Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Krus
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • kayo ng sagisag ng kasangkapang ginamit sa pagpatay? Mamahalin ba ninyo ito o sa halip ay kamumuhian ninyo?

      Sa sinaunang Israel, ang di-tapat na mga Judio ay nanangis nang mamatay ang diyus-diyosang si Tammuz. Ang ginawa nilang ito ay tinukoy ni Jehova na ‘kasuklamsuklam.’ (Ezek. 8:13, 14) Ayon sa kasaysayan, si Tammuz ay isang diyos ng Babilonya, at ang krus ay ginamit bilang kaniyang sagisag. Magbuhat sa pasimula nito noong kaarawan ni Nimrod, ang Babilonya ay salungat na kay Jehova at naging kaaway ng tunay na pagsamba. (Gen. 10:8-10; Jer. 50:29) Kaya kung mamahalin ang krus, napararangalan ang isang sagisag ng pagsamba na salungat sa tunay na Diyos.

      Gaya ng sinasabi sa Ezekiel 8:17, ‘isinuot’ ng apostatang mga Judio ‘ang sanga sa ilong ni Jehova.’ Minalas niya ito bilang “kasuklamsuklam” at ‘nakagagalit.’ Bakit? Ang “sanga” na ito, gaya ng paliwanag ng ilang komentarista, ay kumakatawan sa sangkap ng lalake, na ginagamit sa pagsambang phalliko. Papaano, kung gayon, mamalasin ni Jehova ang paggamit ng krus, na, gaya ng nakita na natin, ay ginamit noong unang panahon bilang sagisag ng pagsambang phalliko?

  • Diyos
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Diyos

      Kahulugan: Ang Kataastaasang Maykapal, na ang bukod-tanging pangalan ay Jehova. Ang wikang Hebreo ay gumagamit ng mga termino ukol sa “Diyos” na nangangahulugan ng kalakasan, pati na ng kamahalan, dignidad at karingalan. Bilang paghahambing sa tunay na Diyos, ay mayroon ding mga huwad na diyos. Ang ilan sa mga ito’y ginawang diyos ang kanilang mga sarili; ang iba nama’y pinag-ukulan ng pagsamba niyaong mga nagsisipaglingkod sa kanila.

      May matitibay na dahilan ba upang maniwala sa Diyos?

      Awit 19:1: “Ang mga kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ipinakikita ng kalawakan ang gawa ng kaniyang mga kamay.”

      Awit 104:24: “Pagkasari-sari ang iyong mga gawa, O Jehova! Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat. Ang lupa ay puno ng iyong mga nilikha.”

      Roma 1:20: “Ang mga katangian niyang hindi nakikita ay maliwanag na naaaninaw buhat pa nang lalangin ang sanlibutan, sapagka’t ang mga ito’y nahihiwatigan sa mga bagay na ginawa.”

      Sinabi ng magasing New Scientist: “Nananatili ang karaniwang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share