pag-ibig ay lalo pang sumagana . . . upang matiyak ninyo ang higit na mahahalagang bagay.” (1:5, 7, 9, 10) Ibig ni Pablo na malaman nilang ang “mga karanasan [niya] ay sa lalong ikasusulong ng mabuting balita,” sapagkat ang kaniyang mga tanikala ay nahayag sa lahat at ang mga kapatid ay napatibay na magpahayag ng salita ng Diyos nang walang-takot. Bagaman may pakinabang ngayon ang kamatayan ni Pablo, batid niya na alang-alang sa

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share