Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gamitin Nang May Katalinuhan ang Iyong Panahon
    Ministeryo sa Kaharian—2005 | Setyembre
    • Gamitin Nang May Katalinuhan ang Iyong Panahon

      1 Ang ating hangaring mapalugdan si Jehova ay nag-uudyok sa atin na isentro ang ating buhay sa espirituwal na mga gawain. Tinuturuan tayo ng kaniyang Salita na ‘patuloy na hanapin muna ang kaharian’ at ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’ (Mat. 6:33; Fil. 1:10) Paano natin mabibili ang panahon para sa mga kapakanang pang-Kaharian at panatilihing pangalawahin ang hindi gaanong mahahalagang gawain?—Efe. 5:15-17.

      2 Unahin ang mga Gawaing Pang-Kaharian: Iiskedyul ang iyong panahon upang hindi ito masayang sa mga bagay na hindi mahalaga. Sinisimulan ng ilan ang bawat buwan sa pamamagitan ng pag-iiskedyul ng espesipikong mga panahon sa kanilang kalendaryo para sa ministeryo sa larangan. Pagkatapos, tinitiyak nilang hindi mahahadlangan ng ibang mga bagay ang mga planong iyon. Magagawa rin ang gayon upang bilhin ang panahon para sa mga pagpupulong, personal na pag-aaral, at mga kombensiyon. Marami ang may iskedyul araw-araw na nagsisimula o nagtatapos sa pamamagitan ng pagbasa sa Bibliya. Mag-iskedyul ng espesipikong panahon para sa bawat mahalagang gawain, at huwag hayaang mahadlangan ito ng ibang bagay.—Ecles. 3:1; 1 Cor. 14:40.

      3 Limitahan ang Paggamit sa Sanlibutan: Sa ilang bansa, maraming isport, libangan, kinagigiliwang gawain, at iba pa na maaaring pagkaabalahan. Marami ang gumugugol ng napakaraming oras sa panonood ng telebisyon o sa paggamit ng computer. Gayunman, ang pagiging abala sa mga gawain ukol sa paglilibang at sa mga bagong gadyet na iniaalok ng sanlibutang ito ay tiyak na hahantong sa kabiguan. (1 Juan 2:15-17) Kaya hinihimok tayo ng Kasulatan na huwag gamitin ang sanlibutan nang lubusan. (1 Cor. 7:31) Sa pagbibigay-pansin mo sa matalinong payo na iyon, maipakikita mo kay Jehova na una sa iyong buhay ang pagsamba sa kaniya.—Mat. 6:19-21.

      4 Paubos na ang panahong natitira para sa kasalukuyang sistemang ito. Yaong mga inuuna ang mga kapakanang pang-Kaharian ay magiging maligaya at magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. (Kaw. 8:32-35; Sant. 1:25) Kaya, gamitin nawa natin nang may katalinuhan ang ating panahon, na talaga namang napakahalaga.

  • Bahagi 12—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ministeryo sa Kaharian—2005 | Setyembre
    • Bahagi 12—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya

      Pagtulong sa mga Estudyante na Magpasimula at Magdaos ng mga Pag-aaral sa Bibliya

      1 Kapag nagsimulang makibahagi ang ating mga estudyante sa Bibliya sa ministeryo sa larangan, maaaring nangangamba silang magpasimula at magdaos ng kanilang sariling mga pag-aaral sa Bibliya. Paano natin sila matutulungang magkaroon ng positibong saloobin sa mahalagang bahaging ito ng ating ministeryo?—Mat. 24:14; 28:19, 20.

      2 Kapag kuwalipikado na ang isang estudyante sa Bibliya na maging di-bautisadong mamamahayag, malamang na nakatala na siya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Ang pagsasanay na natatanggap niya sa paghahanda at paghaharap ng mga atas ng estudyante ay tutulong sa kaniya na linangin ang mga kasanayan sa pagtuturo na kailangan ng isang “manggagawa na walang anumang ikinahihiya, na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.”—2 Tim. 2:15.

      3 Magturo sa Pamamagitan ng Iyong Halimbawa: Sinanay ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na tagubilin at pagpapakita ng mabuting halimbawa. Sinabi niya: “Ang bawat isa na sakdal na naturuan ay magiging tulad ng kaniyang guro.” (Luc. 6:40) Napakahalagang tularan mo si Jesus sa pamamagitan ng pagpapakita ng wastong halimbawa sa iyong ministeryo. Habang inoobserbahan ng iyong estudyante ang halimbawa mo sa ministeryo, mauunawaan niya na ang tunguhin ng pagdalaw-muli ay makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

      4 Ipaliwanag na kapag nag-aalok tayo ng pag-aaral sa Bibliya, karaniwan nang hindi na kailangang ilarawan nang detalyado ang kaayusan sa pag-aaral. Kadalasan, ang pinakamabuti ay itanghal ang pag-aaral sa pamamagitan ng isa o marahil ay dalawang parapo mula sa publikasyong pag-aaralan. Masusumpungan sa mga isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Agosto 2005, pahina 4 at ng Mayo 2002, pahina 6 ang nakatutulong na mga mungkahi sa paggawa nito.

      5 Kung angkop, anyayahan ang estudyante na samahan ka o ang isang makaranasang mamamahayag sa mga pag-aaral sa Bibliya. Maaari siyang pagkomentuhin sa isang parapo o susing teksto. Kaya sa pamamagitan ng pagmamasid, maraming matututuhan ang estudyante sa pagdaraos ng progresibong mga pag-aaral sa Bibliya. (Kaw. 27:17; 2 Tim. 2:2) Bigyan siya ng komendasyon, at ipakipag-usap sa kaniya kung paano siya susulong.

      6 Ang pagsasanay sa bagong mga mamamahayag upang maging mga guro ng Salita ng Diyos ay magsasangkap sa kanila sa “mabuting gawa” ng pagpapasimula at pagdaraos ng sarili nilang mga pag-aaral sa Bibliya. (2 Tim. 3:17) Tunay ngang kasiya-siya na gumawang kasama nila sa pagbibigay ng maibiging paanyaya: “Ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad”!—Apoc. 22:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share