Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Patalastas
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Mga Patalastas

      ◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. Nobyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

      ◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Nobyembre ay dapat na maagang magpasok ng kanilang aplikasyon. Ito’y magpapangyaring makagawa ng kinakailangang mga pagbabago ang mga matatanda para sa literatura at teritoryo.

      ◼ Yamang ang Nobyembre 1 ay kadalasang isang pantanging pista opisyal, ito ay magsisilbing isang mabuting panahon para isaayos ang pantanging gawain sa magasin. Maraming tao ang nababahala sa kanilang namatay na minamahal sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, kaya makabubuting gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?, at gayundin ang brochure na Espiritu ng mga Patay kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na yaon.

  • Teokratikong mga Balita
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Teokratikong mga Balita

      Chile: Sa 42,778 mga mamamahayag na nag-ulat noong Abril, 8,680 ang mga payunir. Isang bagong peak na 2,820 mga regular payunir ang naabot. Ang kabuuang oras na iniulat para sa Abril ay 1,009,001.

      Lesotho: Ang mga mamamahayag na nag-ulat noong Abril ay may kabuuang 1,895, na 19-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon.

      Portugal: Isang bagong peak na 41,472 mga mamamahayag ang naabot noong Abril. May mga bago ring peak sa kabuuang oras, mga pagdalaw muli, at mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

      Venezuela: Ang masipag na paggawa ng 62,074 na mga mamamahayag noong Abril ay nagbunga ng mga bagong peak sa oras, mga pagdalaw muli, at mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

  • Ulat ng Paglilingkod sa Hunyo
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Ulat ng Paglilingkod sa Hunyo

      Abe. Abe. Abe. Abe.

      Bilang ng: Oras Mag. P-M. P.B.

      Esp. Pay. 661 131.8 24.0 41.8 6.6

      Reg. Pay. 16,767 71.8 10.4 19.0 3.0

      Aux. Pay. 4,406 50.0 7.0 9.4 1.3

      Mam. 92,226 8.8 1.7 2.2 0.4

      KAB. BLG. 114,060 Nabautismuhan: 621

  • Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat

      Eskedyul para sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.

      Okt. 4-10: Kabanata 95-96

      Okt. 11-17: Kabanata 97-98

      Okt. 18-24: Kabanata 99-100

      Okt. 25-31: Kabanata 101-102

      Nob. 1-7: Kabanata 103-105

  • Pag-aralan ang mga Aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Pag-aralan ang mga Aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba

      1 Mga tract, brochure, magasin, at mga aklat—lahat ay maaaring gamitin upang pasimulan ang mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado. Dahilan sa malaganap na pamamahagi nito at pagiging nakatatawag-pansin, ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman ay ginamit upang mapasimulan ang mga pag-aaral.

      2 Gayunpaman, may dalawang partikular na aklat na dapat pag-aralan kasama ng mga baguhan upang matulungan silang makaunawa ng mga saligang doktrina ng Bibliya at ng mga Kristiyanong pamantayan sa pamumuhay. Ang mga ito ay: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos. Iminumungkahi na karakaraka hanggat maaari, ang nagdaraos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa ibang mga publikasyon ay lumipat sa isa sa mga aklat na ito. Ang pag-aaral sa Bibliya ay dapat ipagpatuloy hanggang matapos ang mga aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba, kahit nabautismuhan na ang isang tao bago pa matapos ang ikalawang aklat. Ang kaayusang ito ay magbibigay ng karagdagang unawa at espirituwal na katatagan sa estudyante sa Bibliya.

  • Hayaang Makinabang ang Iba sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Magasin
    Ministeryo sa Kaharian—1993 | Oktubre
    • Hayaang Makinabang ang Iba sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Magasin

      1 Anong ligaya natin sa pagtanggap ng pinakabagong mga isyu ng Ang Bantayan at Gumising! Pinahahalagahan natin ang pagkakataong mabasa kaagad ang mga ito hanggat maaari upang tayo’y makinabang mula sa iniharap na impormasyon. Bukod pa sa paghanap ng materyal na makatutulong sa atin nang personal, isang mabuting idea na humanap ng mga puntong magagamit natin sa pag-aalok ng mga magasin sa iba. Nanaisin nating markahan ang mga bahagi na angkop sa teritoryo ng ating kongregasyon o maaari ding gumawa ng mga nota sa gilid ng ating kopya upang maalaala natin ang mga litaw na punto at kung papaanong ang artikulo ay maihaharap sa lokal na paraan.

      2 Ang ating mga babasahin ay may nagtatagal na kahalagahan. Bagaman inuuna natin ang paghaharap ng mga bagong magasin, hindi kailangang iwaksi ang mga matatandang isyu, yamang ang mga impormasyon nito sa ganang sarili ay hindi naluluma. Magdala ng mga lumang magasin sa inyong bag upang magamit ang mga ito kapag nagpapatotoo. Ang mga ito ay makatutulong lalo na kapag lumitaw ang espesipikong pangangailangan ng maybahay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share