Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Inatake ni Diocletian ang Kristiyanismo
    Ang Bantayan—1992 | Hunyo 15
    • nagpapatotoo sa hula ng mga apostol na sina Pablo at Pedro, at ng mga iba pang kinasihang manunulat. Ang hinulaang darating na “taong tampalasan,” ang naghaharing uring klero ng namamaraling mga Kristiyano, ay nag-ugat na nang malalim, gaya ng patotoo ng mga utos ni Diocletian, lalo na ang ikalawa. (2 Tesalonica 2:3, 4; Gawa 20:29, 30; 2 Pedro 2:12) Nang sumapit ang ikaapat na siglo, karaniwan na ang mga gawaing apostata. Marami-rami ring namamaraling mga Kristiyano ang mga sundalo sa hukbong Romano. Wala ba noon ng mga Kristiyanong tapat sa “ulirang mga salitang magagaling” na tinanggap sa mga apostol?​—2 Timoteo 1:13.

      Binanggit ni Eusebius ang ilan sa mga biktima ng pag-uusig, buong linaw na inilarawan ang kanilang dinanas na pahirap, pagdurusa, at pagkamartir sa wakas. Kung lahat ng martir na ito ay namatay nang may katapatan sa isiniwalat na katotohanang laganap na noon, sa kasalukuyan ay hindi natin alam. Walang alinlangan na isinapuso ng iba ang babala ni Jesus na umiwas sa pagsesekta-sekta, imoralidad, at anumang uri ng pakikipagkompromiso. (Apocalipsis 2:15, 16, 20-23; 3:1-3) Marahil, ang ibang mga tapat na nakaligtas ay hindi mababasa sa kasaysayan. (Mateo 13:24-30) Oo, totoong matagumpay ang mga pamamaraan upang sugpuin ang pangmadlang pagsambang Kristiyano kung kaya isang monumentong Kastila noong panahong iyon ang nagbubunyi kay Diocletian sa kaniyang ‘pagpawi ng pamahiin ni Kristo.’ Gayumpaman, ang pagsisikap na samsamin at wasakin ang mga kopya ng Kasulatan, isang pangunahing bahagi ng pag-atake ni Diocletian sa Kristiyanismo ay nabigo sa lubusang paglipol sa Salita ng Diyos.​—1 Pedro 1:25.

      Sa kabiguang lubusang malipol ang Kristiyanismo, si Satanas na Diyablo, ang tagapamahala ng sanlibutan, ay nagpatuloy sa kaniyang tusong mga panlilinlang sa pamamagitan ni Emperador Constantino, na naghari mula noong 306 hanggang 337 C.E. (Juan 12:31; 16:11; Efeso 6:11, talababa) Hindi binaka ng paganong si Constantino ang mga Kristiyano. Bagkus, kaniyang minabuti na paghaluin ang pagano at Kristiyanong mga paniniwala upang maging isang bagong relihiyon ng Estado.

      Isang mainam na babala nga ito para sa lahat sa atin! Pagka tayo’y napaharap sa malupit na pag-uusig, ang ating pag-ibig kay Jehova ay tutulong sa atin na umiwas sa pakikipagkompromiso alang-alang sa anumang pansamantalang kaginhawahan ng katawan. (1 Pedro 5:9) Gayundin, hindi natin papayagang sa mapayapang panahon ay manghina tayo sa ating pagka-Kristiyano. (Hebreo 2:1; 3:12, 13) Ang mahigpit na pagkapit sa mga simulain ng Bibliya ang tutulong sa atin upang maging tapat kay Jehova, ang Diyos na makapagliligtas sa kaniyang bayan.​—Awit 18:25, 48.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1992 | Hunyo 15
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      Ano ang paniniwala ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa pagbili ng nakaw na mga bagay?

      Kung alam ng mga Kristiyano na ang isang bagay o materyales ay nakaw, iyon ay hindi nila binibili.

      Ang pagnanakaw ay tunay na mali. Ang Kautusan ng Diyos sa Israel ay nagsasabing walang pasubali: “Huwag kang magnanakaw.” (Exodo 20:15; Levitico 19:11) Kung ang isang magnanakaw ay mahuli, ang halagang kaniyang ninakaw ay kailangang bayaran niya nang doble, makaapat, o makalimang ulit, depende sa mga kalagayan.

      Mula noong sinaunang panahon, sinubok ng mga magnanakaw na magbili ng nakaw na mga kalakal upang magkaroon ng dagliang pakinabang at huwag mahuli na taglay ang katunayan ng kanilang ginawang kasalanan. Sa layuning ito sila’y malimit na nagbebenta ng nakaw na mga kalakal sa mababang halaga na mahirap tanggihan ng maraming mamimili. Ang ganiyang kaugalian marahil ang sinasabi na ating mababasa sa Exodo 22:1: “Kung ang isang lalaki ay magnakaw ng isang baka o ng isang tupa at kaniyang patayin iyon o ipagbili iyon, kaniyang pagbabayaran iyon ng limang baka ang isang baka at ng apat na tupa ang isang tupa.”

      Palibhasa’y nahalatang magkakaroon ng mga suliranin ang gayong mga kautusan, si Rabbi Abraham Chill ay sumulat: “Ipinagbabawal na bumili o tumanggap ng nakaw na pag-aari, kahit na kung ang pag-aari ay hindi naman kinikilalang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share