-
Ang Budhi—Isa Bang Pabigat o Isang Bentaha?Ang Bantayan—1997 | Agosto 1
-
-
ipadama nito sa atin ang matinding kasiyahan at kapayapaan ng loob. Ito ay maaaring pumatnubay, magsanggalang, at mag-udyok sa atin. Ganito ang komento ng The Interpreter’s Bible: “Maiingatan lamang ang mental at emosyonal na kalusugan habang sinisikap ng isang tao na alisin ang agwat sa pagitan ng ginagawa niya at ng inaakala niyang dapat niyang gawin.” Paano maaaring alisin ng isa ang agwat na iyan? Posible kayang hubugin at sanayin ang ating budhi? Tatalakayin ang mga tanong na ito sa susunod na artikulo.
-
-
Kung Paano Sasanayin ang Iyong BudhiAng Bantayan—1997 | Agosto 1
-
-
Kung Paano Sasanayin ang Iyong Budhi
“ANG isang malinis na budhi ang siyang pinakamainam na unan.” Itinatampok ng lumang sawikaing ito ang isang mahalagang bagay: Kapag binibigyang-pansin natin ang ating budhi, nagtatamasa tayo ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.
Subalit hindi lahat ay nagpapasiyang gumawa ng gayon. Ipinahayag ni Adolf Hitler na siya ay may misyong palayain ang tao mula sa masamang panaginip, o guniguni, na kilala bilang ang budhi. Ang kaniyang kakila-kilabot na paghahari ay naglaan ng nakapanlulumong sulyap kung gaano kalupit ang tao kapag itinakwil nila ang kanilang budhi. Subalit ganoon din kalupit ang marami sa mararahas na kriminal sa ngayon—yaong walang habag na nanghahalay at pumapaslang. Ang lumalaking bilang ng mga gumagawa nito ay nasa kabataan pa. Kaya isang aklat na tumatalakay sa pangyayaring ito ang may subtitulong Children Without a Conscience.
Samantalang karamihan ng mga tao ay hindi kailanman mag-iisip na gumawa ng isang marahas na krimen, marami ang hindi nababahala tungkol sa paggawa ng seksuwal na imoralidad, pagsisinungaling, o pandaraya. Bumababa ang moral sa buong daigdig. Bilang pagtukoy sa malaking apostasya mula sa tunay na pagsamba, sumulat si apostol Pablo na ang ilang Kristiyano ay magpapadaig sa impluwensiya ng sanlibutan at sa gayo’y magiging “natatakan sa kanilang mga budhi gaya ng sa isang pangherong bakal.” (1 Timoteo 4:2) Ang banta ng kabulukan ay lalo nang mas matindi ngayon sa “mga huling araw” na ito. (2 Timoteo 3:1) Kaya dapat magsumikap ang mga Kristiyano na ingatan ang kanilang budhi. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsasanay at paglinang dito.
Ang Isip, ang Puso, at ang Iyong Budhi
Sinabi ni apostol Pablo: “Ako ay nagsasabi ng katotohanan sa Kristo; hindi ako nagsisinungaling, yamang ang aking budhi ang nagpapatotoong kasama ko sa banal na espiritu.” (Roma 9:1) Kaya naman ang budhi ay maaaring maging isang tagapagpatotoo. Maaari nitong suriin ang isang landasin ng paggawi at alinman sa sang-ayunan o kaya’y hatulan ito. Ang malaking bahagi ng ating pagkadama ng tama at mali ay inilagay sa atin ng ating Maylalang. Gayunpaman, maaaring hubugin at sanayin ang ating budhi. Paano? Sa pamamagitan ng pagkuha natin ng tumpak na kaalaman mula sa Salita ng Diyos. “Magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo sa inyong mga sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos,” sabi ni apostol Pablo. (Roma 12:2) Habang itinatanim mo sa iyong isip ang kaisipan at kalooban ng Diyos, ang iyong budhi ay magsisimulang gumana sa isang lalong makadiyos na paraan.
Milyun-milyon sa buong daigdig ang natulungan ng mga Saksi ni Jehova na ‘kumuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo.’ (Juan 17:3) Sa pamamagitan ng kanilang kaayusan ng libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, itinuturo nila sa tapat-pusong mga tao ang mga pamantayan ng Diyos na Jehova tungkol sa sekso, inuming de-alkohol, pag-aasawa, pagnenegosyo,
-