Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 3/15 p. 23
  • Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Magiging Maligaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Kung Paano Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Tunay na Kaligayahan sa Paglilingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Maligaya ang mga Naglilingkod sa “Maligayang Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 3/15 p. 23

Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?

NADARAMA ng maraming tao na masusumpungan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pagtatamo ng materyal na mga pag-aari. Kumusta ka naman? Samantalang ang materyal na mga bagay ay tiyak na makapagdudulot sa atin ng kaligayahan, hindi ito tinitiyak ng mga ito; ni nagpapatibay man ng pananampalataya o tumutugon sa espirituwal na pangangailangan ang pisikal na mga kaalwanan.

Sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesu-Kristo: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.” (Mateo 5:3) Sinabi rin ni Jesus: “Magbantay laban sa bawat uri ng kaimbutan, sapagkat kahit na may kasaganaan ang isang tao ang kaniyang buhay ay hindi resulta ng mga bagay na tinataglay niya.”​—Lucas 12:15.

Marami ang naghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng bawal na sekso at iba pang “mga gawa ng laman.” (Galacia 5:19-​21) Subalit ang pagbibigay-daan sa pagpapalugod sa laman ay hindi nagdudulot ng tunay at namamalaging kaligayahan. Sa katunayan, ang mga gumagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.​—1 Corinto 6:9, 10.

Ang iba ay bumabaling sa sarili sa kanilang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagsisikap na pag-ibayuhin ang pagpapahalaga sa kanilang sarili. Ang mga aklatan at mga tindahan ng mga aklat ay punung-puno ng mga aklat tungkol sa sariling-sikap, ngunit hindi nagdulot sa mga tao ng namamalaging kaligayahan ang gayong mga publikasyon. Kaya, saan natin, kung gayon, masusumpungan ang tunay na kaligayahan?

Upang maging tunay na maligaya, dapat nating kilalanin ang ating likas na pangangailangang espirituwal. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” Sabihin pa, hindi tayo makikinabang kung uunawain lamang ang pangangailangang ito at pagkatapos ay hindi naman gagawa ng anuman tungkol dito. Upang ilarawan: Ano ang mangyayari sa isang mananakbo sa isang marathon na pagkatapos ng takbuhan ay hindi uminom ng tubig na kailangan ng kaniyang katawan? Hindi ba siya matutuyuan ng tubig sa katawan at magkakaroon ng iba pang malulubhang pinsala? Gayundin naman, kung hindi natin sasapatan ang ating pangangailangan ukol sa espirituwal na pagkain, sa bandang huli ay manghihina tayo sa espirituwal. Hahantong ito sa kawalan ng kagalakan at kaligayahan.

Lubusang kinilala ni Jesus ang kaniyang espirituwal na pangangailangan, anupat regular na nag-aral at nagbulay-bulay sa Salita ng Diyos. Madali niyang natatagpuan at nababasa ang mga bahagi ng Banal na Kasulatan, at tinuruan niya ang iba na gawin din ang gayon. (Lucas 4:16-​21; ihambing ang Efeso 4:20, 21.) Inihalintulad din ni Jesus sa pagkain ang paggawa ng kalooban ng kaniyang makalangit na Ama. Nagdulot sa kaniya ng malaking kaligayahan ang paggawa ng kalooban ng Diyos.​—Juan 4:34.

Oo, hindi matatamo ang tunay na kaligayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng materyal na mga bagay; ni magbubunga man ng kaligayahan ang pagbibigay-lugod sa makasalanang laman. Ang tunay na kaligayahan ay isang kalagayan ng puso, salig sa tunay na pananampalataya at mabuting kaugnayan sa Diyos na Jehova. Angkop, kung gayon, ang inawit ng salmistang si David: “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova.”​—Awit 144:15b.

[Larawan sa pahina 23]

Magdudulot sa iyo ng tunay na kaligayahan ang pananampalataya at mabuting kaugnayan sa Diyos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share