-
Bakit Dapat Ipagbigay-alam ang Masama?Ang Bantayan—1997 | Agosto 15
-
-
sa nagkasala. Sumulat si Santiago: “Mga kapatid ko, kung ang sinuman sa inyo ay mailigaw mula sa katotohanan at may isang magpanumbalik sa kaniya, alamin ninyo na siya na magpanumbalik sa isang makasalanan mula sa pagkakamali ng kaniyang daan ay magliligtas sa kaniyang kaluluwa mula sa kamatayan at magtatakip ng maraming kasalanan.”—Santiago 5:19, 20.
Kaya bakit, kung gayon, dapat ipagbigay-alam ang masama? Sapagkat nagdudulot ito ng kabutihan. Ang totoo, ang pagbibigay-alam ng masamang gawa ay isang pagkilos ng Kristiyanong pag-ibig na may simulain na iniuukol sa Diyos, sa kongregasyon, at sa nagkasala. Habang buong-katapatang itinataguyod ng bawat miyembro ng kongregasyon ang matuwid na mga pamantayan ng Diyos, saganang pagpapalain ni Jehova ang kongregasyon sa kabuuan. Ganito ang isinulat ni apostol Pablo: “Gagawin din niya [ni Jehova] kayong matatag hanggang sa wakas, upang maging malaya kayo sa anumang akusasyon sa araw ng ating Panginoong Jesu-Kristo.”—1 Corinto 1:8.
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—1997 | Agosto 15
-
-
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Kinopya ba ng ika-14-na-siglong Judiong manggagamot na si Shem-Tob ben Isaac Ibn Shaprut ang Tetragrammaton (ang apat na Hebreong titik ng pangalan ng Diyos) na masusumpungan sa tekstong Hebreo ng Mateo?
Hindi, hindi iyon kinopya. Gayunman, ang tekstong ito ng Mateo ay gumamit ng hash·Shem’ (isinulat nang buo o pinaikli) nang 19 na ulit, gaya ng binabanggit sa pahina 13 ng Ang Bantayan ng Agosto 15, 1996.
Ang Hebreong hash·Shem’ ay nangangahulugang “ang Pangalan,” na tiyak na tumutukoy sa banal na pangalan. Halimbawa, sa teksto ni Shem-Tob, lumilitaw ang isang pinaikling anyo ng hash·Shem’ sa Mateo 3:3, isang talata na sinipi ni Mateo mula sa Isaias 40:3. Makatuwirang sabihin na noong sumipi si Mateo ng isang talata mula sa Hebreong Kasulatan kung saan masusumpungan ang Tetragrammaton, inilakip niya ang banal na pangalan sa kaniyang Ebanghelyo. Kaya samantalang ang tekstong Hebreo na iniharap ni Shem-Tob ay hindi gumamit ng Tetragrammaton, ang paggamit nito ng “ang Pangalan,” gaya sa Mateo 3:3, ay sumusuporta sa paggamit ng “Jehova” sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.
Kinopya ni Shem-Tob ang tekstong Hebreo ng Mateo sa kaniyang kontrobersiyal na akdang ʼEʹven boʹchan. Subalit ano ba ang pinagkunan ng tekstong Hebreong iyon? Ipinahiwatig ni Propesor George Howard, na nagsaliksik nang husto sa bagay na ito, na “ang petsa ng Hebreong Mateo ni Shem-Tob ay humigit-kumulang sa loob ng unang apat na siglo ng panahong Kristiyano.”a Ang iba ay maaaring hindi sumang-ayon sa kaniya tungkol dito.
Sinabi ni Howard: “Ang Hebreong Mateo na inilakip sa tekstong ito ay makikilala lalo na sa maraming pagkakaiba nito sa kanonikal na Griegong Mateo.” Halimbawa, ayon sa teksto ni Shem-Tob, sinabi ni Jesus tungkol kay Juan: “Tunay, sinasabi ko sa inyo, sa gitna niyaong ipinanganak ng mga babae ay walang ibinangon na mas dakila kaysa kay Juan na Tagapagbautismo.” Hindi nito isinama ang sumunod na sinabi ni Jesus: “Ngunit ang isa na nakabababa sa kaharian ng mga langit ay mas dakila kaysa sa kaniya.” (Mateo 11:11) Halos katulad nito, may maraming pagkakaiba sa umiiral na Hebreong teksto ng Hebreong Kasulatan at sa katumbas na mga salita sa teksto ng Griegong Septuagint bersiyon. Samantalang kinikilala natin ang pagkakaiba ng mga ito, ang gayong sinaunang mga teksto ay maaaring suriin nang may paghahambing.
Gaya ng nabanggit, sa teksto ng Mateo ni Shem-Tob ay masusumpungan “ang Pangalan” sa mga dako na doo’y may mabuting dahilan upang maniwala na talagang ginamit ni Mateo ang Tetragrammaton. Kaya, mula noong 1950, ang teksto ni Shem-Tob ay ginamit na bilang suporta sa paglalagay ng banal na pangalan sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at ito ay binabanggit pa rin sa The New World Translation of the Holy Scriptures—With References.b
-