-
Iskedyul ng Pulong sa PaglilingkodMinisteryo sa Kaharian—2005 | Setyembre
-
-
Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Setyembre 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 15 ng Bantayan at Setyembre 22 ng Gumising!
15 min: “Gamitin Nang May Katalinuhan ang Iyong Panahon.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano sila nag-iiskedyul ng panahon sa pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Pasiglahin ang mga pamilya at indibiduwal na gamitin ang insert ng Mayo 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa pag-iiskedyul ng espirituwal na mga gawain.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 12.”b Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang mamamahayag hinggil sa kung ano ang nakatulong sa kanila na sumulong sa pagpapasimula at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya.
Awit 110 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 19
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Ano ang Naisakatuparan Natin Noong Nakaraang Taon? Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang nakalipas na taon ng paglilingkod, anupat nagtutuon ng pansin sa nakapagpapasiglang mga bagay na naisagawa sa ministeryo. Magbigay ng angkop na komendasyon. Banggitin ang isa o dalawang pitak na kailangang bigyang-pansin sa darating na taon. Magkomento sa gawain ng mga payunir at papurihan ang kanilang mahusay na paggawa. Ilahad ang magagandang resultang natamo sa pagsisikap na tulungan ang mga di-aktibo.
15 min: “Pagpapatotoo Nang Walang Salita.”c Anyayahan ang piniling mga mamamahayag na magkomento kung paanong ang pagmamasid sa mainam na paggawi ng bayan ng Diyos ay nakatulong sa kanila na maging mga lingkod ni Jehova.
Awit 199 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Ipahayag ang Mabuting Balita sa Pamamagitan ng mga Magasin. Sa Oktubre, iaalok natin Ang Bantayan at Gumising! Una, talakayin ang sumusunod na mga mungkahi mula sa Pebrero 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8, parapo 3-6: (1) Magkasamang ialok ang mga magasin. (2) Mag-iskedyul ng isang araw bawat linggo upang makibahagi sa gawaing pagmamagasin. (3) Magtakda ng personal na tunguhing makapagpasakamay ng mga magasin bawat buwan. (4) Samantalahin ang bawat angkop na pagkakataong makapag-alok ng mga magasin. (5) Mabisang gamitin ang matatagal nang mga isyu. Ikapit sa lokal na kalagayan ang mga mungkahing ito. Pagkatapos, itanghal kung paano ihaharap ang Oktubre 1 ng Bantayan at Oktubre 8 ng Gumising! gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa buwang ito.
Awit 3 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 3
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Tulungan ang Iba na Maging ‘Masunurin Mula sa Puso.’ ”d Hangga’t ipinahihintulot ng panahon, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga kasulatan.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya.”e Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa bahagi 1 at 2 ng insert. Maaari ring tingnan ang Agosto 2004 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1. Bakit mahalaga na lubusang maghanda sa tuwing magdaraos ka ng pag-aaral sa Bibliya? Ano ang nasasangkot dito? Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano nila ikinapit ang mga mungkahing inilaan. Bilang konklusyon, komentuhan ang kinulayang kahon sa itaas ng unang pahina ng insert.
Awit 170 at pansarang panalangin.
-
-
Mga PatalastasMinisteryo sa Kaharian—2005 | Setyembre
-
-
Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kung tanggihan ng mga may-bahay ang alok na aklat, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Nobyembre: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Oktubre, ito ay magandang buwan upang mag-auxiliary pioneer.
◼ Ipinaaalaala sa matatanda na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 21-3, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na maaaring nagnanais nang makabalik.
◼ Paalaala sa mga Kalihim ng Kongregasyon: Ang mga ulat ng mga mamamahayag sa paglilingkod sa larangan na hindi naisama sa ipinadalang ulat ng kongregasyon sa tanggapang pansangay ay dapat isama sa ulat ng kongregasyon para sa susunod na buwan. Halimbawa, kung huli nang naibigay ng isang mamamahayag ang kaniyang ulat para sa Hulyo pero naibigay naman niya sa takdang panahon ang kaniyang ulat para sa Agosto, ang lahat ng kaniyang isinagawang paglilingkod ay ilalakip sa ulat ng kongregasyon para sa Agosto. Ituturing ba itong dalawang mamamahayag para sa Agosto? Oo, dahil hindi siya naisama sa bilang ng mamamahayag sa buwan ng Hulyo. Ang kaniyang dalawang ulat ay ibibilang na dalawang mamamahayag upang mapunan ang nawawalang ulat sa buwan ng Hulyo.
-
-
Ulat ng Paglilingkod Noong MayoMinisteryo sa Kaharian—2005 | Setyembre
-
-
Ulat ng Paglilingkod Noong Mayo
Abe. Abe. Abe. Abe.
Bilang ng: Oras Mag. P-M. P.B.
Sp. Pio. 333 111.5 35.6 45.0 7.4
Reg. Pio. 19,366 56.1 13.6 16.3 2.9
Aux. Pio. 11,694 41.2 10.8 8.5 1.4
Mam. 115,048 9.1 3.2 2.3 0.4
KAB. BLG. 146,441 Nabautismuhan: 372
-