Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 2—Exodo
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • layunin, at ito ang nagpapatibay ng ating pananampalataya. Lumalago ang pananampalatayang ito habang sinusuri ang maraming pagtukoy ng Kristiyanong Kasulatang Griyego sa Exodo bilang pahiwatig ng mga katuparan ng maraming bahagi ng tipang Batas, ng katiyakan ng pagkabuhay-na-muli, ng pagtustos ni Jehova sa kaniyang bayan, ng mga pamarisan ukol sa Kristiyanong pagkakawanggawa, ng payo sa pag-aasikaso sa magulang, ng mga kahilingan sa pagkakamit ng buhay, at kung papaano mamalasin ang makatarungang parusa. Ang Batas ay sinuma sa dalawang utos na pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa.​—Mat. 22:32​—Exo. 4:5; Juan 6:31-35 at 2 Cor. 8:15​—Exo. 16:4, 18; Mat. 15:4 at Efe. 6:2​—Exo. 20:12; Mat. 5:26, 38, 39​—Exo. 21:24; Mat. 22:37-40.

      27. Ano ang pakinabang ng Kristiyano sa makasaysayang ulat ng Exodo?

      27 Mababasa natin sa Hebreo 11:23-29 ang pananampalataya ni Moises at ng kaniyang mga magulang. Sa pananampalataya’y iniwan niya ang Ehipto, nagdiwang siya ng Paskuwa, at inakay ang Israel patawid sa Dagat na Pula. Ang mga Israelita ay nabautismuhan kay Moises at nagsikain ng espirituwal na pagkain at uminom ng espirituwal na inumin. Inasahan nila ang espirituwal na batong-panulok, o Kristo, subalit hindi sila sinang-ayunan ng Diyos, sapagkat inilagay nila ang Diyos sa pagsubok at sila’y naging mananamba sa diyus-diyosan, mangangalunya, at mapagreklamo. Ipinaliwanag ni Pablo na makahulugan ito para sa mga Kristiyano ngayon: “Ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang halimbawa, at nasulat bilang babala sa atin na dinatnan ng katapusan ng pamamalakad ng mga bagay. Kaya ang nakatayo ay mag-ingat na baka siya mabuwal.”​—1 Cor. 10:1-12; Heb. 3:7-13.

      28. Papaano natupad ang mga anino ng Kautusan at ng kordero ng Paskuwa?

      28 Ang malalim na espirituwal na kahulugan ng Exodo, sampu ng makahulang katuparan nito, ay inihaharap sa mga sulat ni Pablo, lalo na sa Hebreo kabanata 9 at 10. “Sapagkat ang Kautusan ay anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kaya ang taong lumalapit ay hindi kailanman mapasasakdal ng iyo’t-iyon ding hain na inihahandog sa bawat taon.” (Heb. 10:1) Kaya interesado tayo na kilalanin ang anino at unawain ang katuparan. Si Kristo “ay naghandog ng iisang hain magpakailanman para sa kasalanan.” Inilalarawan siya bilang “Kordero ng Diyos.” Isa mang buto ng “Kordero[ng]” ito ay hindi nabali, tulad niyaong sa anino. Nagkomento si apostol Pablo: “Si Kristo na ating paskuwa ay naihain na. Kaya ipagdiwang natin ang kapistahan, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura ng kasamaan at kabalakyutan, kundi sa walang-lebadurang tinapay ng kataimtiman at katotohanan.”​—Heb. 10:12; Juan 1:29 at Ju 19:36​—Exo. 12:46; 1 Cor. 5:7, 8​—Exo. 23:15.

      29. (a) Paghambingin ang tipang Kautusan at ang bagong tipan. (b) Anong mga hain ang inihahandog sa Diyos ng mga espirituwal na Israelita ngayon?

      29 Si Jesus ang naging Tagapamagitan ng bagong tipan, gaya ni Moises na tagapamagitan ng tipang Kautusan. Ang pagkakaiba ng dalawang tipan ay buong-linaw na ipinaliwanag ni apostol Pablo, na bumanggit ng ‘nasusulat na mga kautusan’ na pinawi ng pagkamatay ni Jesus sa pahirapang tulos. Bilang Mataas na Saserdote, ang binuhay-muling si Jesus ay “ministro ng santwaryo at ng tunay na tabernakulo, na itinayo ni Jehova, hindi ng tao.” Sa ilalim ng Kautusan ang mga saserdote ay naghandog ng “banal na paglilingkod sa anyo at anino ng makalangit na mga bagay” ayon sa huwaran na ibinigay ni Moises. “Ngunit nakamit ni Jesus ang isang ministeryo na mas marangal, kaya siya rin ang tagapamagitan ng isang tipan na mas magaling, na itinatag ng kautusan sa mas mabubuting mga pangako.” Ang lumang tipan ay lumipas na at inalis bilang isang kodigo na humahatol ng kamatayan. Ang mga Judiong di-nakakaunawa ay inilarawan bilang mga manhid ang pakiramdam, subalit ang mga nagpapahalaga sa pagpapailalim ng espirituwal na Israel sa bagong tipan ay maaaring “magpaaninaw ng kaluwalhatian ni Jehova nang hindi nalalambungan ang mukha,” at maging karapat-dapat na mga ministro nito. Dahil sa nilinis na budhi ay makapaghahandog sila ng mga “hain ng papuri, alalaong baga’y, ang bunga ng mga labi na gumagawa ng pangmadlang pagpapahayag sa kaniyang pangalan.”​—Col. 2:14; Heb. 8:1-6, 13; 2 Cor. 3:6-18; Heb. 13:15; Exo. 34:27-35.

      30. Ano ang inilarawan ng pagliligtas sa Israel at ng pagtatanghal ng pangalan ni Jehova sa Ehipto?

      30 Dinadakila ng Exodo ang pangalan at soberanya ni Jehova, at umaakay sa maluwalhating kaligtasan ng Kristiyanong espirituwal na Israel, na tinukoy nang ganito: “Kayo’y ‘lahing hirang, isang maharlikang pagkasaserdote, bansang banal, bayang tanging pag-aari, upang inyong ipahayag ang mga karangalan’ niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kaniyang kagila-gilalas na liwanag. Sapagkat kayo nang nakaraan ay hindi bayan, ngunit ngayo’y bayan ng Diyos.” Ang kapangyarihan ni Jehova sa pagtitipon ng espirituwal na Israel bilang pagdakila sa kaniyang pangalan ay isang himala na gaya rin ng kapangyarihan na ipinamalas niya sa sinaunang Ehipto alang-alang sa kaniyang bayan. Sa pagpapanatili kay Paraon upang maitanghal ang Kaniyang kapangyarihan at upang maipahayag ang Kaniyang pangalan, si Jehova ay naglaan ng anino ng isang mas dakilang patotoo na ibibigay sa pamamagitan ng Kaniyang Kristiyanong mga Saksi.​—1 Ped. 2:9, 10; Roma 9:17; Apoc. 12:17.

      31. Ano ang inilalarawan ng Exodo tungkol sa isang kaharian at sa presensiya ni Jehova?

      31 Kaya, masasabi na ang bansang itinatag sa ilalim ni Moises ay lumarawan sa isang bagong bansa sa ilalim ni Kristo at sa isang kaharian na hindi maigugupo. Sa liwanag nito, hinihimok tayo na “maghandog sa Diyos ng banal na paglilingkod na may banal na takot at paggalang.” Kung papaanong ang presensiya ni Jehova ay tumakip sa tabernakulo sa ilang, nangangako siya na ang mga natatakot sa kaniya ay makakasama niya nang walang-hanggan: “Masdan! Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging bayan niya. Ang Diyos din ay sasa kanila. . . . Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.” Ang Exodo ay isa ngang mahalaga at kapaki-pakinabang na bahagi ng ulat ng Bibliya.​—Exo. 19:16-19​—Heb. 12:18-29; Exo. 40:34​—Apoc. 21:3, 5.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 3—Levitico
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 3​—Levitico

      Manunulat: Si Moises

      Saan Isinulat: Sa Ilang

      Natapos Isulat: 1512 B.C.E.

      Panahong Saklaw: 1 buwan (1512 B.C.E.)

      1. (a) Bakit angkop ang pangalang Levitico? (b) Ano pang ibang pangalan ang ibinigay sa Levitico?

      LEVITICO ang pinakakaraniwang pangalan ng ikatlong aklat ng Bibliya, galing sa Leu·i·ti·konʹ ng Griyegong Septuagint mula sa Latin Vulgate na “Leviticus.” Angkop ang pangalang ito, bagaman pahapyaw lamang binabanggit ang mga Levita (sa 25:32, 33), pagkat sa kalakhan ito ay binubuo ng mga tuntunin ng pagkasaserdoteng Levitico, na pinili mula sa tribo ni Levi, at ng mga batas na itinuro ng mga saserdote sa bayan: “Ang mga labi ng saserdote ay mag-iingat ng kaalaman, at ang batas ay hahanapin ng bayan sa kaniyang bibig.” (Mal. 2:7) Sa tekstong Hebreo, ang aklat ay ipinangalan sa pambungad nito, Wai·yiq·raʼʹ, sa literal ay, “At tinawag niya.” Nang maglaon, ang aklat ay tinawag din ng mga Judio na Batas ng mga Saserdote at Batas ng mga Paghahandog.​—Lev. 1:1, talababa.

      2. Anong ebidensiya ang nagpapatotoo sa pagkasulat ni Moises?

      2 Walang alinlangan na si Moises ang sumulat ng Levitico. Ang pagtatapos, o colophon, ay nagsasaad: “Ito ang mga utos na ibinigay ni Jehova kay Moises.” (27:34) Ganito rin ang mababasa sa Levitico 26:46. Ang katibayan ng pagkasulat ni Moises ng Genesis at Exodo ay patotoo rin na siya ang sumulat ng Levitico, yamang sa pasimula ang Pentateuko ay malamang na iisang balumbon. Bukod dito, ang Levitico ay idinurugtong ng pangatnig na “at” sa naunang mga aklat. Ang pinakamatibay na patotoo ay ang malimit na pagsipi o pagtukoy ni Jesu-Kristo at iba pang kinasihang lingkod ni Jehova sa mga batas at simulain sa Levitico at ang mga ito ay kay Moises iniuukol.​—Lev. 23:34, 40-43​—Neh. 8:14, 15; Lev. 14:1-32​—Mat. 8:2-4; Lev. 12:2​—Luc. 2:22; Lev. 12:3​—Juan 7:22; Lev. 18:5​—Roma 10:5.

      3. Anong yugto ng panahon ang saklaw ng Levitico?

      3 Anong yugto ng panahon ang saklaw ng Levitico? Ang aklat ng Exodo ay nagtatapos sa pagtatayo ng tabernakulo “sa unang buwan, sa ikalawang taon, sa unang araw ng buwan.” Ang aklat ng Mga Bilang (na sumusunod agad sa Levitico) ay nagbubukas sa pakikipag-usap ni Jehova kay Moises “sa unang araw ng ikalawang buwan sa ikalawang taon mula nang sila’y lumabas sa lupain ng Ehipto.” Kaya, hindi hihigit sa isang lunar na buwan ang lumipas para sa iilang pangyayari sa Levitico, yamang ang kalakhang bahagi ng aklat ay mga batas at tuntunin.​—Exo. 40:17; Bil. 1:1; Lev. 8:1–​10:7; 24:10-23.

      4. Kailan isinulat ang Levitico?

      4 Kailan isinulat ni Moises ang Levitico? Malamang na itinala niya ang mga pangyayari habang nagaganap ang mga ito at isinulat ang mga tagubilin ng Diyos nang ito ay tanggapin niya. Makikita ito sa utos ng Diyos na isulat ang tungkol sa paghatol sa mga Amalekita karaka-rakang sila ay matalo ng Israel sa digmaan. Ang isang maagang petsa ay iminumungkahi rin ng ilang bagay sa aklat. Halimbawa, iniutos sa mga Israelita na ang mga hayop na kakainin nila ay dapat dalhin sa pasukan ng tabernakulo ng kapisanan upang katayin. Ang utos na ito ay dapat naibigay at naiulat hindi matagal pagkaraang italaga ang pagkasaserdote. Maraming tagubilin ang ibinigay sa ikapapatnubay ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa ilang. Lahat ng ito ay nagpapahiwatig na isinulat ni Moises ang Levitico noong 1512 B.C.E.​—Exo. 17:14; Lev. 17:3, 4; 26:46.

      5. Ano ang layunin ng mga batas hinggil sa mga hain at seremonyal na karumihan?

      5 Bakit isinulat ang Levitico? Nilayon ni Jehova na magkaroon ng isang bansang banal, nabubukod sa kaniyang paglilingkod. Mula kay Abel ay naghahain

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share