Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sabbath
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • sa isang sabbath na binabanggit sa Bibliya? . . . Ang Diyos ay nagbigay ng mga kautusang sabbath sa mga Judio. Nguni’t alam ba ninyo na may binabanggit sa Bibliyang ibang uri ng sabbath na dapat ipangilin ng mga Kristiyano?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Wala kaming ipinangingiling araw bawa’t sanlinggo bilang Sabbath sapagka’t sinasabi ng Bibliya na ang kahilingang iyon ay “lumilipas.” (2 Cor. 3:7-11; tingnan ang mga komento tungkol dito sa mga pahina 373, 374.)’ (2) ‘Nguni’t mayroong isang sabbath na lagi naming ipinangingilin. (Heb. 4:4-11; tingnan ang mga pahina 374, 375.)’

  • Mga Saksi ni Jehova
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Saksi ni Jehova

      Kahulugan: Ang pandaigdig na Kristiyanong lipunan ng mga tao na aktibong nagbibigay-patotoo hinggil sa Diyos na Jehova at sa kaniyang mga layunin kaugnay ng sangkatauhan. Tanging sa Bibliya lamang nila isinasalig ang kanilang mga paniniwala.

      Anong mga paniwala ng mga Saksi ni Jehova ang nagtatangi sa kanila sa ibang mga relihiyon?

      (1) Ang Bibliya: Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang buong Bibliya ay siyang kinasihang Salita ng Diyos, at sa halip na manghawakan sa isang turo na salig sa tradisyon ng tao, sila’y nanghahawakan sa Bibliya bilang pamantayan ukol sa lahat ng kanilang mga paniwala.

      (2) Ang Diyos: Sinasamba nila si Jehova bilang iisang tunay na Diyos at malaya silang nakikipag-usap sa iba tungkol sa kaniya at sa maibigin niyang mga layunin para sa sangkatauhan. Sinomang hayagang nagpapatotoo tungkol kay Jehova ay karaniwan nang kinikilala na kabilang sa iisang grupo​—“Mga Saksi ni Jehova.”

      (3) Si Jesu-Kristo: Naniniwala sila, hindi sa pagiging bahagi ni Jesus sa isang Trinidad, kundi, gaya ng sinasabi ng Bibliya, siya ang Anak ng Diyos, ang kaunaunahan sa mga lalang ng Diyos; na siya’y umiiral na bago naging tao at na ang kaniyang buhay ay inilipat mula sa langit tungo sa bahay-bata ng isang dalaga, si Maria; na ang kaniyang sakdal na buhay-tao na inihandog bilang isang hain ang naglalaan ng kaligtasan tungo sa walang-hanggang buhay para sa mga nagsisisampalataya; na si Kristo’y kasalukuyan nang nagpupuno bilang Hari, taglay ang bigay-Diyos na kapamahalaan sa buong lupa mula noong 1914.

      (4) Ang Kaharian ng Diyos: Naniniwala sila na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ukol sa sangkatauhan; na ito’y isang tunay na pamahalaan; na malapit na nitong lipulin ang kasalukuyang balakyot na pamamalakad ng mga bagay, kalakip na ang mga pamahalaan ng tao, at na ito ang magluluwal ng isang bagong sistema na kung saan mananaig ang katuwiran.

      (5) Makalangit na buhay: Naniniwala sila na 144,000 pinahiran ng espiritung mga Kristiyano ang makikibahagi kay Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian, at mangagpupuno bilang mga haring kasama niya. Hindi sila naniniwala na ang langit ang gantimpalang naghihintay sa lahat ng “mabuti.”

      (6) Ang lupa: Naniniwala sila na ang orihinal na layunin ng Diyos ukol sa lupa ay matutupad; na ang lupa ay lubusang mapananahanan ng mga mananamba ni Jehova at na ang mga ito’y makapagtatamasa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan ng tao; na maging ang mga patay ay magsisibangon upang makabahagi sa mga pagpapalang ito.

      (7) Ang kamatayan: Naniniwala sila na ang mga patay ay walang anomang nalalaman; na ang mga ito’y walang nararanasang hirap ni ginhawa sa isang daigdig ng mga espiritu; na ang mga ito’y hindi umiiral maliban na sa alaala ng Diyos, kaya ang pag-asa ukol sa kanilang hinaharap na buhay ay nasasalig sa pagkabuhay-muli mula sa mga patay.

      (8) Mga huling araw: Naniniwala sila na mula noong 1914, tayo ay nabubuhay ngayon sa mga huling araw ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay; na ang ilan sa mga nakakita ng mga pangyayari noong 1914 ay makasasaksi pa rin sa lubusang pagkawasak ng kasalukuyang balakyot na sanlibutan; na ang mga umiibig sa katuwiran ay makaliligtas patawid sa isang nilinis na lupa.

      (9) Pagiging-hiwalay sa sanlibutan: Taimtim nilang sinisikap na maging hiwalay sa sanlibutan, gaya ng sinabi ni Jesus na siyang pagkakakilanlan sa kaniyang mga tagasunod. Nagpapakita sila ng tunay na pag-ibig Kristiyano para sa kanilang kapuwa, subali’t hindi sila nakikibahagi sa mga politika o mga digmaan ng alinmang bansa. Inilalaan nila ang materyal na mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya subali’t tinatanggihan nila ang masugid na pagtataguyod ng sanlibutan sa materyal na mga bagay at sa personal na katanyagan at ang labis-labis nitong pagkahumaling sa kalayawan.

      (10) Pagkakapit ng payo ng Bibliya: Naniniwala sila na mahalagang ikapit sa ngayon ang payo ng Salita ng Diyos sa araw-araw na buhay​—sa tahanan, sa paaralan, sa hanapbuhay, sa kanilang kongregasyon. Anoman ang mga dating paraan ng pamumuhay ng isa, maaari siyang maging isa sa mga Saksi ni Jehova kung tatalikdan niya ang mga kaugalian na hinahatulan ng Salita ng Diyos at ikakapit ang maka-diyos na payo nito. Subali’t kung pagkaraan nito ang sinoman ay mamimihasa sa pangangalunya, pakikiapid, homoseksuwalidad, pag-aabuso sa droga, paglalasing, pagsisinungaling, o pagnanakaw, siya ay matitiwalag mula sa organisasyon.

      (Ang talaan sa itaas ay nagsasaad sa maikli sa ilang namumukod-tanging paniwala ng mga Saksi ni Jehova subali’t kailanman ay hindi lamang ito ang siyang pagkakaiba ng kanilang mga paniwala sa paniwala ng ibang grupo. Ang maka-Kasulatang saligan sa mga paniwalang ito ay maaaring masumpungan sa pamamagitan ng Indise ng aklat na ito.)

      Ang mga Saksi ni Jehova ba ay isang relihiyong Amerikano?

      Sila’y mga tagapagtaguyod ng Kaharian ng Diyos, hindi ng alinmang sistemang pampolitika, pangkabuhayan, o panlipunan ng alinmang bansa sa matandang sanlibutang ito.

      Totoo na ang mga Saksi ni Jehova ay nagkaroon ng makabagong-panahong pasimula sa Estados Unidos. Ang kinaroroonan ng kanilang pandaigdig na tanggapan ay nakatulong nang malaki sa paglilimbag at pagpapadala ng mga babasahin sa Bibliya sa maraming dako ng daigdig. Subali’t ang mga Saksi ay hindi nagtatangi ng alinmang bansa; masusumpungan sila sa halos lahat ng bansa, at may mga tanggapan sila sa maraming dako ng daigdig upang pangasiwaan ang kanilang gawain sa mga dakong yaon.

      Isaalang-alang: Si Jesus ay isinilang bilang isang Judio sa Palestina, subali’t ang Kristiyanismo ay hindi isang relihiyong Palestinyo, hindi ba? Ang dakong sinilangan ni Jesus bilang tao ay hindi siyang pinakamahalagang salik na dapat isaalang-alang. Ang itinuro ni Jesus ay nagbuhat sa kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova, na nakikitungo nang walang pagkiling sa mga tao ng lahat ng bansa.​—Juan 14:10; Gawa 10:34, 35.

      Papaano tinutustusan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova?

      Sa pamamagitan ng mga kusang-loob na abuloy, gaya ng ginawa ng mga sinaunang Kristiyano. (2 Cor. 8:12; 9:7) Walang ginagawang anomang koleksiyon sa kanilang mga pulong; sila’y hindi nangingilak ng salapi mula sa madla. Ang mga abuloy para sa babasahin tungkol sa Bibliya ay panakip sa gastos ng paglilimbag at pagpapadala.

      Ang mga Saksi ay hindi binabayaran upang magbahay-bahay at mag-alok ng babasahin tungkol sa Bibliya sa mga lansangan. Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ang siyang nag-uudyok sa kanila na magsalita tungkol sa maibiging mga paglalaan ng Diyos ukol sa sangkatauhan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share