Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • New World Translation
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Ang bagay na idiniin ni Jesu-Kristo ang pangalan ng kaniyang Ama ay nagpapahiwatig na ito ay lagi niyang personal na ginamit. (Mat. 6:9; Juan 17:6, 26) Ayon kay Jerome ng ikaapat na siglo C.E., si apostol Mateo ay unang sumulat ng kaniyang Ebanghelyo sa wikang Hebreo, at ang Ebanghelyong iyan ay malimit na sumisipi ng mga talata mula sa Hebreong Kasulatan na naglalaman ng banal na pangalan. Ang iba sa mga manunulat ng Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay sumipi mula sa Griyegong Septuagint (isang salin ng Hebreong Kasulatan sa wikang Griyego, na sinimulan noong mga 280 B.C.E.), na ang unang mga kopya nito ay gumamit ng banal na pangalan sa mga titik Hebreo, gaya ng ipinakikita ng aktuwal na mga bahagi nito na naingatan.

      Sumulat si Propesor George Howard ng University of Georgia: “Yamang ang Tetragram [ang apat na titik Hebreo na bumubuo ng banal na pangalan] ay nakasulat pa sa mga kopya ng Griyegong Bibliya na siyang Kasulatang ginagamit ng unang iglesiya, makatuwirang maniwala na ang mga manunulat ng B[agong] T[ipan], nang sumisipi ng Kasulatan, ay pinanatili ang Tetragram sa tekstong bibliko.”​—Journal of Biblical Literature, Marso 1977, p. 77.

      Bakit parang nawawala ang ilang mga bersikulo?

      Ang mga bersikulong iyon, na masusumpungan sa ilang mga salin, ay wala sa pinakamatandang mga manuskrito ng Bibliya. Ang paghahambing sa ibang makabagong mga salin, tulad ng The New English Bible at ng Katolikong Jerusalem Bible, ay nagpapakita na kinilala rin ng ibang mga tagapagsalin na ang mga bersikulong ito ay hindi bahagi ng Bibliya. Sa ilang kaso, ang mga ito ay kinuha mula sa ibang bahagi ng Bibliya at idinagdag sa tekstong kinokopya ng isang eskriba.

      Kung May Magsasabi​—

      ‘May sarili kayong Bibliya’

      Maaari kayong sumagot: ‘Aling salin ng Bibliya ang ginagamit ninyo? Iyon ba’y . . . (ilista ang ilan sa inyong wika)? Alam ninyo, maraming mga salin ang ginagamit.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Puwede kong gamitin ang anomang salin na gusto ninyo. Nguni’t baka nais ninyong malaman kung bakit mas gusto ko ang New World Translation. Ito’y dahil sa modernong mga salita nito na madaling maunawaan, gayundin dahil sa ang mga tagapagsalin ay nanatiling lubos sa kung ano ang nasa orihinal na mga wika ng Bibliya.’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Batay sa inyong sinabi, seguro may Bibliya kayo sa bahay. Anong salin ng Bibliya ang ginagamit ninyo? . . . Maaari po bang kunin ninyo?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Alinmang salin ang ginagamit natin, sa Juan 17:3 idiniin ni Jesus sa ating lahat kung ano ang pinakamahalagang bagay na dapat isaisip, gaya ng inyong makikita dito mismo sa sarili ninyong Bibliya. . . . ’

      Isa pang posibilidad: ‘Marami ang mga salin ng Bibliya. Iminumungkahi ng aming Samahan na gamitin ang iba’t-iba sa mga ito upang makagawa ng paghahambing at upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga Kasulatan. Marahil ay alam ninyo na ang Bibliya noong una ay isinulat sa Hebreo, Aramaiko, at Griyego. Kaya pinasasalamatan natin ang ginawa ng mga tagapagsalin upang mailagay ito sa ating wika. Aling salin ng Bibliya ang ginagamit ninyo?’

      Isang karagdagang mungkahi: ‘Maliwanag na kayo’y isang taong may pag-ibig sa Salita ng Diyos. Kaya natitiyak kong gusto ninyong malaman kung ano ang isa sa pinakamalaking kaibahan ng New World Translation kung ihambing sa ibang mga bersiyon. Ito’y may kinalaman sa pangalan ng pinakamahalagang personang binanggit sa mga Kasulatan. Alam po ba ninyo kung sino ito?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Alam ba ninyo na ang kaniyang personal na pangalan ay lumilitaw sa Bibliya sa orihinal na Hebreo nang mga 7,000 beses​—higit pa kaysa alinmang ibang pangalan?’ (2) ‘Bakit mahalaga kung baga gagamitin natin ang personal na pangalan ng Diyos o hindi? Buweno, mayroon ba kayong matalik na mga kaibigan na hindi ninyo kilala sa pangalan? . . . Kung nais nating magkaroon ng isang personal na kaugnayan sa Diyos, ang unang mahalagang gawin ay ang malaman ang kaniyang pangalan. Pansinin ang sinabi ni Jesus sa Juan 17:3, 6. (Awit 83:18)’

  • Organisasyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Organisasyon

      Kahulugan: Isang kalipunan o samahan ng mga tao na nagsasamasama ukol sa isang partikular na gawain o layunin. Ang mga miyembro ng isang organisasyon ay pinagkakaisa sa pamamagitan ng kaayusan ng pamunuan at ng mga pamantayan o mga kahilingan. Ang mga naaalay at bautisadong mga saksi ni Jehova ay pumapasok sa organisasyon

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share