Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 58—Mga Hebreo
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • yayanigin ko hindi lamang ang lupa kundi pati ang langit.” (Heb. 12:26; Hag. 2:6) Ngunit ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo Jesus, ang Binhi, ay mananatili magpakailanman. “Yamang tayo’y tatanggap ng isang kaharian na hindi nakikilos, tayo’y . . . maghandog ng banal na paglilingkod sa banal na pagkatakot at paggalang.” Tinitiyak ng nakapupukaw na ulat na si Kristo ay muling paririto “nang hiwalay sa kasalanan at tungo sa mga umaasa sa kaniya ukol sa kaligtasan.” Kaya, “sa pamamagitan niya’y lagi tayong maghandog sa Diyos ng isang hain ng papuri, ang bunga ng mga labi na gumagawa ng pangmadlang pagpapahayag sa kaniyang pangalan.” Ang dakilang pangalan ng Diyos na Jehova ay pakabanalin nawa magpakailanman ng Hari’t-Saserdote, si Jesu-Kristo!​—Heb. 12:28; 9:28; 13:15.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 59—Santiago
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 59​—Santiago

      Manunulat: Si Santiago

      Saan Isinulat: Sa Jerusalem

      Natapos Isulat: Bago ang 62 C.E.

      1. Bakit may alinlangan sa pagkasulat ni Santiago sa aklat na pinangalanang Santiago?

      “NASISIRAAN siya ng bait.” Ito ang akala ng mga kamag-anak ni Jesus tungkol sa kaniya. Noong kaniyang makalupang ministeryo, “kahit ang mga kapatid niya ay hindi sumasampalataya sa kaniya,” at si Santiago, pati sina Jose, Simon, at Judas, ay hindi kabilang sa unang mga alagad ni Jesus. (Mar. 3:21; Juan 7:5; Mat. 13:55) Kaya papaano sasabihing si Santiago na kapatid-sa-ina ni Jesus ang sumulat ng aklat sa Bibliya na may pangalang Santiago?

      2. Papaano ipangangatuwiran na ang kapatid-sa-ina ni Jesus ang sumulat ng Santiago?

      2 Ayon sa ulat, nagpakita kay Santiago ang binuhay-muling si Jesus at ito ang pumawi ng alinlangan na si Jesus nga ang Mesiyas. (1 Cor. 15:7) Ayon sa Gawa 1:12-14, bago pa ang Pentekostes, si Maria at ang mga kapatid ni Jesus ay kasama ng mga apostol sa isang silid sa Jerusalem. Hindi kaya isa sa mga apostol na nagngangalang Santiago ang sumulat ng liham? Hindi, pagkat nagpapakilala ang manunulat, hindi bilang apostol, kundi bilang ‘alipin ng Panginoong Jesu-Kristo.’ Isa pa, ang pambungad ni Judas, gaya kay Santiago, ay bumabanggit kay Judas (o Jude sa Ingles) bilang “alipin ni Jesu-Kristo, at kapatid ni Santiago.” (Sant. 1:1; Judas 1) Mula rito’y wastong maipapasiya na sina Santiago at Judas, mga kapatid-sa-ina ni Jesus, ang sumulat ng mga aklat sa Bibliya na may pangalan nila.

      3. Ano ang mga kuwalipikasyon ni Santiago bilang manunulat?

      3 Si Santiago ay kuwalipikadong magpayo sa kongregasyong Kristiyano. Siya’y iginagalang na tagapangasiwa sa Jerusalem. Binabanggit ni Pablo si “Santiago na kapatid ng Panginoon” bilang isa sa “mga haligi” sa kongregasyon kasama nina Cefas at Juan. (Gal. 1:19, 2:9) Ang katanyagan niya ay ipinahihiwatig ng karaka-rakang pagpapasabi ni Pedro kay “Santiago at sa mga kapatid” matapos itong makalaya sa bilangguan. At hindi ba si Santiago ang tagapagsalita ng “mga apostol at matatanda” nang sina Pablo at Bernabe ay magtungo sa Jerusalem upang desisyunan ang suliranin ng pagtutuli? Kapansin-pansin na ang desisyon at ang liham ni Santiago ay kapuwa nagpapasimula sa, “Binabati namin kayo!”​—isa pang patotoo na iisa ang sumulat.​—Gawa 12:17; 15:13, 22, 23; Sant. 1:1.

      4. Ano ang nagpapahiwatig na ang liham ni Santiago ay isinulat hindi matagal bago ang 62 C.E.?

      4 Ayon kay Josephus, ang Mataas na Saserdoteng si Ananus (Ananias), isang Saduceo, ang nagpapatay kay Santiago sa pamamagitan ng pagbato. Ito’y noong patay na ang Romanong gobernador na si Festo, mga 62 C.E., at bago siya hinalinhan ni Albinus.a Ngunit kailan isinulat ni Santiago ang liham? Mula sa Jerusalem ito ay ipinatungkol niya sa “labindalawang tribo na nasa pangangalat,” o sa literal ay, sa “(mga) napangalat.” (Sant. 1:1, talababa) Kailangan ang panahon upang mapalaganap ang Kristiyanismo matapos ibuhos ang banal na espiritu noong 33 C.E., at kailangan din ang panahon bago lumitaw ang nakagigitlang mga kalagayan na binabanggit sa liham. Bukod dito, ipinahihiwatig ng liham na ang mga Kristiyano ay organisado na sa mga kongregasyon na may mga maygulang na “matatanda” na makapananalangin at magpapalakas sa mahihina. Isa pa, kailangan din ang panahon bago makapasok ang pagwawalang-bahala at pormalismo. (2:1-4; 4:1-3; 5:14; 1:26, 27) Kaya malamang na may atrasadong petsa ang liham ni Santiago, marahil bago ang 62 C.E., kung ang ulat ni Josephus tungkol sa mga pangyayaring nakapaligid sa pagkamatay ni Festo at kung ang mga pag-uulat na namatay si Festo noong mga 62 C.E, ay kapuwa tumpak.

      5. Ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng Santiago?

      5 Ang Santiago ay tunay pagkat kalakip ito sa mga manuskritong Vatican No. 1209, Sinaitic, at Alexandrine. Kabilang ito sa di-kukulangin sa sampung sinaunang katalogo bago pa ang Konsilyo ng Cartago noong 397 C.E.b Malawakan itong sinipi ng sinaunang mga manunulat eklesiastikal. Maaaninaw ang pagkakasuwato ng liham ni Santiago sa iba pang kinasihang Kasulatan.

      6. (a) Ano ang mga dahilan ng pagsulat ni Santiago? (b) Sa halip na sumalungat, papaano sinususugan ni Santiago ang mga pangangatuwiran ni Pablo sa pananampalataya?

      6 Bakit sumulat si Santiago? Makikita sa maingat na pagsusuri na may panloob na suliraning gumugulo sa mga kapatid. Hindi lamang bumabà ang mga pamantayang Kristiyano kundi niwalang-halaga pa ito, kaya may mga naging espirituwal na mangangalunya at kaibigan ng sanlibutan. Sabik lumikha ng salungatan, inangkin ng iba na ang mga sulat ni Pablo tungkol sa kaligtasan salig sa pananampalataya at hindi sa gawa ay napawalang-saysay ng liham ni Santiago na nagpapasigla sa pananampalatayang may gawa. Ngunit ayon sa konteksto, ang tinutukoy ni Santiago ay pananampalatayang may lakip na gawa, hindi mga salita lamang, samantalang ang sinasabi ni Pablo ay mga gawa ng Kautusan. Ang totoo, sinususugan ni Santiago ang katuwiran ni Pablo, ngunit pinalalawak pa ito sa pagpapaliwanag kung papaano ipapahayag ang pananampalataya. Praktikal ang payo ni Santiago sa araw-araw na suliranin ng isang Kristiyano.

      7. Papaano tinularan ni Santiago ang paraan ng pagtuturo ni Jesus, at ano ang epekto nito?

      7 Ang mga payo ni Santiago sa pananampalataya, pagtitiis, at pagtitiyaga ay sinusuhayan ng makukulay na talinghaga mula sa araw-araw na buhay, gaya ng mga hayop, sasakyang-dagat, magsasaka, at pananim. Ang pagtulad sa mabisang paraan ng pagtuturo ni Jesus ay nagbibigay-puwersa sa payo ni Santiago. Idiniriin ng liham ang matalas na unawa ni Santiago sa mga motibong nagpapakilos sa tao.

      NILALAMAN NG SANTIAGO

      8. Ano ang ibubunga ng matiising pagtitiyaga, ngunit ano ang ibubunga ng masamang nasà?

      8 Matiising pagtitiyaga bilang “tagatupad ng salita” (1:1-27). Nagbubukas si Santiago sa mga salitang pampatibay-loob: “Ariing kagalakan, mga kapatid, kung kayo’y mapaharap sa sari-saring pagsubok.” Sila ay pinasasakdal ng matiising pagtitiyaga. Kung ang isa’y kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos nang may pananampalataya at hindi nag-aalinlangan na gaya ng alon ng dagat na hinahampas ng hangin. Ang nagpapakababa ay itataas, ngunit ang mayaman ay lilipas na gaya ng lantang bulaklak. Maligaya ang nagtitiis ng pagsubok, sapagkat “tatanggap siya ng putong ng buhay, na ipinangako ni Jehova sa mga umiibig sa kaniya.” Ang tao ay hindi tinutukso ng Diyos sa masasamang bagay upang ibagsak siya. Sariling pita na nahihinog at nagluluwal ng kasalanan ang nagbubunga ng kamatayan.​—1:2, 12, 22.

      9. Ano ang nasasangkot sa pagiging “tagatupad ng salita,” at anong anyo ng pagsamba ang sinasang-ayunan ng Diyos?

      9 Saan galing ang mabubuting kaloob? Mula sa di-nagbabagong ‘Ama ng makalangit na mga ilaw.’ “Dahil sa kalooban niya,” ani Santiago, “ay ipinanganak tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, bilang pangunahing mga bunga sa kaniyang mga nilalang.” Kaya ang mga Kristiyano ay dapat maging mabilis sa pakikinig, makupad sa salita, makupad sa galit, at iwaksi ang lahat ng karumihan at kahalayan at tanggapin ang paghahasik ng salita ng kaligtasan. “Maging tagatupad ng salita, hindi tagapakinig lamang.” Sapagkat ang sumisilip sa tulad-salaming kautusan ng kalayaan at nananatili rito “ay magiging maligaya sa paggawa nito.” Walang kabuluhan ang pormal na pagsamba kung hindi pinipigil ang dila, pagkat ang “anyo ng pagsamba na malinis at walang-dungis sa paningin ng ating Diyos at Ama ay ito: tulungan ang mga ulila at mga balo sa kanilang kapighatian, at manatiling walang batik ng sanlibutan.”​—1:17, 18, 22, 25, 27.

      10. (a) Anong pagtatangi ang dapat iwasan? (b) Ano ang kaugnayan ng gawa sa pananampalataya?

      10 Pananampalatayang pinasakdal ng wastong gawa (2:1-26). Ang mga kapatid ay nagtatangi at pinapaboran ang mayaman. Ngunit hindi ba “pinili ng Diyos ang mga dukha upang sila’y maging mayaman sa pananampalataya at maging mga tagapagmana ng kaharian”? Hindi ba’t ang mayayaman ay mapaniil? Dapat ikapit ang kautusang hari, “Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sarili,” at iwasan ang paboritismo. Maging mahabagin, pagkat ayon sa Kautusan, ang nagkakasala sa isang bagay ay nagkakasala sa lahat. Walang-saysay ang pananampalatayang walang gawa, gaya ng pagsasabi sa dukhang kapatid na “magpainit ka at magpakabusog” ngunit walang ibinibigay na tulong. Maipakikita ba ang pananampalatayang hiwalay sa gawa? Hindi ba pinasakdal ng gawa ang pananampalataya ni Abraham nang ihandog si Isaac? Gayundin, si Rahab na patutot ay “inaring matuwid dahil sa mga gawa.” Kaya ang pananampalatayang walang gawa ay patay.​—2:5, 8, 16, 19, 25.

      11. (a) Nagbabala si Santiago tungkol sa dila sa pamamagitan ng anong mga ilustrasyon? (b) Papaano ipakikita ang katalinuhan at unawa?

      11 Pagsupil sa dila upang magturo ng karunungan (3:1-18). Mag-ingat sa pagiging-guro, upang huwag mahatulan. Lahat ay madalas matisod. Kung papaano sinusupil ng preno ang kabayo at ng maliit na timon ang malaking barko, ang isang maliit na sangkap, ang dila, ay makapangyarihan. Ito’y apoy na nagpapasiklab sa buong gubat! Mas madaling

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share