-
Aklat ng Bibliya Bilang 3—Levitico“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
unawang ito ay mahalaga sa mga tatanggap ng buhay na ilalaan ni Jehova sa pamamagitan ni Kristo Jesus, ang “dakilang saserdote sa bahay ng Diyos.”—Heb. 10:19-25.
39. Papaano katugma ng Levitico ang “lahat ng Kasulatan” sa pagpapakilala sa mga layunin ng Kaharian ni Jehova?
39 Gaya ng makasaserdoteng sambahayan ni Aaron, ang Mataas na Saserdoteng si Jesu-Kristo ay may mga katulong. Sila ang “maharlikang pagkasaserdote.” (1 Ped. 2:9) Ang Levitico ay malinaw na tumutukoy at nagpapaliwanag sa gawaing pagtubos ng dakilang Mataas na Saserdote at Hari ni Jehova, at sa mga kahilingan sa mga kaanib ng Kaniyang sambahayan, na tinutukoy na “maligaya at banal” at ‘mga saserdote ng Diyos at ng Kristo na maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.’ Kay laking pagpapala ang pagsasauli ng sangkatauhan sa kasakdalan, at napakalaking kaligayahan ang idudulot ng makalangit na Kaharian sa pagsasauli ng kapayapaan at katuwiran sa lupa! Lahat ay dapat magpasalamat sa banal na Diyos, si Jehova, sa pagsasaayos ng isang Mataas na Saserdote at Hari, at ng maharlikang pagkasaserdote, upang ipahayag ang Kaniyang mga karangalan bilang pagbanal sa Kaniyang pangalan! Oo, kamangha-mangha ang pagkakatugma ng Levitico sa “lahat ng Kasulatan” sa pagpapakilala sa mga layunin ng Kaharian ni Jehova.—Apoc. 20:6.
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 4—Mga Bilang“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 4—Mga Bilang
Manunulat: Si Moises
Saan Isinulat: Sa Ilang at sa Kapatagan ng Moab
Natapos Isulat: 1473 B.C.E..
Panahong Saklaw: 1512-1473 B.C.E.
1. Bakit isinulat ang mga pangyayari sa Mga Bilang, at ano ang idinidiin nito sa atin?
ANG mga kaganapan sa paglalakbay ng Israel sa ilang ay iniulat sa Bibliya sa kapakinabangan natin ngayon.a Sinabi ni apostol Pablo: “Ang mga ito’y naging halimbawa sa atin, upang huwag tayong magnasa ng masasamang bagay.” (1 Cor. 10:6) Idiniriin ng matingkad na ulat ng Mga Bilang na ang kaligtasan ay salig sa pagbanal sa pangalan ni Jehova, pagsunod sa kaniya anoman ang mangyari, at paggalang sa kaniyang mga kinatawan. Ang pabor niya ay dumarating hindi dahil sa anomang kabutihan o kagalingan ng kaniyang bayan kundi dahil sa dakila niyang awa at di-sana-nararapat na kabaitan.
2. Sa ano tumutukoy ang pangalang Mga Bilang, ngunit anong mas angkop na pamagat ang ibinigay ng mga Judio?
2 Ang pangalang Mga Bilang ay tumutukoy sa pagbilang sa mga tao na unang naganap sa Bundok Sinai at saka sa Kapatagan ng Moab, gaya ng iniuulat sa kabanata 1-4 at 26. Ang pangalan ay mula sa pamagat na Numeri sa Latin Vulgate at hango sa A·rith·moiʹ sa Griyegong Septuagint. Gayunman, mas angkop ang tawag ng mga Judio sa aklat, Bemidh·barʹ, ibig sabihi’y “Sa Ilang.” Ang salitang Hebreo na midh·barʹ ay nagpapahiwatig ng isang bukás na dako, walang mga lungsod o bayan. Ang mga pangyayari sa Mga Bilang ay naganap sa ilang na nasa timog-silangan ng Canaan.
3. Ano ang patotoo na si Moises ang sumulat ng Mga Bilang?
3 Ang Mga Bilang ay maliwanag na bahagi ng orihinal na limahang tomo na naglakip sa Genesis hanggang Deuteronomio. Ang unang talata ay nagsisimula sa pangatnig na “at,” upang idugtong ito sa nauna. Kaya, tiyak na ang sumulat ay si Moises, ang manunulat ng naunang mga aklat. Maliwanag din ito sa pariralang “isinulat ni Moises,” at ng colophon na, “Ito ang mga utos at ang mga kahatulan na iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.”—Bil. 33:2; 36:13.
4. Anong yugto ng panahon ang saklaw ng Mga Bilang, at kailan natapos ang aklat?
4 Mahigit nang isang taon mula nang lisanin ng Israel ang Ehipto. Nag-uulat mula sa ikalawang buwan ng ikalawang taon mula sa Pag-aalisan, sinasaklaw ng Mga Bilang ang susunod na 38 taon at siyam na buwan, mula 1512 B.C.E. hanggang 1473 B.C.E. (Bil. 1:1; Deut. 1:3) Bagaman hindi tugma sa yugtong ito, ang mga pangyayari sa Bilang 7:1-88 at 9:1-15 ay inilalakip bilang karagdagang impormasyon. Ang unang mga bahagi ng aklat ay malamang na isinulat habang nagaganap ang mga pangyayari, ngunit maliwanag na natapos lamang ni Moises ang Mga Bilang noong katapusan ng ika-40 taon sa ilang, sa pasimula sa kalendaryong taon ng 1473 B.C.E.
5. Ano ang patotoo ng pagiging-tunay ng Mga Bilang?
5 Walang alinlangan sa pagiging-totoo ng ulat. Ayon kay Moises ang tigang na lupaing nilakbay nila ay isang “malawak at kakila-kilabot na ilang,” at totoo ito maging sa ngayon pagkat ang kalat-kalat na naninirahan dito ay palipat-lipat sa paghahanap ng pastulan at tubig. (Deut. 1:19) Isa pa, ang detalyadong tagubilin sa pagkakampo ng bansa, ang kaayusan sa pagmamartsa, at ang mga hudyat ng trumpeta na umugit sa buhay sa kampamento ay pawang patotoo na ang ulat ay tunay ngang isinulat “sa ilang.”—Bil. 1:1.
6. Papaano umaalalay sa Mga Bilang ang mga tuklas ng arkeolohiya?
6 Ang arkeolohiya ay nagpapatunay din sa nakasisindak na ulat ng mga tiktik pagbalik nila mula sa Canaan, na “ang nakukutaang mga lungsod ay napakalalakí.” (13:28) Ipinakikita ng makabagong mga tuklas na pinatatag ng mga taga-Canaan ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng maraming sunud-sunod na kuta sa buong lupain, mula Libis ng Jezreel sa hilaga hanggang Gerar sa timog. Bukod sa nakukutaan, ang mga lungsod ay nasa tuktok pa ng mga burol, at may matataas na tore sa ibabaw ng mga pader, na nagpahanga sa mga Israelitang matagal na nanirahan sa patag na lupain ng Ehipto.
7. Anong tatak ng katapatan ang taglay ng Mga Bilang?
7 Ang mga bansa ay mahilig magtakip ng mga kabiguan at magpalaki ng mga tagumpay, subalit sa katapatan na nagbabadya ng makasaysayang katotohanan, iniuulat ng Mga Bilang ang lubusang paggapi ng mga Amalekita at Cananeo sa Israel. (14:45) Tahasang inaamin ang pagtataksil at paglapastangan ng Israel sa Diyos. (14:11) Prangkahang inilalantad ni Moises ang mga pagkakasala ng bansa, ng kaniyang mga pamangkin, at ng sarili niyang mga kapatid. Hindi rin niya itinangi ang sarili, at isinalaysay ang hindi niya pagbanal kay Jehova nang ang tubig ay ilaan sa Meriba, kaya hindi siya nakapasok sa Lupang Pangako.—3:4; 12:1-15; 20:7-13.
8. Papaano pinatutunayan ng ibang manunulat ng Bibliya ang pagiging-kinasihan ng Mga Bilang?
8 Na ang Mga Bilang ay bahagi ng mga Kasulatan na kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang ay makikita sa tuwirang pagtukoy ng ibang manunulat ng Bibliya sa halos lahat ng mahalagang kaganapan at iba pang detalye, at marami ang nagtampok sa kahulugan nito. Nariyan sina Josue (Jos. 4:12; 14:2), Jeremias (2 Hari 18:4), Nehemias (Neh. 9:19-22), Asaph (Awit 78:14-41), David (Awit 95:7-11), Isaias (Isa. 48:21), Ezekiel (Ezek. 20:13-24), Oseas (Ose. 9:10), Amos (Amos 5:25), Mikas (Mik. 6:5), si Lucas sa kaniyang ulat sa diskurso ni Esteban (Gawa 7:36), sina Pablo (1 Cor. 10:1-11), Pedro (2 Ped. 2:15, 16), Judas (Jud. 11), at si Juan nang iniuulat ang mga salita ni Jesus sa Pergamo (Apoc. 2:14), na pawang sumipi sa Mga Bilang, gaya ni Jesu-Kristo mismo.—Juan 3:14.
9. Ano ang idinidiin ng Mga Bilang tungkol kay Jehova?
9 Ano, kung gayon, ang layunin ng Mga Bilang? Ang halaga nito ay higit kaysa kasaysayan lamang. Idiniriin nito na si Jehova ay Diyos ng kaayusan, na humihiling ng bukod-tanging pagsamba. Ito ay matingkad na ikinikintal sa isipan ng bumabasa samantalang inoobserbahan ang pagbilang, pagsubok, at pagliglig sa Israel at nakikita na ang masuwayin at mapaghimagsik na landas ng bansa ay nagdiriin ng mahalagang pangangailangan na sumunod kay Jehova.
10. Sa kapakinabangan nino naingatan ang Mga Bilang, at bakit?
10 Ang ulat ay iningatan sa kapakinabangan ng susunod na mga lahi, gaya ng paliwanag ni Asaph, “upang mailagak ang kanilang tiwala sa Diyos at huwag makaligtaan ang mga gawa ng Diyos kundi ingatan ang kaniyang mga utos” at upang “sila ay huwag maging gaya ng kanilang mga ninuno, isang lahing matigas-ang-ulo at mapaghimagsik, isang lahing di-matuwid ang puso at ang espiritu ay hindi tapat sa Diyos.” (Awit 78:7, 8) Muli’t-muli, ang mga kaganapan sa Mga Bilang ay binabanggit ng mga salmo, na naging sagradong awitin ng mga Judio at malimit ulitin sa kapakinabangan ng bansa.—Awit 78, 95, 105, 106, 135, 136.
NILALAMAN NG MGA BILANG
11. Sa anong tatlong bahagi maaaring hatiin ang mga nilalaman ng Mga Bilang?
11 Ang Mga Bilang ay makatuwirang nahahati sa tatlong bahagi. Ang una, na nagtatapos sa kabanata 10, talatang 10, ay sumasaklaw sa mga kaganapan nang ang mga Israelita ay nagkakampo pa sa Bundok Sinai. Ang ikalawa, na nagtatapos sa kabanata 21, ay nagsasabi kung ano ang nangyari sa kasunod na 38 taon at isa o dalawang buwan pa, nang sila ay nasa ilang at hanggang makarating sila sa Kapatagan ng Moab. Ang huling bahagi, hanggang kabanata 36, ay tungkol sa mga pangyayari sa Kapatagan ng Moab habang ang mga Israelita ay naghahandang pumasok sa Lupang Pangako.
12. Gaano kalaki ang kampo ng Israel sa Sinai, at papaano ito inorganisa?
12 Mga kaganapan sa Bundok Sinai (1:1–10:10). Isang taon na ang Israel sa bulubundukin ng Sinai. Nahubog sila upang maging isang mahigpit na nabubuklod na organisasyon. Sa utos ni Jehova ay binilang ang lahat ng lalaking 20 anyos pataas. Ang pinakamaliit na tribo ay ang 32,200 matipunong lalaki ng Manasses at ang pinakamalaki ay ang 74,600 ng Juda, lahat-lahat ay 603,550 lalaki na kuwalipikadong maging sundalo sa Israel, bukod pa sa mga Levita at mga babae at bata—isang kampamento na bumilang marahil ng tatlong milyon o higit pa. Ang tabernakulo ng kapisanan, at maging ang mga Levita, ay nasa sentro ng kampo. Ang ibang Israelita ay nasa takdang dako sa paligid ng kampo, sa tigatlong tribong mga pangkat, at bawat tribo ay tinagubilinan sa sunud-sunod na pagmartsa. Si Jehova ang naglaan ng mga tagubilin at ang ulat ay nagsasabi: “Ginawa ng Israel ang ayon sa lahat ng
-