Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 11—1 Hari
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • siya sa ilang kasama ang alipin, at inakay siya ni Jehova sa Horeb. Doo’y nagpakita si Jehova​—hindi sa nakasisindak na hangin o lindol o apoy, kundi sa “isang marahan at mahinang tinig.” (19:11, 12) Inutusan siya ni Jehova na pahiran si Hazael bilang hari sa Sirya, si Jehu bilang hari sa Israel, at si Eliseo bilang propetang kahalili niya. Inaliw niya si Elias sa balitang may 7,000 sa Israel na hindi lumuhod kay Baal. Agad pumaroon si Elias upang pahiran si Eliseo sa pamamagitan ng paghahagis ng kaniyang balabal. Si Ahab ay makalawang nagwagi laban sa Sirya ngunit sinaway siya ni Jehova dahil nakipagtipan siya sa hari imbes na patayin ito. Sumunod ang karanasan ni Naboth, may-ari ng ubasan na inimbot ni Ahab. Nagharap si Jezebel ng mga bulaang saksi at ipinapatay si Naboth upang makuha ang ubasan. Napaka-imbi!

      21. (a) Anong hatol ang binigkas ni Elias laban kay Ahab at sa sambahayan nito, at laban kay Jezebel? (b) Anong hula ang natupad nang mamatay si Ahab?

      21 Dumating uli si Elias. Sinabi niya kay Ahab na sa dakong kinamatayan ni Naboth, ay hihimurin ng mga aso ang kaniyang dugo, at na ang sambahayan niya’y lilipuling gaya niyaong kina Jeroboam at Baasa. Si Jezebel ay lalapain ng mga aso sa lupain ng Jezreel. “Walang kagaya ni Ahab, na ipinagbili ang sarili upang gawin ang masama sa paningin ni Jehova, na inulukan ng asawa niyang si Jezebel.” (21:25) Palibhasa nagpakumbaba si Ahab sa pagkarinig ng salita ni Elias, sinabi ni Jehova na ang kapahamakan ay hindi sasapit sa kaniya kundi sa kaniyang anak. Si Ahab ay nakiisa kay Josaphat, hari ng Juda, upang labanan ang Sirya, salungat sa payo ni propeta Micheas. Namatay si Ahab sa mga sugat na natamo sa digmaan. Nang hinuhugasan ang kaniyang karo sa lawa ng Samaria, hinimod ng mga aso ang kaniyang dugo, gaya ng inihula ni Elias. Si Ochozias na kaniyang anak ang humaliling hari sa Israel.

      22. Ano ang tampok sa mga paghahari ni Josaphat sa Juda at ni Ochozias sa Israel?

      22 Naghari si Josaphat sa Juda (22:41-53). Si Josaphat, na sumama kay Ahab sa paglaban sa Sirya, ay naging tapat kay Jehova na gaya ni Asa na kaniyang ama, ngunit hindi niya lubusang napawi ang huwad na pagsamba. Pagkatapos ng 25 taon ng paghahari, namatay siya, at si Joram na kaniyang anak ang naging hari. Sa hilaga, sa Israel, si Ochozias ay sumunod sa hakbang ng kaniyang ama, at dinulutan si Jehova ng galit dahil sa pagsamba niya kay Baal.

      BAKIT KAPAKI-PAKINABANG

      23. Anong katiyakan at pampatibay-loob tungkol sa panalangin ang inilalaan ng Unang Hari?

      23 Malaking pakinabang ang makakamit sa banal na tagubilin ng Unang Hari. Una, ay ang tungkol sa panalangin, na malimit itampok sa aklat. Nang mapaharap sa napakabigat na pananagutan ng paghahari sa Israel, si Solomon ay animo isang bata na buong-pagpapakumbabang nanalangin kay Jehova. Wala siyang hiniling kundi ang maunawain at masunuring puso, ngunit binigyan siya ni Jehova ng kayamanan at kaluwalhatian bukod pa sa masaganang karunungan. (3:7-9, 12-14) Sana huwag din tayong pagkaitan sa ating mapagpakumbabang panalangin ukol sa karunungan at patnubay sa paglilingkod kay Jehova! (Sant. 1:5) Nawa’y lagi tayong manalangin nang taos sa puso, lubusang nagpapahalaga sa kabutihan ni Jehova, gaya ni Solomon nang iniaalay ang templo! (1 Hari 8:22-53) Nawa laging mabakas sa ating mga panalangin ang ganap na tiwala at pananalig kay Jehova, gaya ni Elias nang siya’y nasa pagsubok at nang mapaharap nang mukhaan sa isang bansang sumasamba-sa-demonyo! Kamangha-mangha ang paglalaan ni Jehova sa mga lumalapit sa kaniya sa panalangin.​—1 Hari 17:20-22; 18:36-40; 1 Juan 5:14.

      24. Anong mga babalang halimbawa ang inihaharap sa Unang Hari, at bakit, lalung-lalo na, dapat mag-ingat ang mga tagapangasiwa?

      24 Dapat ding magsilbing babala ang mga halimbawa niyaong hindi nagpakumbaba kay Jehova. Talagang ‘sinasalansang ng Diyos ang mga palalo’! (1 Ped. 5:5) Nariyan si Adonias na lumaktaw sa teokratikong paghirang ni Jehova (1 Hari 1:5; 2:24, 25); si Simei, na paulit-ulit na sumuway (2:37, 41-46); si Solomon na ang pagsuway noong mga huling taon niya ay naghatid ng mga mananalansang mula kay Jehova (11:9-14, 23-26); at ang mga hari ng Israel, na nagpahamak dahil sa kanilang huwad na pagsamba (13:33, 34; 14:7-11; 16:1-4). Nariyan din ang balakyot at mapag-imbot na si Jezebel, ang puwersa sa likod ng trono ni Ahab, na pagkaraan ng isang libong taon ay naging pusakal na halimbawa sa babala sa kongregasyon ng Tiatira: “Datapwat, mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaeng si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa, at siya’y nagtuturo at humihikayat sa aking mga alipin upang makiapid at kumain ng mga bagay na inihain sa mga diyus-diyosan.” (Apoc. 2:20) Ang mga kongregasyon ay dapat pag-ingatan ng mga tagapangasiwa mula sa tulad-Jezebel na mga impluwensiya!​—Ihambing ang Gawa 20:28-30.

      25. Anong mga hula sa Unang Hari ang nagkaroon ng kapansin-pansing katuparan, at papaano makakatulong sa atin ngayon ang pag-alaala sa mga ito?

      25 Ang kapangyarihan ni Jehova sa paghula ay malinaw na makikita sa katuparan ng mga hula sa Unang Hari. Halimbawa, ang pambihirang hula na ibinigay 300 taóng patiuna, na si Josias ang magwawasak sa dambana ni Jeroboam sa Bethel. Tinupad ito ni Josias! (1 Hari 13:1-3; 2 Hari 23:15) Ngunit namumukod-tangi ang mga hula tungkol sa bahay ni Jehova na itinayo ni Solomon. Sinabi ni Jehova na ang pagbaling sa huwad na mga diyos ay magbubunga ng paghiwalay sa Israel sa balat ng lupa at ng pagwawaksi ni Jehova sa bahay na pinaging-banal Niya ukol sa Kaniyang pangalan. (1 Hari 9:7, 8) Sa 2 Cronica 36:17-21 mababasa natin kung papaano nagkatotoo ang hulang ito. Gayundin, ipinakita ni Jesus na ang templo na itinayo roon ni Herodes na Dakila ay tatanggap ng gayunding paghatol sa gayunding kadahilanan. (Luc. 21:6) Nagkatotoo din ito! Dapat tandaan ang mga kapahamakan at ang mga sanhi nito, at dapat itong magpaalaala sa laging paglakad sa daan ng tunay na Diyos.

      26. Anong masiglang pananaw sa templo at Kaharian ni Jehova ang inilalaan ng Unang Hari?

      26 Dumating ang reyna ng Sheba mula sa malayo upang humanga sa karunungan ni Solomon, sa kasaganaan ng kaniyang bayan, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kaharian, pati na sa maringal na bahay ni Jehova. Gayunman, maging si Solomon ay umamin kay Jehova: “Sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!” (1 Hari 8:27; 10:4-9) Maraming siglo pagkaraan nito dumating si Jesu-Kristo upang gumawa ng espirituwal na pagtatayo kaugnay ng pagsasauli ng tunay na pagsamba sa dakilang espirituwal na templo ni Jehova. (Heb. 8:1-5; 9:2-10, 23) Sa kaniya na lalong dakila kay Solomon ay matutupad ang pangako ni Jehova: “Aking itatatag ang trono ng iyong kaharian sa Israel magpakailanman.” (1 Hari 9:5; Mat. 1:1, 6, 7, 16; 12:42; Luc. 1:32) Ang Unang Hari ay naglalaan ng masiglang pananaw sa kaluwalhatian ng espirituwal na templo ni Jehova at sa kasaganaan, kagalakan, at kaligayahan ng mga mabubuhay sa ilalim ng pantas na pamamahala ni Kristo Jesus sa Kaharian ni Jehova. Patuloy na lumalago ang ating pagpapahalaga sa tunay na pagsamba at sa kagila-gilalas na paglalaan ni Jehova ng Kaharian sa ilalim ng Binhi!

  • Aklat ng Bibliya Bilang 12—2 Hari
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 12​—2 Hari

      Manunulat: Si Jeremias

      Saan Isinulat: Sa Jerusalem at Ehipto

      Natapos Isulat: 580 B.C.E.

      Panahong Saklaw: c. 920-580 B.C.E.

      1. Anong mga kasaysayan ang inilalahad sa Ikalawang Hari, at bilang pagbabangong-puri sa ano?

      PATULOY na tinatalunton ng Ikalawang Hari ang magulong landas ng Israel at Juda. Minana ni Eliseo ang balabal ni Elias at doble ng espiritu nito ang tinanggap niya, upang makagawa ng 16 na himala, kung ihahambing sa 8 nagawa ni Elias. Nagpatuloy siya ng paghatol sa apostatang Israel, at si Jehu lamang ang nagpakita ng maikling bugso ng sigasig kay Jehova. Higit-at-higit, ang mga hari ng Israel ay nabaon sa kabalakyutan, hanggang ang hilagang kaharian ay durugin ng Asirya noong 740 B.C.E. Sa kaharian ng Juda sa timog, ang daluyong ng apostasya ay sandaling napawi ng ilang namumukod-tanging hari, gaya nina Josaphat, Joas, Ezekias, at Josias, subalit iginawad din ni Nabukodonosor ang hatol ni Jehova nang wasakin niya ang Jerusalem, ang templo, at ang lupain ng Juda noong 607 B.C.E. Natupad ang mga hula ni Jehova, at siya ay naipagbangong-puri!

      2. Ano ang masasabi sa pagkasulat at pagiging-kanonikal ng Ikalawang Hari, at anong yugto ang saklaw nito?

      2 Yamang sa pasimula ang Una at Ikalawang Hari ay iisang balumbon, ang nasabi na tungkol sa pagkasulat ni Jeremias ay kumakapit din dito, pati na sa pagiging-kanonikal at pagiging-totoo ng aklat. Natapos ito noong mga 580 B.C.E. at sumasaklaw mula sa paghahari ni Ochozias ng Israel noong mga 920 B.C.E. hanggang sa ika-37 taon ng pagkakatapon ni Joachin, noong 580 B.C.E.​—1:1; 25:27.

      3. Anong kapansin-pansing mga tuklas sa arkeolohiya ang umaalalay sa Ikalawang Hari?

      3 Ang alalay ng arkeolohiya sa ulat ng Ikalawang Hari ay dagdag na ebidensiya ng pagiging-totoo nito. Halimbawa, ang tanyag na Moabite Stone, na bumabanggit sa digmaan ng Moab at Israel ayon sa bersiyon ni Mesha na hari ng Moab. (3:4, 5) Ganoon din ang itim na batong obelisk ni Shalmaneser III ng Asirya, nasa British Museum, Londres, na bumabanggit sa pangalan ni Jehu na hari ng Israel. May mga inskripsiyon din si Haring Tiglath-pileser III (Pul) ng Asirya tungkol sa ilang hari sa Israel at Juda, gaya nina Menahem, Achaz, at Peka.​—15:19, 20; 16:5-8.a

      4. Ano ang patotoo na ang Ikalawang Hari ay mahalagang bahagi ng kinasihang Kasulatan?

      4 Isang malinaw na katibayan ng pagiging-totoo ng aklat ay ang pagka-prangko nito sa katuparan ng mga hatol ni Jehova sa sarili niyang bayan. Habang papalubog ang kaharian ng Israel at ang kaharian ng Juda, ay naidiin ang kapansin-pansing puwersa ng makahulang hatol ni Jehova sa Deuteronomio 28:15–29:28. Sa pagkawasak ng dalawang kaharian,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share