-
Iukol Mo ang Iyong Sarili sa PagbabasaAng Bantayan—1996 | Mayo 15
-
-
sakdal na kabayaran.” Bukod dito, yaong nagbabasa ng maka-Kasulatang salaysay ay natututo ng isang mahalagang aral: Maging matapat kay Jehova, at ikaw ay pagpapalain nang sagana.—Ruth 2:12; 4:17-22; Kawikaan 10:22; Mateo 1:1, 5, 6.
16. Sa anong pagsubok sumailalim ang tatlong Hebreo, at paano tayo matutulungan ng salaysay na ito?
16 Ang ulat tungkol sa mga Hebreong nagngangalang Sadrac, Mesac, at Abednego ay makatutulong sa ating maging tapat sa Diyos sa mga mahihirap na sitwasyon. Ilarawan sa isip ang pangyayari habang binabasa nang malakas ang Daniel kabanata 3. Pagkataas-taas na malaking imaheng ginto ang nasa ibabaw ng kapatagan ng Dura, kung saan nagkakatipon ang mga opisyal ng Babilonya. Nang tumunog ang mga instrumentong pangmusika, nagpatirapa sila at sumamba sa imahen na itinayo ni Haring Nabucodonosor. Samakatuwid nga, lahat ay gumawa nang gayon maliban kina Sadrac, Mesac, at Abednego. Magalang ngunit matatag na sinabi nila sa hari na hindi nila paglilingkuran ang kaniyang mga diyos at sasambahin ang imaheng ginto. Ang mga kabataang Hebreong ito ay ibinulid sa isang pagkainit-init na hurno. Pero ano ang nangyari? Nang tingnan ang loob, nakita ng hari ang apat na matipunong lalaki, isa sa kanila ay “nakakahalintulad ng anak ng mga diyos.” (Daniel 3:25) Ang tatlong Hebreo ay inilabas mula sa hurno, at pinagpala ni Nabucodonosor ang kanilang Diyos. Kasiya-siyang ilarawan sa isip ang salaysay. At anong inam na aral ang inilalaan nito hinggil sa katapatan kay Jehova sa ilalim ng pagsubok!
Makinabang sa Pagbabasa ng Bibliya Bilang Isang Pamilya
17. Banggitin sa maikli ang ilan sa kapaki-pakinabang na mga bagay na matututuhan ng inyong pamilya sa pagbabasa ng Bibliya nang sama-sama.
17 Maaaring tamasahin ng iyong pamilya ang maraming kapakinabangan kung regular na gumugugol kayo ng panahon sa pagbabasa ng Bibliya nang sama-sama. Pasimula sa Genesis, masasaksihan ninyo ang paglalang at mamamasdan ninyo ang orihinal na Paraisong tahanan ng tao. Makikibahagi kayo sa mga karanasan ng tapat na mga patriyarka at ng kanilang pamilya at masusubaybayan ang mga Israelita habang tinatawid nila ang tuyong sahig ng Dagat na Pula. Makikita ninyong nilulupig ng binatilyong pastol na si David ang Filisteong higante na si Goliat. Matutunghayan ng inyong pamilya ang pagtatayo ng templo ni Jehova sa Jerusalem, makikitang ito’y itiniwangwang ng mga pangkat mula sa Babilonya, at mamamalas ang muling pagtatayo nito sa ilalim ni Gobernador Zerubabel. Kasama ng mapagpakumbabang mga pastol malapit sa Betlehem, maririnig ninyo ang pagpapatalastas ng mga anghel tungkol sa pagsilang ni Jesus. Makukuha ninyo ang mga detalye tungkol sa kaniyang bautismo at ministeryo, at makikita ninyo siyang isinusuko ang kaniyang buhay bilang pantubos, at makakabahagi sa kagalakan ng kaniyang pagkabuhay-muli. Sumunod, makapaglalakbay kayo kasama ni apostol Pablo at masasaksihan ang pagkatatag ng mga kongregasyon habang lumalaganap ang Kristiyanismo. Pagkatapos, sa aklat ng Apocalipsis ay masisiyahan ang inyong pamilya sa dakilang pangitain ni apostol Juan tungkol sa hinaharap, kasali na ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo.
18, 19. Anong mga mungkahi ang ibinigay hinggil sa pampamilyang pagbabasa ng Bibliya?
18 Kung binabasa ninyo nang malakas ang Bibliya bilang isang pamilya, basahin ito nang malinaw at may sigla. Kapag binabasa ang ilang bahagi ng Kasulatan, maaaring basahin ng isang miyembro ng pamilya—malamang na ang ama—ang mga salita ng kabuuang salaysay. Ang iba sa inyo ay maaaring gumanap ng papel ng mga tauhan sa Bibliya, anupat binabasa ang inyong mga bahagi nang may angkop na damdamin.
19 Habang nakikibahagi kayo sa pagbabasa ng Bibliya bilang isang pamilya, maaaring sumulong ang inyong kakayahang bumasa. Malamang, lalago ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos, at ito’y dapat na lalong magpalapit sa inyo sa kaniya. Umawit si Asap: “Kung tungkol sa akin, ang paglapit sa Diyos ay mabuti para sa akin. Inilagay ko sa Soberanong Panginoong Jehova ang aking kanlungan, upang ipahayag ang lahat ng iyong gawa.” (Awit 73:28) Ito’y tutulong sa inyong pamilya na maging gaya ni Moises, na ‘nagpatuloy na matatag na gaya ng nakakakita sa Isa na di-nakikita,’ samakatuwid nga, ang Diyos na Jehova.—Hebreo 11:27.
Ang Pagbabasa at ang Kristiyanong Ministeryo
20, 21. Paanong ang ating atas na mangaral ay nauugnay sa kakayahang bumasa?
20 Ang ating hangarin na sambahin ang “Isa na di-nakikita” ay dapat na magpakilos sa atin upang magsumikap na maging mahuhusay na tagabasa. Ang kakayahang bumasa nang mahusay ay tumutulong sa atin na magpatotoo sa Salita ng Diyos. Tiyak na tumutulong ito sa atin na isagawa ang pangangaral ng Kaharian na siyang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod nang sabihin niya: “Humayo kayo . . . at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.” (Mateo 28:19, 20; Gawa 1:8) Ang pagpapatotoo ang siyang pangunahing gawain ng bayan ni Jehova, at ang kakayahang bumasa ay tumutulong sa atin na matupad iyon.
21 Kailangan ang pagsisikap upang maging isang mahusay na tagabasa at isang bihasang guro ng Salita ng Diyos. (Efeso 6:17) Kaya, ‘gawin ang iyong sukdulang makakaya na iharap ang iyong sarili na sinang-ayunan ng Diyos, na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.’ (2 Timoteo 2:15) Palawakin ang iyong kaalaman sa maka-Kasulatang katotohanan at ang iyong kakayahan bilang isang Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pag-uukol ng iyong sarili sa pagbabasa.
-
-
Basahin ang Salita ng Diyos at Paglingkuran Siya sa KatotohananAng Bantayan—1996 | Mayo 15
-
-
Basahin ang Salita ng Diyos at Paglingkuran Siya sa Katotohanan
“Turuan mo ako, O Jehova, ng tungkol sa iyong daan. Lalakad ako sa iyong katotohanan.”—AWIT 86:11.
1. Sa diwa, ano ang sinabi ng unang isyu ng magasing ito
IBINIBIGAY ni Jehova ang liwanag at katotohanan. (Awit 43:3) Binibigyan din niya tayo ng kakayahang mabasa ang kaniyang Salita, ang Bibliya, at matutuhan ang katotohanan. Ang unang isyu ng magasing ito—Hulyo 1879—ay nagsabi: “Ang katotohanan, tulad ng isang mahinhing bulaklak sa kaparangan ng buhay, ay napalilibutan at halos nasasakal ng malagong pagtubo ng damo ng kamalian. Kung ibig mong masumpungan ito ay kailangang lagi kang mapagbantay. Kung nais mong makita ang kagandahan nito ay kailangan mong hawiin ang damo ng kamalian at ang mga kambron ng pagkapanatiko. Kung ibig mong makuha ito ay kailangan kang yumuko upang abutin ito. Huwag makontento sa isang bulaklak ng katotohanan. Kung sapat na ang isa ay wala na sanang iba pa. Patuloy na magtipon, humanap ng higit pa.” Ang pagbabasa
-