Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
    Ministeryo sa Kaharian—2004 | Marso
    • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

      Linggo ng Marso 8

      Awit 37

      10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Paalalahanan ang lahat na dalhin ang bagong brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ sa susunod na Pulong sa Paglilingkod. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Marso 15 ng Bantayan at ang Marso 22 ng Gumising!

      15 min: Ginagamit ang mga Tract Upang Pasimulan ang mga Pag-uusap. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Kadalasang ang pagpapasimula ng pag-uusap ang pinakamahirap na bahagi sa pagpapatotoo. Magagamit ang mga tract upang pasimulan ang pag-uusap sa pagpapatotoo sa bahay-bahay, sa teritoryo ng negosyo, at sa pampublikong mga lugar. Repasuhin sa maikli ang dalawa o tatlong tract na maaaring makaakit sa mga tao sa inyong teritoryo. Anong pambungad na mga komento ang maaaring sabihin kapag inihaharap ang mga tract na ito? Paano magagamit ang mga ilustrasyon? Ano ang maaaring mataktikang itanong? Ipatanghal kung paano maaaring pasimulan ang isang pag-uusap gamit ang isang tract. Tatalakayin sa maikli ng mamamahayag ang isang parapo sa tract at magtatapos sa pamamagitan ng pag-aalok ng aklat na Kaalaman.

      20 min: “Ibigin Ninyo si Jehova, Ninyong Lahat na Matapat sa Kaniya.”a Kapag tinatalakay ang parapo 3, anyayahang magkomento ang mga tagapakinig kung paano sila nakapag-imbita ng mga tao sa pagdiriwang ng Memoryal.

      Awit 131 at pansarang panalangin.

      Linggo ng Marso 15

      Awit 121

      10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pangunahing mga punto ng “Mga Paalaala sa Memoryal.” Ipatalastas kung kailan gaganapin ang Pag-aaral sa Bantayan sa linggo ng Memoryal.

      15 min: Pinakahuling Ulat Hinggil sa Pantanging Gawain sa Panahon ng Memoryal. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Banggitin ang pantanging mga kaayusan na ginawa. Pasiglahin ang mga maaaring magpatala bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo. Repasuhin sa maikli ang ilang punto mula sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero.

      20 min: Makinabang Mula sa ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’ Sa pamamagitan ng bagong brosyur na ito, magiging higit na makabuluhan ang ating pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos. Ang isang susi ay ang paggamit sa indise nito. Basahin ang Isaias 63:​1, na naglalarawan kay Jehova na dumarating mula sa Bozra. Anyayahan ang lahat na hanapin ang Bozra sa indise ng ‘Mabuting Lupain.’ Ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng “Bozra 11 G11,” na ginagamit ang kahon sa pahina 34, at hanapin ang Bozra at Edom sa binanggit na mapa. Ginagamit ang indise, hanapin ang ruta ni Jesus mula Jerusalem patungong Sicar. (Juan 4:​3-5) Hanapin din ang kinaroroonan ng tipunang-tubig ng Betzata. (Juan 5:1-3) Pumili ng isa o dalawang karagdagan pang halimbawa mula sa lingguhang pagbasa sa Bibliya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Itampok sa maikli ang ilan sa mga mapa na nasa brosyur, anupat binabanggit ang mga yugto ng panahon na saklaw nito. Makikita sa mapa sa pahina 18-19 ang pinakamaraming lugar sa Bibliya. Himukin ang lahat na gamiting mabuti ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’

      Awit 63 at pansarang panalangin.

      Linggo ng Marso 22

      Awit 191

      10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Paalalahanan ang lahat na subaybayan ang pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal na nakaiskedyul sa Marso 30–​Abril 4, gaya ng nakabalangkas sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw​—2004 at sa 2004 Calendar.

      15 min: Lokal na mga pangangailangan.

      20 min: “Pagsalakay ng mga Mangangabayo na Nagsasangkot sa Iyo.”b Basahin at talakayin ang mga tekstong binanggit kung may panahon pa.

      Awit 181 at pansarang panalangin.

      Linggo ng Marso 29

      Awit 129

      10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Bantayan ng Abril 1 at ang Gumising! ng Abril 8.

      15 min: Gamiting Mabuti ang 2004 Taunang Aklat. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Banggitin ang mga tampok na bahagi sa “Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala,” ang namumukod-tanging mga estadistika mula sa pambuong-daigdig na ulat, at ang ilang nakapagpapatibay-pananampalatayang mga karanasan.

      20 min: Pinagbubuklod ng Katotohanan ang mga Pamilya. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Nag-aatubili kung minsan ang mga interesadong tao sa paglilingkod kay Jehova dahil sa pagsalansang ng mga miyembro ng pamilya. Ilahad ang ilan sa sumusunod na mga karanasan: Enero 1, 2002, Bantayan, pahina 14-​15; Disyembre 1, 2000, Bantayan, pahina 8; Setyembre 1, 1999, Bantayan, pahina 32; Enero 1, 1999, Bantayan, pahina 4; at Pebrero 22, 1998, Gumising!, pahina 31. Itampok ang bagay na kadalasang bumubuti ang buhay pampamilya kapag kahit isang miyembro ng sambahayan ay nagkakapit ng mga simulain sa Bibliya.

      Awit 130 at pansarang panalangin.

      Linggo ng Abril 5

      Awit 126

      10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang “Isang Paraan Upang Tulungan Sila.”

      20 min: Ang Pisikal na Kalinisan ay Nagrerekomenda sa Atin. Isang pahayag salig sa Hunyo 1, 2002, Bantayan, pahina 19-21. Ilakip ang isang pagtatanghal kung saan ipinakikita ng isang elder sa isang payunir kung paano mataktikang matutulungan ang isang estudyante sa Bibliya na makita ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis ng kaniyang tahanan at bakuran, na ginagamit ang aralin 9, parapo 5, sa brosyur na Hinihiling.

      15 min: Ilahad ang mga karanasan may kaugnayan sa pagdiriwang ng Memoryal at sa pinag-ibayong gawaing paglilingkod noong Marso.

      Awit 25 at pansarang panalangin.

  • Ulat ng Paglilingkod Noong Nobyembre
    Ministeryo sa Kaharian—2004 | Marso
    • Ulat ng Paglilingkod Noong Nobyembre

      Abe. Abe. Abe. Abe.

      Bilang ng: Oras Mag. P-M. P.B.

      Sp. Pio. 346 119.2 31.0 44.2 7.4

      Reg. Pio. 24,389 48.1 10.3 13.6 2.4

      Aux. Pio. 1,892 42.8 11.2 10.2 1.8

      Mam. 114,960 8.0 2.7 2.2 0.4

      KAB. BLG. 141,587 Nabautismuhan: 133

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share