Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 11—1 Hari
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Niya ukol sa Kaniyang pangalan. (1 Hari 9:7, 8) Sa 2 Cronica 36:17-21 mababasa natin kung papaano nagkatotoo ang hulang ito. Gayundin, ipinakita ni Jesus na ang templo na itinayo roon ni Herodes na Dakila ay tatanggap ng gayunding paghatol sa gayunding kadahilanan. (Luc. 21:6) Nagkatotoo din ito! Dapat tandaan ang mga kapahamakan at ang mga sanhi nito, at dapat itong magpaalaala sa laging paglakad sa daan ng tunay na Diyos.

      26. Anong masiglang pananaw sa templo at Kaharian ni Jehova ang inilalaan ng Unang Hari?

      26 Dumating ang reyna ng Sheba mula sa malayo upang humanga sa karunungan ni Solomon, sa kasaganaan ng kaniyang bayan, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kaharian, pati na sa maringal na bahay ni Jehova. Gayunman, maging si Solomon ay umamin kay Jehova: “Sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!” (1 Hari 8:27; 10:4-9) Maraming siglo pagkaraan nito dumating si Jesu-Kristo upang gumawa ng espirituwal na pagtatayo kaugnay ng pagsasauli ng tunay na pagsamba sa dakilang espirituwal na templo ni Jehova. (Heb. 8:1-5; 9:2-10, 23) Sa kaniya na lalong dakila kay Solomon ay matutupad ang pangako ni Jehova: “Aking itatatag ang trono ng iyong kaharian sa Israel magpakailanman.” (1 Hari 9:5; Mat. 1:1, 6, 7, 16; 12:42; Luc. 1:32) Ang Unang Hari ay naglalaan ng masiglang pananaw sa kaluwalhatian ng espirituwal na templo ni Jehova at sa kasaganaan, kagalakan, at kaligayahan ng mga mabubuhay sa ilalim ng pantas na pamamahala ni Kristo Jesus sa Kaharian ni Jehova. Patuloy na lumalago ang ating pagpapahalaga sa tunay na pagsamba at sa kagila-gilalas na paglalaan ni Jehova ng Kaharian sa ilalim ng Binhi!

  • Aklat ng Bibliya Bilang 12—2 Hari
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 12​—2 Hari

      Manunulat: Si Jeremias

      Saan Isinulat: Sa Jerusalem at Ehipto

      Natapos Isulat: 580 B.C.E.

      Panahong Saklaw: c. 920-580 B.C.E.

      1. Anong mga kasaysayan ang inilalahad sa Ikalawang Hari, at bilang pagbabangong-puri sa ano?

      PATULOY na tinatalunton ng Ikalawang Hari ang magulong landas ng Israel at Juda. Minana ni Eliseo ang balabal ni Elias at doble ng espiritu nito ang tinanggap niya, upang makagawa ng 16 na himala, kung ihahambing sa 8 nagawa ni Elias. Nagpatuloy siya ng paghatol sa apostatang Israel, at si Jehu lamang ang nagpakita ng maikling bugso ng sigasig kay Jehova. Higit-at-higit, ang mga hari ng Israel ay nabaon sa kabalakyutan, hanggang ang hilagang kaharian ay durugin ng Asirya noong 740 B.C.E. Sa kaharian ng Juda sa timog, ang daluyong ng apostasya ay sandaling napawi ng ilang namumukod-tanging hari, gaya nina Josaphat, Joas, Ezekias, at Josias, subalit iginawad din ni Nabukodonosor ang hatol ni Jehova nang wasakin niya ang Jerusalem, ang templo, at ang lupain ng Juda noong 607 B.C.E. Natupad ang mga hula ni Jehova, at siya ay naipagbangong-puri!

      2. Ano ang masasabi sa pagkasulat at pagiging-kanonikal ng Ikalawang Hari, at anong yugto ang saklaw nito?

      2 Yamang sa pasimula ang Una at Ikalawang Hari ay iisang balumbon, ang nasabi na tungkol sa pagkasulat ni Jeremias ay kumakapit din dito, pati na sa pagiging-kanonikal at pagiging-totoo ng aklat. Natapos ito noong mga 580 B.C.E. at sumasaklaw mula sa paghahari ni Ochozias ng Israel noong mga 920 B.C.E. hanggang sa ika-37 taon ng pagkakatapon ni Joachin, noong 580 B.C.E.​—1:1; 25:27.

      3. Anong kapansin-pansing mga tuklas sa arkeolohiya ang umaalalay sa Ikalawang Hari?

      3 Ang alalay ng arkeolohiya sa ulat ng Ikalawang Hari ay dagdag na ebidensiya ng pagiging-totoo nito. Halimbawa, ang tanyag na Moabite Stone, na bumabanggit sa digmaan ng Moab at Israel ayon sa bersiyon ni Mesha na hari ng Moab. (3:4, 5) Ganoon din ang itim na batong obelisk ni Shalmaneser III ng Asirya, nasa British Museum, Londres, na bumabanggit sa pangalan ni Jehu na hari ng Israel. May mga inskripsiyon din si Haring Tiglath-pileser III (Pul) ng Asirya tungkol sa ilang hari sa Israel at Juda, gaya nina Menahem, Achaz, at Peka.​—15:19, 20; 16:5-8.a

      4. Ano ang patotoo na ang Ikalawang Hari ay mahalagang bahagi ng kinasihang Kasulatan?

      4 Isang malinaw na katibayan ng pagiging-totoo ng aklat ay ang pagka-prangko nito sa katuparan ng mga hatol ni Jehova sa sarili niyang bayan. Habang papalubog ang kaharian ng Israel at ang kaharian ng Juda, ay naidiin ang kapansin-pansing puwersa ng makahulang hatol ni Jehova sa Deuteronomio 28:15–29:28. Sa pagkawasak ng dalawang kaharian,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share