-
Mga Pambungad na Magagamit sa Ministeryo sa LaranganNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
● ‘Magandang umaga po. Ang pangalan ko’y ——. Ang dahilan ng pagparito ko ay upang ipakipag-usap sa inyo ang mga pagpapala ng Kaharian ng Diyos at kung papaano natin ito maaaring tamasahin. Subali’t nakikita kong abala kayo (o, papaalis kayo). Puwede ko bang ibahagi sa inyo ang isang maikling punto?’
SA TERITORYONG MADALAS MAGAWA
● ‘Mabuti at nadatnan ko kayo sa bahay. Gumagawa kami ng lingguhang pagdalaw sa inyong pook, at mayroon kaming karagdagang punto na gustong ibahagi sa inyo tungkol sa kagilagilalas na bagay na gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa sangkatauhan.’
● ‘Kumusta kayo. Nagagalak akong makita kayong muli. . . . Sana ay walang nagkakasakit sa inyong pamilya . . . Dumaan lamang ako sandali para ibahagi sa inyo ang isang punto tungkol sa . . . ’
● ‘Magandang umaga po. Kumusta kayo? . . . Talagang hinihintay ko ang pagkakataong ito para muli kayong makausap. (Pagkatapos ay banggitin ang ispesipikong paksa na gusto ninyong ipakipag-usap.)’
-
-
Kung Papaano Ninyo Maaaring Sagutin ang Mga PagtutolNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Kung Papaano Ninyo Maaaring Sagutin ang Mga Pagtutol
Mga komento: Ang mga pag-asa ng tao ukol sa buhay ay salig sa kanilang saloobin sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Kaharian sa pamamagitan ni Kristo Jesus. Kapanapanabik ang mensahe ng Kaharian ng Diyos, at umaakay ito sa tanging mapanghahawakang pag-asa ukol sa sangkatauhan. Ito’y isang mensahe na bumabago sa buhay. Gusto natin na lahat ay makarinig nito. Batid natin na kaunti lamang ang tatanggap dito nang may pagpapahalaga, subali’t alam natin na kahit papaano’y dapat marinig ito ng mga tao upang sila ay makagawa ng may-kabatirang pagpapasiya. Gayunman hindi lahat ay handang makinig, at hindi natin sinisikap na sila ay pilitin. Subali’t sa pamamagitan ng unawa ay posibleng ibaling ang mga pagtutol tungo sa mga pagkakataon ukol sa higit pang pag-uusap. Narito ang ilang halimbawa na ginamit ng may-karanasang mga Saksi sa pagsisikap nila na hanapin ang mga karapatdapat. (Mat. 10:11) Hindi namin iminumungkahi na inyong isaulo ang alinman sa mga tugon na ito kundi sikaping itanim ang ideya sa inyong isipan, sabihin ito sa inyong sariling pananalita at ipahayag ito sa paraan na nagpapaaninaw ng taimtim na interes sa taong inyong kausap. Sa paggawa nito, makapagtitiwala kayo na makikinig yaong mga may matuwid na puso at tutugon nang may pagpapahalaga sa ginagawa ni Jehova sa pag-akay sa kanila tungo sa kaniyang maibiging mga paglalaan ukol sa buhay.—Juan 6:44; Gawa 16:14.
‘HINDI AKO INTERESADO’
● ‘Nangangahulugan po ba na hindi kayo interesado sa Bibliya, o ang relihiyon sa pangkalahatan ang hindi nakapagdudulot-interes sa inyo? Tinatanong ko ito sapagka’t marami na kaming nakausap na dati’y mga relihiyoso subali’t ngayo’y hindi na nagsisimba sapagka’t marami silang nakikitang pagpapaimbabaw sa mga simbahan (o, inaakala nila na ang relihiyon ay negosyo lamang; o, hindi sila sumasang-ayon sa pakikilahok ng simbahan sa politika; atb.). Hindi rin sinasang-ayunan ng Bibliya ang mga gawaing ito at ito ay naglalaan ng tanging saligan upang tayo ay makatingin sa hinaharap nang may pagtitiwala.’
● ‘Kung ang gusto ninyong sabihin ay hindi kayo interesado sa ibang relihiyon, ay nauunawaan ko iyan. Subali’t malamang na kayo ay interesado sa mangyayari sa kinabukasan yamang may banta ng digmaang nukleyar (o, kung papaano natin maipagsasanggalang ang ating mga anak laban sa pag-aabuso sa droga; o, kung ano ang magagawa tungkol sa krimen upang huwag na tayong mangamba sa paglakad sa mga lansangan; atb.) May natatanaw ba kayong pag-asa ukol sa isang tunay na solusyon?’
● ‘Ito po ba ay dahil sa mayroon na kayong relihiyon? . . . Buweno, darating kaya ang panahon na lahat ng tao ay magkakaroon na lamang ng iisang relihiyon? . . . Ano kaya ang nakakahadlang dito? . . . Upang ito ay maging makahulugan, anong saligan ang dapat nitong taglayin?’
● ‘Nauunawaan ko kayo. Noong mga nakaraang taon ay ganiyan din ang nadama ko. Pero may nabasa ako sa Bibliya na tumulong sa akin na tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa ibang pangmalas. (Ipakita sa kaniya kung ano yaon.)’
● ‘Magiging interesado kaya kayo kung maipakikita ko sa inyo mula sa Bibliya kung papaano ninyo muling makikita ang inyong namatay na mahal sa buhay? (o, kung ano ang tunay na layunin ng buhay; o, kung papaano ito tutulong upang magkaisa ang ating mga pamilya; atb.)?’
● ‘Kung ang gusto ninyong sabihin ay hindi kayo interesado sa pagbili ng anoman, ay huwag po kayong mag-alala. Hindi ako nangangalakal. Subali’t magiging interesado ba kayo na mabuhay sa isang paraisong lupa, ligtas sa sakit at krimen, sa piling ng mga kapitbahay na talagang nagmamahal sa inyo?’
● ‘Ito po ba ang karaniwan ninyong sagot kapag dumadalaw ang mga Saksi ni Jehova? . . . Napag-isip-isip na ba ninyo kung bakit patuloy kaming dumadalaw at kung ano ang gusto naming sabihin? . . . Sa maikli, ang dahilan ng pagdalaw ko sa inyo ay sapagka’t may nalalaman ako na dapat din ninyong malaman. Subukan ninyong makinig kahit na minsan lamang.’
‘HINDI AKO INTERESADO SA RELIHIYON’
● ‘Nauunawaan ko ang inyong damdamin. Ang totoo, walang nagawa ang mga simbahan upang ang daigdig na ito ay maging isang ligtas na dako upang tirahan, hindi po ba? . . . Mula’t sapol ba’y ganito na ang inyong nadadama? . . . Subali’t naniniwala naman po ba kayo sa Diyos?’
● ‘Maraming tao na ganiyan din ang pangmalas. Hindi talaga sila natulungan ng relihiyon. Ito ang dahilan kung bakit kami dumadalaw—sapagka’t hindi sinabi ng mga simbahan sa mga tao ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang kamanghamanghang layunin ukol sa tao.’
● ‘Subali’t natitiyak kong interesado kayo sa inyong sariling kinabukasan. Alam ba ninyo na inihula ng Bibliya ang mismong mga kalagayan na umiiral sa daigdig ngayon? . . . At ipinakikita nito kung ano ang magiging kalalabasan.’
● ‘Mula’t sapol ba’y ganito na ang inyong nadadama? . . . Ano ang nadadama ninyo tungkol sa hinaharap?’
‘HINDI AKO INTERESADO SA MGA SAKSI NI JEHOVA’
● ‘Marami ang nagsasabi sa amin nang ganiyan. Napag-isip-isip na ba ninyo kung bakit ang mga taong katulad ko ay kusang-loob na gagawa ng ganitong mga pagdalaw kahit alam namin na karamihan ng mga maybahay ay hindi tatanggap? (Ibigay ang buod ng Mateo 25:31-33, na ipinaliliwanag na pinagbubukud-bukod ngayon ang mga tao sa lahat ng bansa at na ang pagtugon nila sa pabalita ng Kaharian ay isang mahalagang salik dito. O kaya’y banggitin ang buod ng Ezekiel 9:1-11, na ipinaliliwanag na, salig sa tugon ng mga tao sa pabalita ng Kaharian, bawa’t isa ay “tinatandaan” ukol sa kaligtasan sa malaking kapighatian o ukol sa paglipol ng Diyos.)’
● ‘Nauunawaan ko kayo, sapagka’t ganito rin ang nadadama ko noong una. Subali’t, bilang pagbibigay-galang, minsan ay ipinasiya kong makinig sa kanila. At natuklasan ko na hindi pala totoo ang nasabi sa akin ng iba tungkol sa kanila. (Banggitin ang isang karaniwang maling paratang at ipaliwanag kung ano ang paniwala natin.)’
● ‘Hindi pa natatagalan ay ganiyan din ang sinabi ko sa isang Saksi na dumalaw sa aming tahanan. Nguni’t bago siya umalis ay nagbangon ako ng tanong na sa akala ko’y hindi niya masasagot. Gusto ba ninyong malaman kung ano yaon? . . . (Bilang halimbawa: Saan kinuha ni Cain ang kaniyang asawa)’ (Dapat gamitin niyaong aktuwal na nagkaroon ng ganitong karanasan.)
● ‘Kung kayo’y taong relihiyoso, nauunawaan ko kayo. Walang alinlangan na mahalaga sa inyo ang inyong relihiyon. Subali’t naniniwala ako na sasang-ayon kayo na tayo ay kapuwa interesado sa (bumanggit ng isang angkop na paksa.)’
● ‘Kung gayo’y tiyak na may sarili kayong relihiyon. Puwede po bang malaman kung ano ang inyong relihiyon? . . . Nasisiyahan kaming makipag-usap sa mga kapananampalataya ninyo. Ano ang nadadama ninyo tungkol sa (banggitin ang inyong paksang pag-uusapan)?’
● ‘Opo, nauunawaan ko kayo. Subali’t ang dahilan kung bakit kami ay dumadalaw ay sapagka’t bilang isang pamilya gusto naming makita ang mga tao na namumuhay nang samasama sa kapayapaan. Sawang-sawa na kami sa mga balita gabi-gabi tungkol sa pagdidigmaan at pagdurusa. Sa palagay ko’y ganoon din kayo. . . . Subali’t ano kaya ang makapagpapabago sa kalagayan? . . . Nakasumpong kami ng pampatibay-loob sa mga pangako ng Bibliya.’
● ‘Pinasasalamatan ko ang inyong katapatan. Puwede po bang malaman kung ano ang hindi ninyo nagugustuhan sa amin? Yaon po ba ay ang sinasabi namin mula sa Bibliya, o iyon ba’y ang pagpunta namin dito sa inyo?’
‘MAYROON NA AKONG SARILING RELIHIYON’
● ‘Puwede po bang malaman, Itinuturo ba ng inyong relihiyon na darating ang panahon na lahat ng taong umiibig sa katuwiran ay mabubuhay sa lupa magpakailanman? . . . Hindi po ba nakakaakit ang katotohanang ito? . . . Narito po iyon mismo sa Bibliya. (Awit 37:29; Mat. 5:5; Apoc. 21:4)’
● ‘Sumasang-ayon po ako na tungkol dito bawa’t tao ay dapat gumawa ng kaniyang sariling pasiya. Subali’t alam po ba ninyo na ang Diyos ay may hinahanap na uri ng mga tao na nais niyang maging kaniyang tunay na mga mananamba? Pansinin ito sa Juan 4:23, 24. Ano kaya ang gustong sabihin ng pagsamba sa Diyos “sa katotohanan”? . . . Ano ba ang ibinigay sa atin ng Diyos upang malaman kung alin ang totoo at kung alin ang hindi totoo? . . . (Juan 17:17) At pansinin kung gaano kahalaga ito sa bawa’t isa sa atin. (Juan 17:3)’
● ‘Mula’t sapol ba’y relihiyoso ba kayo? . . . Sa palagay ninyo magkakaisa kaya ang buong sangkatauhan sa iisa lamang relihiyon? . . . Pinag-ukulan ko ito ng dibdibang pagsasaalang-alang dahil sa nakaulat dito sa Apocalipsis 5:13. . . . Ano po ba ang kailangan upang tayo’y mapabilang dito?’
● ‘Talaga pong inaasahan kong makatagpo ang isang taong gaya ninyo na interesado sa espirituwal na mga bagay. Marami sa ngayon ang hindi interesado. Ano po ba ang inyong nadadama tungkol sa pangako ng Bibliya na lahat ng kasamaan ay aalisin ng Diyos at ang lupang ito ay tatahanan lamang ng mga taong umiibig sa katuwiran? Ito po ba’y umaakit sa inyo?’
● ‘Aktibo po ba kayo sa mga gawain ng inyong simbahan? . . . Lagi po bang marami ang dumadalo sa inyong mga pagtitipon? . . . Napapansin po ba ninyo kung ang mga miyembro ay talagang nagpapakita ng taimtim na pagnanais na ikapit ang Salita ng Diyos sa araw-araw na buhay? (O, Natuklasan po ba ninyo na nagkakaisa ang isipan ng mga miyembro hinggil sa solusyon sa mga problema na napapaharap ngayon sa daigdig?) Natuklasan namin na nakakatulong ang personal na pagtuturo ng Bibliya sa tahanan.’
● ‘Maliwanag po na nasisiyahan kayo sa inyong relihiyon. Subali’t karamihan ng tao ay hindi nasisiyahan sa mga kalagayan sa daigdig. Marahil ay totoo rin ito sa inyo; ganoon po ba? . . . Saan kaya hahantong ang lahat ng ito?’
● ‘Kayo po ba’y nasisiyahan sa pagbasa ng Bibliya? . . . Nakakasumpong po ba kayo ng panahon para basahin ito nang palagian?’
● ‘Pinasasalamatan ko ang pagsasabi ninyo sa akin nito. Natitiyak kong sasang-ayon kayo na, anoman ang ating relihiyosong pinagmulan, tayong lahat ay interesadong-interesado sa kapayapaan ng daigdig (o, kung papaano ipagsasanggalang ang ating mga anak laban sa masasamang impluwensiya; o, sa pagkakaroon ng isang komunidad na kung saan ang mga tao ay talagang nagmamahalan sa isa’t-isa; o, sa pagtatamasa ng mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang tao, at ito ay naghaharap ng hamon kapag ang bawa’t isa ay nakakadama na siya’y ginigipit.)’
● ‘Nagagalak akong malaman na kayo ay may hilig sa relihiyon. Marami sa ngayon ang hindi seryoso sa kanilang relihiyon. Ang iba’y naniniwala pa man din na walang Diyos. Subali’t, ayon sa naituro sa inyo, ano bang uri ng persona ang Diyos? . . . Pansinin na binabanggit ng Bibliya ang kaniyang personal na pangalan. (Exo. 6:3; Awit 83:18)’
● ‘Nang isugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad upang mangaral, sinabi niyang pumaroon sila sa buong lupa, kaya makakausap nila ang maraming tao na may naiibang relihiyon. (Gawa 1:8) Subali’t alam niya na yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ay makikinig. Ano ba ang partikular na mensahe na sinabi niyang dapat ipahayag para sa ating kaarawan? (Mat. 24:14) Ano ang kahulugan sa atin ng Kahariang yaon?’
‘MGA KRISTIYANO NA KAMI DITO’
● ‘Nagagalak akong malaman iyan. Kung gayo’y nalalaman ninyo na ginampanan din ni Jesus ang ganitong gawain, ang pagdalaw sa mga tao sa kanilang tahanan, at inatasan din niya ang kaniyang mga alagad na gawin ito. Pamilyar ba kayo sa tema ng kanilang pangangaral? . . . Iyon po ang aming layunin sa pagsadya dito ngayon. (Luc. 8:1; Dan. 2:44)’
● ‘Kung gayo’y natitiyak ko na pinahahalagahan ninyo ang kaselangan ng sinabi ni Jesus sa Sermon sa Bundok. Siya’y naging tahasan subali’t maibigin nang sabihin niya . . . (Mat. 7:21-23) Kaya ang tanong na dapat nating iharap sa sarili ay, Gaano kabuti ang pagkaalam ko hinggil sa kalooban ng makalangit na Ama? (Juan 17:3)’
‘AKO’Y ABALA’
● ‘Kung gayo’y hindi ako magtatagal. Dumalaw ako upang ibahagi sa inyo ang isang mahalagang punto lamang. (Banggitin ang buod ng inyong paksang pag-uusapan sa loob ng dalawang pangungusap.)’
● ‘Buweno, dadalaw na lamang ako sa ibang panahon, kapag kumbinyente na sa inyo. Subali’t bago ako umalis, gusto ko lamang basahin ang isang kasulatan na talagang naglalaan sa atin ng bagay na mahalagang pag-ukulan ng pansin.’
● ‘Nauunawaan ko kayo. Bilang isang ina, (o, manggagawa; o, estudyante) kulang-na-kulang din ang aking panahon. Kaya sandali lamang ako. Lahat tayo ay napapaharap sa malubhang situwasyon. Ipinakikita ng Bibliya na napakalapit na natin sa panahon ng paglipol ng Diyos sa kasalukuyang masamang pamamalakad. Subali’t may mga makaliligtas. Ang tanong ay, Ano ang dapat nating gawin upang mapabilang sa kanila? Sinasagot ng Bibliya ang tanong na ito. (Zef. 2:2, 3)’
● ‘Alam ninyo, iyan ang mismong dahilan kung bakit ako ay dumadalaw. Lahat tayo’y abala—lubhang abala anupa’t ang talagang mahahalagang bagay sa buhay ay madalas na nakakaligtaan, hindi po ba? . . . Hindi po ako magtatagal, subali’t natitiyak kong magiging interesado kayo sa isang tekstong ito. (Luc. 17:26, 27) Sinoman sa atin ay hindi gustong mapunta sa gayong kalagayan, hindi po ba, kaya dapat tayong maglaan ng panahon mula sa ating magawaing iskedyul upang isaalang-alang kung ano ang sinasabi ng Bibliya. (Mag-alok ng babasahin.)’
● ‘Mas magiging kumbinyente po ba kung babalik kami pagkaraan ng kalahating oras, pagkatapos dalawin ang iba pa ninyong kapitbahay?’
● ‘Kung gayo’y hindi ko kayo aantalain. Sa ibang araw na lamang ako dadalaw. Subali’t bago ako umalis, gusto kong makakuha kayo ng pantanging alok na ito. (Itanghal ang alok sa buwang ito.) Ang lathalaing ito ay naglalaman ng isang kurso sa pag-aaral na magtuturo sa inyo sa sariling sagot ng Bibliya sa mga tanong na gaya ng (bumanggit lamang ng isa o dalawa.)’
● ‘Pasensiya na kayo kung nadatnan ko kayo sa alanganing panahon. Gaya ng alam marahil ninyo, isa ako sa mga Saksi ni Jehova. At gusto kong ibahagi sa inyo ang isang mahalagang punto mula sa Bibliya. Subali’t yamang wala kayong panahon para makinig ngayon, marahil ay maaari kong iwan sa inyo ang bago naming mga magasin, na tumatalakay sa (banggitin ang paksa). Puwede ninyo itong basahin kapag may panahon na kayo. Iniiwan namin ito sa maliit na abuloy na . . . ’
● ‘Nauunawaan ko iyan. Waring kulang-na-kulang ang panahon para gawin ang lahat ng bagay. Subali’t napag-isip-isip na ba ninyo kung ano ang magiging kalagayan kung tayo ay mabubuhay magpakailanman? Alam kong tila kakatwa ito. Subali’t hayaan ninyong maipakita ko sa inyo ang isang teksto sa Bibliya na nagpapaliwanag kung papaano posibleng mangyari ang bagay na ito. (Juan 17:3) Kaya, ang kailangan nating gawin ngayon ay ang kumuha ng kaalamang ito tungkol sa Diyos at sa kaniyang Anak. Kaya nag-iiwan kami ng ganitong babasahin.’
‘BAKIT BA NAPAKADALAS NINYONG DUMALAW?’
● ‘Sapagka’t naniniwala kami na tayo ay nabubuhay na sa mga huling araw na tinutukoy sa Bibliya. Nadadama namin na mahalaga sa ating lahat na isipin kung ano ang magiging kahihinatnan ng kasalukuyang mga kalagayan. (Bumanggit ng isa o dalawang kasalukuyang kalagayan o pangyayari.) Ang tanong ay, Ano ang dapat nating gawin upang makaligtas sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay?’
● ‘Sapagka’t minamahal namin ang Diyos at ang aming kapuwa. Ito ang dapat gawin nating lahat, hindi po ba?’
‘ALAM-NA-ALAM KO NA ANG INYONG GAWAIN’
● ‘Nagagalak akong marinig iyan. Mayroon ba kayong malapit na kamag-anak o kaibigan na isang Saksi? . . . Makapagtanong lamang po: Naniniwala ba kayo sa itinuturo namin mula sa Bibliya, na tayo ay nabubuhay na sa “mga huling araw,” na malapit nang wakasan ng Diyos ang mga balakyot, at na ang lupang ito ay magiging isang paraiso na kung saan ang mga tao ay mabubuhay magpakailanman sa sakdal na kalusugan sa gitna ng mga kapitbahay na nagmamahalan sa isa’t-isa?’
‘WALA KAMING PERA’
● ‘Hindi kami nangingilak ng salapi. Nag-aalok kami ng walang bayad na pag-aaral sa Bibliya sa tahanan. Isa sa mga paksang tatalakayin dito ay (gumamit ng isang kabanata mula sa kasalukuyang publikasyon). Puwede po bang makahingi ng ilang minuto para maipakita sa inyo kung papaano ito ginagawa? Wala pong bayad ito.’
● ‘Talaga pong mahirap ngayon ang panahon. Pero interesado kami sa mga tao, hindi sa kanilang pera. (Ipagpatuloy ang pag-uusap. Pagkatapos ialok ang babasahin, sabihin sa kanila na natatandaan ninyong sinabi nila na wala silang pera ngayon. Kung angkop, maaari ninyong ipagpalit ang babasahin sa ibang produkto o kaya’y sabihin sa kanila na magagalak kayong kunin ang kanilang pidido at saka na kayo babalik sa panahong kumbinyente.)’
KAPAG MAY NAGSABING, ‘AKO’Y ISANG BUDDHISTA’
● Huwag ninyong ipasiya na ang mga paniwala ng taong ito ay kagaya ng paniwala ng lahat ng Buddhista. Ang mga turong Buddhista ay malabo at
-