Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ministeryo sa Kaharian—1998 | Marso
    • Mga Paalaala sa Memoryal

      Ang pagdiriwang ng Memoryal ay pumapatak sa Sabado, Abril 11. Ang matatanda ay dapat na magbigay-pansin sa sumusunod na mga bagay:

      ◼ Sa pagtatakda ng oras ng pulong, tiyaking ang mga emblema ay hindi ipapasa kundi pagkatapos na lumubog ang araw.

      ◼ Dapat ipabatid sa bawat isa, lakip na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar para sa pagdiriwang.

      ◼ Ang angkop na uri ng tinapay at alak ay dapat na kunin at ihanda.​—Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, pahina 19.

      ◼ Ang mga plato, mga kopa, at isang angkop na mesa at mantel ay dapat na dalhin sa bulwagan at ilagay na maayos nang patiuna.

      ◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pulungan ay dapat na lubusang linisin nang patiuna.

      ◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat piliin at patiunang bigyan ng tagubilin sa wastong pamamaraan at sa kanilang mga tungkulin.

      ◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan upang mapaglingkuran ang sinumang pinahiran na masakitin at hindi makadalo.

      ◼ Kapag mahigit sa isang kongregasyon ang naka-iskedyul na gagamit sa isang Kingdom Hall, dapat na magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga kongregasyon upang maiwasan ang pagsisiksikan sa pasukan at sa kalye.

  • Mga Patalastas
    Ministeryo sa Kaharian—1998 | Marso
    • Mga Patalastas

      ◼ Alok na literatura sa Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok sa kontribusyong ₱25.00. Kung ang maybahay ay mayroon na ng aklat na ito, maaari ninyong ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa gayon ding kontribusyon. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Alinman sa aklat na Pinakadakilang Tao sa ₱75.00 o Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱40.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

      ◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Ipatalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.

      ◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Magtiwala sa Nagliligtas na Kapangyarihan ni Jehova” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

      ◼ Marami kaming suplay ng audiocassette na naglalaman ng materyal mula sa brosyur na Hinihiling sa Ingles. Ito’y kapaki-pakinabang sa pagtuturo sa mga anak o doon sa mga maaaring nahihirapang magbasa. Kasiya-siya ring pakingggan ito sa tahanan. Ang kontribusyon para dito ay ₱60.00 at ang halaga sa payunir ay ₱55.00.

      ◼ Dahilan sa pagbababa ng halaga ng piso kamakailan, ang lahat ng literatura ay tataas pasimula sa Marso 1, 1998. Maapektuhan lamang nito ang mga literatura; ang halaga ng magasin at suskrisyon ay hindi tataas. Apat na kopya ng bagong Watch Tower Publications List na nagpapakita ng mga bagong halaga ang ipinadadala sa bawat kongregasyon na kahiwalay nito. Tig-iisang kopya ang dapat na ibigay sa lingkod sa literatura, lingkod sa magasin, lingkod sa kuwenta at isang kopya ang maiiwan sa salansan ng kongregasyon. Pakisuyong sirain ang dating mga edisyon ng Watch Tower Publications List upang maiwasan ang kalituhan.

      ◼ Noong Enero 1, 1998 isang Special Literature Inventory form ang ipinadala sa bawat kongregasyon na may kasamang sulat sa Lupon ng Matatanda. Pakisuyong punan nang kumpleto ang pormang ito sa Pebrero 28 pagkatapos gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura sa istak, at ibalik ang isang kopya sa Samahan nang hindi lalampas sa Marso 6. Kapag natanggap na ang mga pormang ito sa tanggapang pansangay, ang kongregasyon ay sisingilin ng Samahan batay sa pagkakaiba ng mga halaga ng literaturang nasa inyong istak noong Pebrero 28, 1998.

      ◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na gumawa na ng kanilang mga plano ngayon at maagang ibigay ang kanilang aplikasyon. Ito’y makatutulong sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at upang magkaroon ng sapat na mga magasin at iba pang literatura. Ang mga pangalan ng lahat ng naaprobahang mag-auxiliary pioneer ay ipatatalastas sa kongregasyon.

  • Tanong
    Ministeryo sa Kaharian—1998 | Marso
    • Tanong

      ◼ Bakit dapat nating bigyan ng pantanging pansin ang ating pananamit at pag-aayos kapag dumadalaw sa mga pasilidad ng Samahan sa Brooklyn, Patterson, at Wallkill, New York, at sa mga tanggapang pansangay sa buong daigdig?

      Inaasahang pananatilihin ng mga Kristiyano ang wastong asal. Sa lahat ng panahon ang ating pananamit at pag-aayos ay dapat kakitaan ng mabuting asal at dignidad na naaangkop sa mga lingkod ng Diyos na Jehova. Lalo nang ito’y totoo kapag dumadalaw sa mga pasilidad ng Samahan sa New York at sa mga sangay sa palibot ng daigdig.

      Sa 1998, idaraos ang mga pandistrito at pang-internasyonal na kombensiyon. Libu-libo sa ating mga kapatid mula sa maraming lupain ang dadalaw sa punong tanggapan ng Samahan sa New York at gayundin sa mga sangay sa ibang bansa. Hindi lamang kapag dumadalaw sa mga pasilidad na ito kundi kahit na kailan, kailangan nating ‘irekomenda ang ating sarili bilang mga ministro ng Diyos sa lahat ng paraan,’ lakip na sa angkop na pananamit at pag-aayos natin.​—2 Cor. 6:3, 4.

      Sa pagtalakay sa kahalagahan ng wastong pananamit at pag-aayos, ang Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo ay nagkomento hinggil sa pangangailangan ng pisikal na kalinisan, mahinhing pananamit, at mabuting pag-aayos sa ating pakikibahagi sa ministeryo sa larangan at sa pagdalo sa mga Kristiyanong pagpupulong. Pagkatapos, sa pahina 131, parapo 2, ito’y nagsabi: “Kumakapit din ito kapag tayo ay dumadalaw sa tahanang Bethel sa Brooklyn o sa alinmang tanggapang pansangay ng Samahan. Tandaan, ang pangalang Bethel ay nangangahulugang ‘Bahay ng Diyos,’ kaya ang ating pananamit, pag-aayos at paggawi ay dapat na maging katulad niyaong inaasahan sa atin kapag dumadalo sa mga pulong ukol sa pagsamba sa Kingdom Hall.” Ang ganito ring mataas na pamantayan ay dapat isaalang-alang ng mga mamamahayag ng Kaharian sa inyong lugar at ng mga nanggagaling sa malalayong dako upang makipagkita at makisama sa mga miyembro ng pamilyang Bethel at dumalaw sa mga pasilidad ng sangay.

      Ang ating pananamit ay dapat magkaroon ng positibong impluwensiya sa iba kung paano nila mamalasin ang tunay na pagsamba kay Jehova. Gayunman, napansin na kapag dumadalaw sa mga pasilidad ng Samahan, ang ilang kapatid ay masyadong di-pormal sa kanilang pananamit. Ang gayong pananamit ay hindi angkop kapag dumadalaw sa alinmang tahanang Bethel. Hinggil sa bagay na ito, tulad na rin sa lahat ng iba pang aspekto ng ating Kristiyanong pamumuhay, nais nating mapanatili rin ang mataas na pamantayan na nagpapakitang kakaiba ang bayan ng Diyos sa sanlibutan sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos. (Roma 12:2; 1 Cor. 10:31) Makabubuti ring makipag-usap sa ating mga estudyante sa Bibliya at sa iba pa na sa unang pagkakataon ay dadalaw sa Bethel at ipaalaala sa kanila ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa wastong pananamit at pag-aayos.

      Kaya kapag dumadalaw sa mga pasilidad ng Samahan, tanungin ang inyong sarili: ‘Mahinhin ba ang aking pananamit at pag-aayos?’ (Ihambing ang Mikas 6:8.) ‘Mabuti ba ang ipinahihiwatig nito hinggil sa Diyos na aking sinasamba? Magagambala o masusuya ba ang iba dahilan sa aking hitsura? Ako ba’y nagbibigay ng mabuting halimbawa sa iba na maaaring dumadalaw sa unang pagkakataon?’ Sa pamamagitan ng ating pananamit at pag-aayos, lagi nawa nating “magayakan ang turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, sa lahat ng bagay.”​—Tito 2:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share