Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Hiwaga ng Codex Vaticano
    Ang Bantayan—1989 | Mayo 1
    • na mahigitan ng iba. Sa pagpasok ng siglong ito, nagkaroon na ng maraming mahuhusay na mga kopya ng larawan nito.

      Ang manuskrito ay may 759 na mga pahina. Kulang ang karamihan ng mga pahina ng Genesis, ng mga ilang awit, at ng mga huling bahagi ng Kristiyanong Kasulatang Griego. Ito’y nasusulat sa pinung-pinong, manipis na pergamino, na inaakalang kinuha sa mga balat ng antelopo, sa estilong simple, makisig. Ang opisyal na pangalan nito ay Codex B, at ito’y makikita ngayon sa Aklatan ng Vaticano. Hindi na ito nakatago, at ang kahalagahan nito ay naunawaan din sa wakas at kinikilala sa buong daigdig.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1989 | Mayo 1
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      ◼ Si Jehova ba ay gumagamit ng panlilinlang o daya sa mga tao, kasali na ang kaniyang mga lingkod, gaya ng waring ipinahihiwatig ng Jeremias 4:10 at 20:7?

      Hindi, ang Maylikha ay hindi manlilinlang, mandaraya, o tuso sa kaniyang mga pakikitungo. Subalit kaniyang maisasakatuparan at kaniyang isinasakatuparan ang kaniyang matuwid na kalooban sa kabila ng maaaring asahan ng mga tao.

      Makikita natin ang isang pitak nito sa Jeremias 4:10, na kung saan sinabi ng propeta na: “Naku, Oh Soberanong Panginoong Jehova! Talagang iyong lubusang dinaya ang bayang ito at ang Jerusalem, na nagsasabi, ‘Sasa-inyo ang kapayapaan,’ ngunit ngayon ang tabak ang nakaamba sa kanila.”

      Ginamit ni Jehova si Jeremias upang ihula ang napipintong kasakunaan para sa taksil na bansang may palagay na naglilingkod sa Kaniya. (Jeremias 1:10, 15-19; 4:5-8; 5:20-30) Gayunman, mayroong mga iba na nag-aangking mga propeta. (Jeremias 4:9) Ano ba ang narinig ng bayan sa gayong umano’y mga propeta? Ganito ang pagkapaliwanag ng Diyos: “Ang mga propeta mismo ay aktuwal na nanghuhula ng kasinungalingan . . . at ganoon naman ang ibig ng aking sariling bayan.”​—Jeremias 5:31; 20:6.

      Bagaman hindi si Jehova ang nagsugo sa mga bulaang propetang iyon, hindi naman niya hinadlangan sila ng pagkakalat ng mga pasabi, tulad baga ng: “Kapayapaan ang darating sa inyo” at, “Walang kasakunaan na darating sa inyo.” (Jeremias 23:16, 17, 25-28, 32) Kailangang mamilì ang mga tao​—tanggapin ang mahirap ngunit totoong mga hulang sinalita ni Jeremias o sila’y pumayag na mailigaw ng bulaang mga propetang naging gayon sa ganang sarili, tulad baga ni Hananias at ni Semaias. (Jeremias 28:1-4, 11; 29:30-32) Dahilan sa hindi naman pinahinto ng Diyos ang mga magdarayang propetang ito, masasabi tungkol sa kaniya: “Iyong lubusang dinaya ang bayang ito at ang Jerusalem, na nagsasabi, ‘Sasa-inyo ang kapayapaan.’”

      Sa isang naiibang diwa, si Jeremias ay napaglalangan. “Pinaglalangan mo ako, Oh Jehova, kung kaya’t ako’y napaglalangan. Ginamit mo ang iyong lakas laban sa akin, kung kaya’t ikaw ay nanaig. Ako’y naging katatawanan buong araw; lahat ay tumutuya sa akin.”​—Jeremias 20:7.

      Minsan si Pashur, isang prominenteng saserdote, ay nandahas kay Jeremias nang hayagan at pagkatapos ay inilagay siya sa pangawan. Sa pangmalas ng tao, maaaring nadama ni Jeremias na siya’y umabot na sa sukdulang matitiis niya, na anupa’t wala na siyang lakas na magpatuloy pa sa harap ng gayong pagwawalang-bahala, pagtanggi, panunuya, at pisikal na karahasan. Subalit hindi gayon. Ginamit ni Jehova ang kaniyang lakas laban (o salungat) sa makataong hilig ni Jeremias. Pinaglalangan ng Diyos si Jeremias sa bagay na Kaniyang ginamit ang di-sakdal na taong ito upang tuparin ang hindi sana nagawa ng propeta kung kaniyang sariling lakas lamang ang ginamit. Bagaman napaglalangan o nagulat si Jeremias sa ginawang ito, iyon ay sa ikabubuti: Yaong umuusig sa kaniya ay nangapahiya, at naipahayag ang pasabi ng Diyos.​—Jeremias 20:11.

      Kung gayon, kung ibabatay sa konteksto, ang Jeremias 4:10 at 20:7 ay kasuwato ng pagkasabi ni Elihu: “Ang Diyos ay hindi gumagawa ng masama, at ang katarungan ay hindi pinipilipit ng Makapangyarihan-sa-lahat.”​—Job 34:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share