Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gamitin Nang Wasto ang Salita ng Diyos
    Ministeryo sa Kaharian—2001 | Disyembre
    • 3 Bumasa Nang Tuwiran Mula sa Bibliya: Maaari mong subuking mangaral nang walang bag. Maaari mong ilagay sa isang manipis na portpolyo ang tampok na literatura na nais mong ialok at hawakan o ilagay sa bulsa ang Bibliya. Pagkatapos, kapag nakikipag-usap ka, maaari mong ilabas ang Bibliya nang hindi nadarama ng tao na nagsisikap kang magsermon. Iposisyon mo ang iyong sarili sa paraan na ang iyong tagapakinig ay makasusubaybay sa iyong Bibliya. Marahil ay hihilingin mo sa kaniya na basahin nang malakas ang isang talata. Makalilikha ng isang mas malalim na impresyon kapag nakikita niya kung ano ang sinasabi ng Bibliya sa halip na marinig lamang niya ito mula sa iyo. Sabihin pa, upang matulungan siyang maunawaan ang punto ng teksto, idiin ang mga salitang nagdadala ng diwa.

  • Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo Para sa 2002
    Ministeryo sa Kaharian—2001 | Disyembre
    • 3 Basahin ang Bibliya Araw-Araw: Kung laging nakahanda ang ating Bibliya, masasamantala natin ang anumang libreng panahong taglay natin upang basahin ito. Ang karamihan sa atin ay may ilang minuto sa maghapon na magugugol sa ganitong paraan. Tunay ngang kapaki-pakinabang na basahin ang kahit na isa man lamang pahina bawat araw, na sapat na upang makaalinsabay sa programa ng pagbabasa sa Bibliya na nakabalangkas sa iskedyul ng paaralan!​—Awit 1:1-3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share