Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 50—Mga Taga-Filipos
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • na Ama.’ Ang mga umaasa sa buhay na walang hanggan sa Kaharian ng Diyos ay pinasisigla ng mahusay na payo sa Filipos na magpatuloy sa tunguhing ito. Gayunman, ang liham sa Filipos ay pangunahing ipinatutungkol sa kanila na ang “pagka-mamamayan ay nasa langit” at na buong pananabik na naghihintay na “maging katulad ng maluwalhating katawan” ni Kristo. “Nililimot ang mga bagay sa hulihan at tinutungo ang mga bagay sa unahan,” tumulad nawa sila kay apostol Pablo sa “pagpapatuloy hanggang sa makamit ang tunguhin na gantimpala ng dakilang pagtawag,” ang maluwalhating mana sa Kaharian ng mga langit!​—4:8; 2:10, 11; 3:13, 14, 20, 21.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 51—Mga Taga-Colosas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 51​—Mga Taga-Colosas

      Manunulat: Si Pablo

      Saan Isinulat: Sa Roma

      Natapos Isulat: c. 60–​61 C.E.

      1. Saan naroon ang bayan ng Colosas?

      DALAWANG lalaki ang umalis sa Efeso na binabaybay ang Ilog Meander (Menderes) pasilangan sa Asya Minor. Pagdating nila sa Lycus na sanga ng ilog, sa lupain ng Perga, lumiko sila sa timog-silangan upang sundan ang ilog hanggang sa libis na pinalilibutan ng bundok. Napatambad sa kanila ang isang magandang tanawin: matatabang pastulan at malalaking kawan ng mga tupa. (Isa sa mga pangunahing kalakal doon ay mga produktong lana.a) Sa libis, nadaanan nila sa kanan ang mariwasang lungsod ng Laodicea, kabisera ng Roma sa lalawigan. Sa kaliwa, sa ibayo ng ilog, ay natatanaw ang Herapolis, tanyag sa mga templo at maiinit na bukal. May mga kongregasyong Kristiyano sa dalawang lungsod na ito at gayundin sa maliit na bayan ng Colosas, mga 16 kilometro paahon mula sa libis.

      2. (a) Sino ang dalawang kinatawan na isinugo ni Pablo sa Colosas? (b) Ano ang nalalaman tungkol sa kongregasyon sa Colosas?

      2 Colosas ang sadya ng mga manlalakbay. Kapuwa sila Kristiyano. Isa sa kanila ay pamilyar sa dakong yaon palibhasa’y taga-Colosas siya. Onesimo ang pangalan niya, isang alipin na pabalik sa kaniyang panginoon na kaanib ng kongregasyon doon. Kasama ni Onesimo si Tiquico, isang malayang tao, at kapuwa sila kinatawan ni apostol Pablo at tagapagdala ng kaniyang liham para sa “tapat na mga kapatid kay Kristo sa Colosas.” Sa abot ng ating nalalaman, hindi nakadalaw si Pablo sa Colosas. Ang kongregasyon na binubuo halos ng mga di-Judio ay malamang na itinatag ni Epafras, masipag nilang kamanggagawa at ngayo’y kasama ni Pablo sa Roma.​—Col. 1:2, 7; 4:12.

      3. Ano ang isinisiwalat ng liham sa Mga Taga-Colosas tungkol sa manunulat, at pati na sa panahon at dako ng pagsulat?

      3 Si apostol Pablo ang sumulat ng liham, gaya ng isinasaad sa pambungad at pangwakas. (1:1; 4:18) Ayon sa pangwakas, isinulat niya ito mula sa bilangguan. Yaon ang una niyang pagkabilanggo sa Roma, 59-61 C.E., at isinulat niya roon ang iba pang mga liham na pampatibay-loob, at ang liham sa mga taga-Colosas ay ipinadala na kasabay niyaong kay Filemon. (Col. 4:7-9; Filem. 10, 23) Waring ito ay isinulat kasabay ng liham sa mga taga-Efeso pagkat magkatulad ang mga ideya at parirala ng dalawa.

      4. Ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng Colosas?

      4 Walang saligan upang mag-alinlangan sa pagiging-tunay ng Mga Taga-Colosas. Ang pagkalakip nito sa iba pang liham ni Pablo sa Chester Beatty Papyrus No. 2 (P46) ng 200 C.E. ay patotoo na ito ay tinanggap ng sinaunang mga Kristiyano bilang isa sa mga liham ni Pablo. Pinatutunayan din ito ng sinaunang mga autoridad na nagpatotoo rin sa pagiging-tunay ng iba pang liham ni Pablo.

      5. (a) Ano ang nag-udyok kay Pablo na sumulat sa mga taga-Colosas? (b) Ano ang idiniriin ng liham?

      5 Ano ang nag-udyok kay Pablo na lumiham sa mga taga-Colosas? Ang isang dahilan ay sapagkat pabalik na si Onesimo sa Colosas. Bago pa lamang nakakasama ni Pablo si Epafras, at tiyak na ang ulat nito tungkol sa Colosas ay isa pa ring dahilan sa pagsulat. (Col. 1:7, 8; 4:12) May panganib na nagbabanta sa kongregasyon. Ang mga relihiyon noon ay watak-watak, at patuloy ang pagbuo ng mga bago dahil sa pagpipisan ng mga datihan. Palasak ang maka-paganong mga pilosopiya ng asetisismo, espiritismo, at idolatrosong pamahiin, at ang mga ito, kalakip ang pag-iwas ng mga Judio sa pagkain at pangingilin ng mga araw ay malamang na nakaimpluwensiya sa ilan sa kongregasyon. Anoman ang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share