-
Manatili sa “Lunsod ng Kanlungan” at Mabuhay!Ang Bantayan—1995 | Nobyembre 15
-
-
20. Bilang proteksiyon buhat sa Tagapaghiganti ng dugo, ano ang kailangang gawin niyaong mga nasa antitipikong lunsod ng kanlungan?
20 Bilang proteksiyon laban sa tagapaghiganti ng dugo, ang nakapatay nang di-sinasadya ay kinailangang manatili sa lunsod ng kanlungan at hindi dapat lumabas sa hangganan ng mga pastulang dako nito. Kumusta naman yaong nasa antitipikong lunsod ng kanlungan? Upang makaligtas buhat sa dakilang Tagapaghiganti ng dugo, hindi nila dapat lisanin ang lunsod. Sa katunayan, kailangan silang magbantay laban sa mga pang-akit na pumunta sa hangganan ng mga pastulang dako, wika nga. Sila’y kailangang mag-ingat na hindi tumubo sa kanilang puso ang pag-ibig sa sanlibutan ni Satanas. Ito ay mangangailangan ng panalangin at pagsisikap, subalit nakasalalay roon ang kanilang buhay.—1 Juan 2:15-17; 5:19.
-
-
Mga Diyosa ng Pag-aanak at DigmaanAng Bantayan—1995 | Nobyembre 15
-
-
Mga Diyosa ng Pag-aanak at Digmaan
SA ISANG kampanya ng paghuhukay sa Ebla, Syria, natuklasan ang isang relikya ni Istar, ang diyosa ng mga taga-Babilonya sa pag-aanak at digmaan. Inilarawan iyon ng arkeologong si Paolo Matthiae bilang isang “hugis-tubong pantatak na may eksena ng isang kulto na naglalarawan ng isang nakalambong na babaing saserdote sa harap ng isang banal na imahen . . . na ang ulo nito ay nakakabit sa isang mataas na haligi.”
Mahalaga ang tuklas, sapagkat ang petsa ng imahen ay noon pang pasimula ng ika-18 siglo B.C.E. Ayon kay Matthiae, nagbibigay ito ng “matibay na patotoo” na ang pagsamba kay Istar ay umiral nang mga 2,000 taon.
Ang pagsamba kay Istar ay nagsimula sa Babilonya at nang sumunod na mga siglo ay lumaganap sa buong Imperyong Romano. Iniutos ni Jehova sa mga Israelita na alisin ang lahat ng bakas ng huwad na relihiyon sa Lupang Pangako, ngunit dahil hindi nila nagawa iyon, naging isang silo sa kanila ang pagsamba kay Astarte (ang katumbas ni Istar sa mga Canaanita).—Deuteronomio 7:2, 5; Hukom 10:6.
Bagaman si Istar at ang kaniyang katumbas na si Astarte ay hindi na umiiral, ang mga katangian na kinakatawan nila—imoralidad at karahasan—ay palasak. Maitatanong tuloy natin kung ang modernong lipunan ay talaga nga bang ibang-iba doon sa sinaunang mga kabihasnan na sumamba sa mga diyosang ito ng pag-aanak at digmaan.
-