Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/06 p. 3
  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 10/06 p. 3

‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’

1 Sa nalalapit ng mga pandistritong kombensiyon, gumugol ng malaking panahon at pagsisikap upang maihanda ang isang programang tutugon sa mga pangangailangan ng pandaigdig na kapatiran. Kung ikakapit, ang espirituwal na turong ibibigay ay tutulong sa atin na mapanatili ang magandang kaugnayan kay Jehova. Talagang may magandang dahilan tayo para ‘makinig at kumuha ng higit pang turo.’—⁠Kaw. 1:⁠5.

2 Ihanda ang Iyong Puso: “Inihanda ni Ezra ang kaniyang puso upang sumangguni sa kautusan ni Jehova at upang magsagawa niyaon.” (Ezra 7:10) Paano natin maihahanda ang ating puso upang makuha ang turong ibinibigay ni Jehova? Kapag nakakuha ka na ng nakaimprentang programa sa kombensiyon, repasuhin ang pamagat ng iba’t ibang bahaging nakatala at tanungin ang sarili: ‘Ano kaya ang sinasabi sa akin ni Jehova sa programang ito? Paano ko kaya magagamit ang impormasyon upang makinabang ako at ang aking pamilya? (Isa. 30:21; Efe. 5:17) Patuloy na itanong ang mga ito sa panahon ng kombensiyon.

3 Makinig at Magbulay-bulay: Pinuri ni Jesus si Maria dahil sa matamang pakikinig sa kaniyang mga salita, na sinasabi: “Pinili ni Maria ang mabuting bahagi, at hindi ito kukunin sa kaniya.” (Luc. 10:39, 42) Kung ganiyan din ang ating saloobin, hindi natin hahayaang magambala tayo ng maliliit na bagay. Kapag nagsisimula na ang programa, iyon ay “panahon ng pagtahimik” at pakikinig. (Ecles. 3:7) Dapat nating tiyakin na nakaupo na tayo at matamang nakikinig sa buong programa. Ano ang makatutulong sa atin na mapaglabanan ang hilig na magpagala-gala ang isipan? Panatilihing nakatuon ang mata sa tagapagsalita. Subaybayan sa iyong sipi ng Bibliya ang pagbasa ng mga teksto at panatilihing nakabukas ang iyong Bibliya habang tinatalakay ang mga ito.

4 Kapag nakikinig tayo sa mga pahayag, makabubuting kumuha ng maiikling nota upang matulungan tayong magtuon ng pansin. Dapat nating iugnay ang ating naririnig sa dati na nating alam. Tutulungan tayo nito na maunawaan at matandaan ang materyal. Sa gabi, bago matulog, bakit hindi repasuhin ang iyong mga nota at suriin kung nasusunod mong mabuti ang daan ni Jehova ukol sa buhay.—⁠Kaw. 4:10-13.

5 Ikapit ang Iyong Natututuhan: Bagaman tiyak na makapagpapatibay sa iyo at sa iyong pamilya ang programa, hindi sapat na basta umuwi tayong napatibay at napaginhawa. Ang sabi ni Jesus: “Kung alam ninyo ang mga bagay na ito, maligaya kayo kung gagawin ninyo ang mga iyon.” (Juan 13:17) Dapat nating pagsikapang gawin ang mga puntong kapit sa atin mismo. (Fil. 4:⁠9) Ito ang susi sa ‘pagkuha ng higit pang turo.’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share