Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/07 p. 3
  • ‘Gumawa ng Mabuti sa Lahat’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Gumawa ng Mabuti sa Lahat’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 4/07 p. 3

‘Gumawa ng Mabuti sa Lahat’

1 Sa Marso 2006 isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pinasigla tayong gumawa ng karagdagang pagsisikap upang tulungan ang mga taong interesado na dumalo sa Memoryal, gamit ang bagong imbitasyon. Dahil dito, tiyak na maraming baguhan at di-aktibo ang dumalo sa okasyong iyon. Ngayon naman, “habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito, [patuloy na] gumawa tayo ng mabuti sa lahat.”—Gal. 6:10.

2 Anyayahan Silang Dumalong Muli: Sa Pilipinas, mahigit 300,000 katao na hindi mga mamamahayag ng mabuting balita ang dumadalo sa Memoryal taun-taon. Ano ang maaari nating gawin upang pasiglahin ang mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan” na maging “mga mananampalataya”? (Gawa 13:48) Himukin sila agad na dumalo nang regular sa mga pulong ng kongregasyon.

3 Bakit hindi anyayahan ang isang taong interesado na dumalo sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat upang marinig ang kapana-panabik na talakayan tungkol sa aklat ng Apocalipsis? Kung ikaw ay kamag-anak o kakilala ng taong iyon at ikaw ay nakaiskedyul nang magbigay ng pahayag sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, maaari mo siyang anyayahang dumalo at makinig sa iyong bahagi. Laging sabihin sa kaniya ang pamagat ng mga pahayag pangmadla na ibibigay sa susunod na mga linggo. (Dapat ipaskil sa information board ang pinakabagong iskedyul.) Sabihin pa, kung hindi pa siya nakikipag-aral ng Bibliya sa kaninuman, buong-kabaitan mo siyang alukin ng pag-aaral.

4 Patuloy na Pasiglahin ang mga Di-aktibo: Maraming dumadalo sa Memoryal ang nakapag-alay na kay Jehova. Gayunman, dumating ang panahon na tumigil na sila sa aktibong pangangaral ng mabuting balita. Si Pablo ay nagpayo sa atin na “gumawa tayo ng mabuti . . . lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.” (Gal. 6:10) Kaya dapat na pangunahing pagtuunan ng pansin ang mga di-aktibo.

5 Marahil ay may ilan nang tumugon sa pagpapasigla ng matatanda na muling makibahagi sa ministeryo. Kung ikaw ay inatasan ng matatanda na samahan ang isang muling naging aktibong mamamahayag, tandaan na ang iyo mismong pag-ibig kay Jehova at sa ministeryo sa larangan ang tutulong sa kaniya na magkaroon ng kumpiyansa. Ipakita sa kaniya kung paano mo ginagawa ang iba’t ibang bahagi ng ministeryo upang maging maligaya siya rito, at sa gayon ay maging regular sa gawaing ito at tumanggap ng maraming pagpapala.

6 Tulungang Magkaroon ng Magandang Pasimula ang mga Bagong Mamamahayag: Kung ang nakikipag-aral sa iyo ng Bibliya ay aprobado na ngayon na magsimulang maglingkod sa larangan, alalayan siya upang magkaroon ng magandang pasimula. Tulungan siyang magkaroon ng rutin sa paghahanda at paglabas sa ministeryo sa larangan linggu-linggo.

7 Kung ang iyong anak ay naging di-bautisadong mamamahayag, samahan siya upang sumulong ayon sa kaniyang edad at kakayahan. Sa kaunting tulong mo, baka magulat ka sa husay niya sa pakikipag-usap sa iba, pagbabasa ng Bibliya, at pag-aalok ng literatura. Kapag nakasumpong siya ng interesadong tao sa larangan, sanayin siya sa pagdalaw-muli at pagsubaybay sa interes.

8 Palawakin ang Iyong Ministeryo: Ayon sa iyong kalagayan, mapasusulong mo pa ba ang iyong pakikibahagi sa pag-eebanghelyo kahit tapos na ang Abril at Mayo? Kung ikaw ay nasisiyahan sa pag-o-auxiliary pioneer sa buwang ito, napag-isip-isip mo na bang gawin ito nang tuluy-tuloy, o maging regular pioneer pa nga? Tandaan na kapag mas marami tayong oras na ginugugol sa ministeryo, mas marami tayong matutulungang tumanggap ng katotohanan. (Gawa 8:26-39) Habang nakatingin tayo sa mga araw na darating, ‘lagi nating itaguyod kung ano ang mabuti sa isa’t isa at sa lahat ng iba pa.’—1 Tes. 5:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share