-
Mga PatalastasMinisteryo sa Kaharian—2003 | Mayo
-
-
Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na sila ang regular na maghatid ng mga magasin, sa tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang bagong aklat na Maging Malapít kay Jehova. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung mayroon pa kayong ibang mga form na kakailanganin, maaaring pididuhin ang mga ito sa karaniwang paraan, na ginagamit ang Literature Request form (S-AB-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais na magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga lapel card para sa 2003 na mga Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang pididuhin ang mga ito malibang masumpungan ninyong kulang ang bilang na ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong pumidido ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request form.
-
-
Mga TanongMinisteryo sa Kaharian—2003 | Mayo
-
-
Mga Tanong
◼ Kapag nagpapatotoo sa telepono, dapat ba nating ipaliwanag ang kaayusan sa donasyon?
Kapag nagpapatotoo tayo nang harapan, maaaring ipaliwanag na ang pambuong-daigdig na gawaing pagtuturo ng Bibliya ng mga Saksi ni Jehova ay lubusang sinusuportahan ng boluntaryong mga donasyon at na tayo ay natutuwang tanggapin ang gayong mga donasyon. Gayunman, hindi dapat banggitin ang mga donasyon o ang kaayusan sa donasyon kapag nagpapatotoo sa telepono, yamang maaaring akalain na ito ay isang anyo ng pangingilak sa telepono. Ang ministeryo ng mga Saksi ni Jehova ay walang halong anumang komersiyo.—2 Cor. 2:17.
◼ Kapag nagpapatotoo sa telepono, ano ang dapat nating gawin kapag hiniling ng isang indibiduwal na huwag na siyang tawagang muli ng mga Saksi ni Jehova?
Dapat igalang ang mga kahilingan ng indibiduwal na iyon. Dapat sumulat ng isang rekord na may petsa ng kahilingan at pangalan ng taong iyon at ilagay sa sobre ng teritoryo para maiwasang tawagan ng mga mamamahayag ang numerong iyon sa hinaharap. Minsan sa isang taon, dapat repasuhin ang listahan ng mga taong humiling na huwag natin silang tawagan. Sa ilalim ng pangunguna ng tagapangasiwa sa paglilingkod, maaaring atasan ang makaranasan at mataktikang mga mamamahayag upang makipag-ugnayan sa mga taong ito para matiyak kung ayaw pa rin nilang tawagan sila ng mga Saksi ni Jehova.—Tingnan ang “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hunyo 1994.
◼ Ano ang sasabihin natin sa isang answering machine?
Huwag ibababa ang telepono. Sa halip, sumulat ng isang inihandang-mabuting sagot na maaari mong basahin sa telepono. Maaari mong sabihin: “Ikinalulungkot kong hindi ko kayo nakausap. Kung nais ninyong makapakinig ng isang salig-Bibliyang pagtalakay tungkol sa [pamagat ng pahayag pangmadla], pakisuyong dumalaw kayo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Ang publiko ay inaanyayahan. Walang mga koleksiyon.” Pagkatapos ay banggitin nang maliwanag ang araw at oras ng pulong, at sabihin ang adres o ilarawan ang lokasyon ng Kingdom Hall.
-
-
Mungkahing mga Presentasyon Para sa Maging Malapít kay JehovaMinisteryo sa Kaharian—2003 | Mayo
-
-
Mungkahing mga Presentasyon Para sa Maging Malapít kay Jehova
◼ Hawak ang Bibliya, sabihin: “Nais ng maraming tao na naniniwala sa Diyos na maging higit na malapít sa kaniya. Alam mo ba na inaanyayahan tayo ng Diyos na maging malapít sa Kaniya? [Basahin ang Sant. 4:8.] Dinisenyo ang publikasyong ito upang tulungan ang mga tao na gamitin ang sarili nilang Bibliya upang maging malapít sa Diyos.” Basahin ang parapo 1 sa pahina 16.
◼ Hawak ang Bibliya, sabihin: “Dahil sa banta ng terorismo, marami ang nag-iisip kung magiging tiwasay pa kayang muli ang kanilang buhay. Pansinin ang nakapagpapatibay na kaisipang ito. [Basahin ang Awit 46:1, 2.] Ang publikasyong ito ay dinisenyo upang tulungang magtiwala ang mga tao sa Diyos.” Basahin ang parapo 4 sa pahina 68 at ang unang pangungusap sa parapo 5.
◼ Hawak ang Bibliya, sabihin: “Laganap ang kawalang-katarungan sa ngayon. Ganiyan mismo ang pagkakalarawan dito. [Basahin ang Eclesiastes 8:9b.] Marami ang nag-iisip kung talaga nga bang nagmamalasakit ang Diyos. [Basahin ang unang dalawang pangungusap sa parapo 4 sa pahina 119.] Ipinaliliwanag ng kabanatang ito kung bakit pansamantalang pinahihintulutan ng Diyos ang kawalang-katarungan.”
-