-
EspiritismoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ninyo ang Diyablo, at tatakas siya sa inyo.” (Upang magawa ito, magmasipag sa pag-aaral ng kalooban ng Diyos at pagkakapit nito sa inyong buhay. Taglay ang pag-ibig sa Diyos, na magpapatibay sa inyo laban sa pagkatakot sa tao, buong-higpit na tumanggi kayong makibahagi sa anomang kaugaliang may kaugnayan sa espiritismo o anomang ipinag-utos sa inyo ng isang espiritista.)
Magbihis ng “buong kagayakan ng Diyos” na inilalarawan sa Efeso 6:10-18 at masikap ninyong ingatan ang bawa’t bahagi nito na laging nasa mabuting kalagayan.
-
-
EspirituNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Espiritu
Kahulugan: Ang Hebreong salitang ruʹach at ang Griyegong pneuʹma, na madalas na isinasaling “espiritu,” ay may iba’t ibang kahulugan. Lahat ng mga ito ay tumutukoy sa isang bagay na di-makikita ng tao at na may kinalaman sa kumikilos na puwersa. Ang mga salitang Hebreo at Griyego ay ginagamit upang tumukoy sa (1) hangin, (2) ang kumikilos na puwersa ng buhay sa makalupang mga nilalang, (3) ang nagpapakilos na puwersang nagmumula sa makasagisag na puso ng isang tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang paraan ng pagsasalita at pagkilos, (4) kinasihang mga kapahayagan na may di-nakikitang pinagmulan, (5) mga espiritung persona, at (6) ang kumikilos na puwersa ng Diyos, o banal na espiritu. Ang ilan sa mga paggamit na ito ay tatalakayin dito may kaugnayan sa mga paksang maaaring bumangon sa ministeryo sa larangan.
Ano ang banal na espiritu?
Ang paghahambing ng mga teksto sa Bibliya na tumutukoy sa banal na espiritu ay nagpapakitang ang mga tao ay maaaring ‘mapuspos’ nito; sila’y maaaring ‘mabautismuhan’ nito; at sila’y maaaring ‘pahiran’ nito. (Luc. 1:41; Mat. 3:11; Gawa 10:38) Hindi magiging angkop ang alinman sa mga salitang ito kung ang banal na espiritu ay isang persona.
Si Jesus ay tumukoy din sa banal na espiritu bilang isang “katulong” (Griyego, pa·raʹkle·tos), at sinabi niya na ang katulong na ito ay “magtuturo,” “magpapatotoo,” “magsasalita,” at ‘makikinig.’ (Juan 14:16, 17, 26; 15:26; 16:13) Karaniwan sa mga Kasulatan ang paglalarawan sa isang bagay bilang persona. Halimbawa, ang karunungan ay sinasabing may mga “anak.” (Luc. 7:35) Ang kasalanan at kamatayan ay tinutukoy bilang mga hari. (Roma 5:14, 21) Bagama’t sinasabi ng ilang teksto na “nagsalita”
-