-
Mga PatalastasMinisteryo sa Kaharian—1999 | Enero
-
-
Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Itatampok ang mas matatandang aklat, lalo na ang Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos sa ₱25.00. Ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay maaari ring ialok sa ₱20.00 kung mayroon. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱25.00. Marso: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Abril at Mayo: Isang-taóng suskrisyon para sa Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga kongregasyon ay dapat gumawa ng mga kaayusan upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Huwebes, Abril 1, 1999, paglubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat simulan kundi pagkatapos lumubog ang araw. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na ganapin ang sarili nitong pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito laging posible. Kung maraming kongregasyon ang karaniwang gumagamit sa iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring kumuha ng ibang pasilidad para sa gabing iyon.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa panahon ng Memoryal sa 1999 ay ibibigay sa Linggo, Abril 18. Ito ay pinamagatang “Tunay na Pakikipagkaibigan sa Diyos at sa Kapuwa.” Isang balangkas ang ilalaan para sa mga tagapagsalita sa takdang panahon. Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang dapat magkaroon ng pantanging pahayag bago ang Abril 18, 1999.
◼ Yamang ang Abril at Mayo ay mga pantanging buwan sa pagmamagasin at marami ang makikibahagi sa pag-o-auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat ngayong isaalang-alang ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng kapatid na nangangasiwa sa magasin ang pagpipidido ng karagdagang magasin para magamit ng kongregasyon. Pakisuyong ipadala ang inyong pidido upang makarating sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Pebrero 1, 1999. Titiyakin nito na matatanggap ninyo ang karagdagang mga magasin kasabay ng inyong regular na pidido.
◼ Iskedyul ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Lahat ng Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog na mga kongregasyon ay mag-aaral muli ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat sa pasimula ng linggo ng Marso 22-28, 1999. Pasimula sa linggo ring iyon, lahat ng Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte na mga kongregasyon ay mag-aaral ng aklat na Kaalaman.
◼ Pagliham sa Gitnang Silangan: Dahilan sa mga suliranin sa seguridad sa mga bansang Muslim, hinihiling na anumang liham mula sa mga kongregasyon na may kinalaman sa mga Publisher Record card, atb., ay dapat ipadala nang tuwiran alinman sa sangay sa Britanya o sa sangay sa Pilipinas para ito’y maipadala sa Britanya. Lahat ng liham ay dapat na nasa wikang Ingles kung ipadadala nang tuwiran sa Britanya at ang kongregasyon na tatanggap sa liham ay dapat na malinaw na isinulat. Ang sangay sa Britanya ang siyang magpapadala ng materyal sa angkop na kongregasyon, at siya ring magbabago sa anumang pananalita na maaaring magsapanganib sa ating mga kapatid doon. Ang kaayusang ito ay kapit sa Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, at United Arab Emirates.
◼ Maaari nang makuha ngayon sa Samahan ang buong set ng Kingdom Melodies on Compact Discs, Blg. 1 hanggang 8. Ang bawat isa sa walong compact disc na ito ay maaaring pididuhin sa kontribusyon na ₱100.00, o ang buong set ay maaaring pididuhin sa ₱800.00.
-
-
Pagbabago sa Kahilingang Oras Para sa mga PayunirMinisteryo sa Kaharian—1999 | Enero
-
-
Pagbabago sa Kahilingang Oras Para sa mga Payunir
1 Tayong lahat ay nagpapahalaga sa pagkakaroon ng masisipag na regular at auxiliary pioneer sa kongregasyon. Kahit sa teritoryong maliit at lubusang nakukubrehan nang regular, ang mga payunir ay nagpakita ng mainam na halimbawa sa kanilang masigasig na paglilingkod sa Kaharian. Pinasisigla nila ang lahat ng mamamahayag na manatiling abala sa paghanap sa mga “wastong nakaayon.”—Gawa 13:48.
2 Napansin ng Samahan ang tumitinding hirap na nakakaharap ng mga payunir, lalo na sa paghanap ng part-time na sekular na trabaho na magpapahintulot sa kanila na matugunan nang sapat ang kanilang personal na mga pangangailangan upang makapanatili sa buong-panahong paglilingkod. Ang kasalukuyang situwasyon ng kabuhayan sa maraming lupain ay lalong nagpapahirap din sa iba na makapasok sa gawaing pagpapayunir, bagaman iyon ang kanilang taimtim na hangarin. Nitong nakaraang mga buwan, ang mga ito at ang iba pang salik ay maingat na pinag-isipan.
3 Kaya naman, bilang pagsasaalang-alang sa mga nabanggit sa itaas, binawasan ng Samahan ang kahilingang oras para sa mga regular at auxiliary pioneer. Pasimula sa taóng 1999, ang kahilingan para sa mga regular pioneer ay magiging 70 oras bawat buwan, o isang kabuuang 840 oras sa isang taon. Ang buwanang kahilingan para sa mga auxiliary pioneer ay magiging 50 oras. Ang kahilingang oras para sa special pioneer at mga misyonero ay hindi magbabago, yamang naglalaan ang Samahan ng panustos upang tulungan silang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa materyal. Sa gayon, mas lubusan nilang maitutuon ang kanilang pansin sa pangangaral at paggawa ng alagad.
4 Inaasahan na ang pagbabagong ito sa mga kahilingang oras ay tutulong sa marami pang payunir na manatili sa napakahalagang pribilehiyong ito ng paglilingkod. Dapat din nitong buksan ang daan para sa marami pang mamamahayag na pumasok sa gawaing pagreregular at pag-o-auxiliary pioneer. Tunay na isa itong pagpapala para sa lahat sa kongregasyon!
-