-
Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa TeleponoMinisteryo sa Kaharian—2005 | Agosto
-
-
Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono
1, 2. Paano natin maibabagay ang ating programa ng pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya upang matulungan ang abalang mga tao?
1 Abala ang mga tao ngayon. Subalit marami ang interesado sa espirituwal na mga bagay. Paano natin sila matutulungang sapatan ang kanilang espirituwal na pangangailangan? (Mat. 5:3) Maraming mamamahayag ang nakapagdaos ng pag-aaral sa Bibliya sa pintuan o sa telepono. Mapalalawak mo ba ang iyong ministeryo sa ganitong paraan?
2 Upang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya, dapat tayong maging handa na itanghal ang pag-aaral sa Bibliya kapag may pagkakataon. Paano at saan ito maaaring gawin?
3. Bakit magandang itanghal ang pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw, at paano ito magagawa?
3 Sa Pintuan: Kapag may natagpuan kang handang makipag-usap hinggil sa Bibliya, buklatin lamang ang parapong inihanda mo nang patiuna, gaya ng unang parapo sa aralin 1 ng brosyur na Hinihiling, at simulan ang pag-aaral. Basahin ang parapo, isaalang-alang ang tanong, at talakayin ang isa o dalawang tekstong binanggit. Kadalasan, magagawa ito sa mismong pintuan sa loob lamang ng lima hanggang sampung minuto. Kung nagustuhan ng may-bahay ang talakayan, gumawa ng kaayusan upang isaalang-alang ang kasunod na isa o dalawang parapo sa ibang pagkakataon.—Masusumpungan sa Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 6, ang karagdagang mga mungkahi sa paggamit ng tuwirang paglapit upang magpasimula ng mga pag-aaral.
4. Paano tayo makapagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa pintuan kapag dumadalaw-muli?
4 Isang katulad na paraan ang magagamit upang pasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya kapag dumadalaw-muli. Halimbawa, maaari mong ipakita ang brosyur na Hinihiling at itampok ang pangalan ng Diyos, na ginagamit ang aralin 2, parapo 1-2. Sa susunod na pagdalaw, maaari mong talakayin ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa mga katangian ni Jehova, na ginagamit naman ang parapo 3-4. Sa susunod na talakayan, maaari mong isaalang-alang ang parapo 5-6 at ang larawan sa pahina 5 upang itampok kung paanong ang pag-aaral ng Bibliya ay makatutulong sa atin na makilala si Jehova. Ang lahat ng ito ay maaaring gawin habang nakatayo sa pintuan.
5, 6. (a) Bakit maaaring mas gusto ng ilang tao na mag-aral ng Bibliya sa pamamagitan ng telepono? (b) Anong paglapit ang magagamit natin kapag nag-aalok ng pag-aaral sa telepono?
5 Sa Telepono: Maaaring mas gusto ng ilang tao na makipag-aral ng Bibliya sa pamamagitan ng telepono sa halip na sa personal na paraan. Isaalang-alang ang susunod na karanasan: Habang nangangaral sa bahay-bahay, nakilala ng isang sister ang isang ina na may sekular na trabaho. Nang hindi siya matagpuang muli ng sister sa tahanan, nagpasiya ang sister na tawagan ito sa telepono. Ipinaliwanag ng babae na talagang wala siyang panahon na pag-usapan ang Bibliya. Sinabi ng sister: “Sa loob lamang ng 10 o 15 minuto, may bago ka nang matututuhan, kahit sa telepono.” “Aba, OK kung sa telepono!” ang sagot ng babae. Di-nagtagal, isang regular na pag-aaral ang naidaos sa telepono.
6 Gusto kaya ng ilan sa mga dinadalaw mo na mag-aral sa pamamagitan ng telepono? Maaari mong subukan ang inilarawang paglapit, o maaari mo lamang sabihin: “Kung nais mo, maaari nating talakayin ang Bibliya sa telepono. Okey ba iyan sa iyo?” Kung ibabagay natin ang ating programa ng pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya ayon sa kalagayan ng iba, maaari natin silang matulungan na “masumpungan . . . ang mismong kaalaman sa Diyos.”—Kaw. 2:5; 1 Cor. 9:23.
-
-
Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga MagasinMinisteryo sa Kaharian—2005 | Agosto
-
-
Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Dahil sa masaklap na kamatayan ng isang mahal sa buhay, marami ang nag-iisip kung ano ang nangyayari kapag namatay ang isa. Sa palagay mo kaya’y posibleng maunawaan natin ang kamatayan? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kalagayan ng mga patay. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Diyos na bubuhayin niyang muli ang ating namatay na mga minamahal.” Basahin ang Juan 5:28, 29.
Gumising! Agos. 22
“Alam mo bang ang turismo ang numero unong pinagmumulan ng trabaho sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Ang pag-unlad ng turismo ay nagdulot kapuwa ng pakinabang at problema. Sinusuri ng magasing ito ang positibo at negatibong mga epekto ng makabagong industriya ng turismo. Nagbibigay rin ito ng praktikal na mga tip para sa mga naglalakbay patungo sa ibang bansa.”
Ang Bantayan Set. 1
“Sa daigdig ngayon, ang pagkamatapat ay isang kaayaayang katangian na mas madalas na pinupuri kaysa isinasagawa. Hindi ba’t maganda kung mas maraming tao ang magiging gaya ng kaibigang inilarawan dito? [Basahin ang Kawikaan 17:17. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga kapakinabangan ng pagiging matapat sa ating pamilya at mga kaibigan.”
Gumising! Set. 8
“Marahil ay napapahanga ka sa pagtutulungang umiiral sa kalikasan. [Banggitin ang isa sa mga halimbawang binanggit sa artikulo.] Hindi ba nakalulungkot na walang gaanong pagtutulungan sa pagitan ng mga tao? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito na di-magtatagal, paiiralin ng Diyos ang kapayapaan at pagkakaisa sa ating lupa.” Basahin ang Isaias 11:9.
-