-
Pag-ibig sa Unang Pagkakita—At Magpakailanman!Gumising!—1991 | Setyembre 22
-
-
mga anak na matatalino at mahusay makisama sa iba.” Sa konklusyon nito ang artikulo ay nagsabi: “Marahil ang kapansin-pansing paksa na lumitaw mula sa lahat ng siyentipikong impormasyon ay na ang pagtatatag ng isang huwaran ng pag-ibig at pagtitiwala at katanggap-tanggap na mga hangganan sa loob ng bawat pamilya ang mahalaga, at hindi ang maraming teknikal na mga detalye. Ang tunay na layon ng disiplina, ang salitang may katulad na pinagmulan sa Latin na disipulo, ay hindi upang parusahan ang magugulong bata kundi upang turuan at patnubayan sila at tulungan silang magkaroon ng panloob na mga pagpipigil.”
Naririnig Nila ang Sinasabi Mo, Ginagaya Nila ang Ginagawa Mo
Ganito ang pambungad na pananalita sa isang artikulo tungkol sa disiplina sa The Atlantic Monthly: “Ang isang bata ay maaasahan lamang na kumilos nang mahusay kung ang kaniyang mga magulang ay namumuhay sa mga pamantayang itinuturo nila.” Saka ipinakita ng artikulo ang halaga ng panloob na pagpipigil: “Ang mga tinedyer na gumagawa nang mahusay ay waring may mga magulang na sa ganang sarili’y responsable, matuwid, at may disiplina-sa-sarili—na namumuhay ayon sa mga pamantayan na kanilang pinaniniwalaan at hinihimok na sundin ng kanilang mga anak. Bilang bahagi ng imbestigasyon, nang ang mahuhusay na tinedyer ay malantad sa mga problemang tinedyer, ang kanilang paggawi ay hindi permanenteng naapektuhan. Naging bahagi na nila ang mga pamantayan ng kanilang mga magulang.” Ito’y gaya ng sinasabi ng kawikaan: “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran; kahit tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan iyon.”—Kawikaan 22:6.
Ang mga magulang na nagsisikap na ikintal ang tunay na mga pamantayan sa kanilang mga anak, subalit hindi nila mismo sinusunod, ay hindi nagtatagumpay. Ang “mga pamantayang iyon ay hindi naging bahagi” ng mga bata. Pinatutunayan ng pagsusuri na “ang mahalaga ay kung paano maingat na sinusunod ng mga magulang ang mga pamantayan na sinisikap nilang ituro sa kanilang mga anak.”
Ito’y gaya ng sinabi ng awtor na si James Baldwin: “Ang mga bata ay hindi kailanman naging magaling sa pakikinig sa mga nakatatanda sa kanila, subalit ginagaya nila.” Kung mahal mo ang iyong mga anak at nais mong turuan sila ng tunay na mga pamantayan, gamitin mo ang pinakamagaling na paraan: Ikaw ay maging halimbawa sa mga itinuturo mo. Huwag maging gaya ng mga eskriba at Fariseo na hinatulan ni Jesus bilang mga mapagpaimbabaw: “Lahat nga ng mga bagay na sabihin nila sa inyo, gawin ninyo at ganapin, datapuwat huwag kayong gagawa nang gaya ng kanilang ginagawa, sapagkat sinasabi nila ngunit hindi nila ginagawa.” (Mateo 23:3) O gaya niyaong mga tinanong ni apostol Pablo: “Ikaw na nagtuturo sa iba, tinuturuan mo ba ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na ‘Huwag magnakaw,’ nagnanakaw ka ba?”—Roma 2:21.
Ngayon marami ang nagpapawalang-saysay sa Bibliya bilang makaluma at ang mga panuntunan nito ay hindi praktikal. Hinahamon ni Jesus ang katayuang iyan sa mga salitang ito: “Gayunman, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng lahat ng kaniyang mga anak.” (Lucas 7:35) Ang mga ulat ng sumusunod na mga pamilya buhat sa maraming bansa ay nagpapatunay sa kaniyang mga salita.
-
-
Pagpapalaki ng mga Anak sa Buong Daigdig—Pangangalaga sa mga Anak na Taglay ang Pag-ibig, Disiplina, Halimbawa, at Espirituwal na mga PamantayanGumising!—1991 | Setyembre 22
-
-
Pagpapalaki ng mga Anak sa Buong Daigdig—Pangangalaga sa mga Anak na Taglay ang Pag-ibig, Disiplina, Halimbawa, at Espirituwal na mga Pamantayan
ANG mga magulang buhat sa ilang bansa ay nagpadala ng mga report tungkol sa kanilang matagumpay na pagpapalaki ng mga anak mula sa pagkasanggol hanggang sa pagkatinedyer. Sila’y pawang mga Saksi ni Jehova, at sa gayon ang kanilang mga ulat ay nagdiriin sa pangangailangan ng pagbibigay-pansin sa apat na larangan na itinala sa titulo sa itaas. Ang mga sinipi na inilathala rito ay nagpapabanaag ng ilan lamang magkakaibang aspekto ng pagsasanay sa pamilya na sinunod nila.
Mula sa Hawaii
“Gaya ng sinasabi sa atin ng Bibliya, ang pag-ibig ang ‘pinakadakilang’ katangian. Ang pag-ibig sa lahat ng mahalagang aspekto nito ay dapat na makita sa lahat ng panahon sa tahanan at sa pamilya. Taglay namin ni Carol ang maka-Diyos na katangiang ito sa aming pagsasama bilang mag-asawa. Kami’y malapít sa isa’t isa. Gusto naming magkasama sa tuwina. Naniniwala akong ang mahalagang susi sa matagumpay na pagpapalaki-ng-anak ay ang maligayang pagsasama ng mag-asawa.
“Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang matinding damdamin na nag-umapaw sa aking puso noong mga araw at
-