Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2004 | Hulyo 15
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      Ano ang inilalarawan ng kaayusan ng taon ng Jubileo na binabanggit sa ika-25 kabanata ng Levitico?

      Itinakda ng Kautusang Mosaiko na “sa ikapitong taon ay magkakaroon ng isang sabbath ng lubusang kapahingahan para sa lupain.” May kinalaman sa taóng iyon, pinag-utusan ang mga Israelita: “Ang iyong bukid ay huwag mong hahasikan ng binhi, at ang iyong ubasan ay huwag mong pupungusan. Ang sumibol mula sa mga natapong butil ng iyong ani ay huwag mong gagapasin, at ang mga ubas ng iyong di-napungusang punong ubas ay huwag mong titipunin. Magkakaroon ng isang taon ng lubusang kapahingahan para sa lupain.” (Levitico 25:4, 5) Samakatuwid, magiging isang taon ng Sabbath para sa lupain ang bawat ikapitong taon. At tuwing ika-50 taon, kasunod ng taon ng ikapitong taon ng Sabbath, ito ay magiging isang Jubileo. Ano ang mangyayari sa taóng iyon?

      Sinabi ni Jehova sa Israel sa pamamagitan ni Moises: “Pababanalin ninyo ang ikalimampung taon at maghahayag kayo ng paglaya sa lupain sa lahat ng tumatahan dito. Ito ay magiging isang Jubileo para sa inyo, at ibabalik ninyo ang bawat isa sa kaniyang pag-aari at ibabalik ninyo ang bawat isa sa kaniyang pamilya. Magiging isang Jubileo para sa inyo ang ikalimampung taóng iyon. Huwag kayong maghahasik ng binhi ni gagapasin man ninyo ang sumibol sa lupain mula sa mga natapong butil ni pipitasin ang mga ubas mula sa mga di-napungusang punong ubas niyaon.” (Levitico 25:10, 11) Ang Jubileo ay nangangahulugan ng dalawang magkasunod na taon ng Sabbath para sa lupain. Subalit sa mga tumatahan dito, ito ay nagdulot ng kalayaan. Palalayain ang sinumang Judio na ipinagbili sa pagkaalipin. Ang minanang ari-arian na maaaring napilitang ipagbili ng isang tao ay ibabalik sa kaniyang pamilya. Ang Jubileo ay magiging isang taon ng pagsasauli at paglaya para sa sinaunang Israel. Ano ang inilalarawan nito para sa mga Kristiyano?

      Dinala ng paghihimagsik ng unang tao, si Adan, ang sangkatauhan sa pagkakaalipin sa kasalanan. Ang haing pantubos ni Jesu-Kristo ang paglalaan ng Diyos upang palayain ang sangkatauhan mula sa pagkakaalipin sa kasalanan.a (Mateo 20:28; Juan 3:16; 1 Juan 2:1, 2) Kailan mapalalaya mula sa kautusan ng kasalanan ang mga Kristiyano? Kausap ang pinahirang mga Kristiyano, sinabi ni apostol Pablo: “Ang kautusan ng espiritung iyon na nagbibigay ng buhay kaisa ni Kristo Jesus ay nagpalaya na sa iyo mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” (Roma 8:2) Tinanggap ng mga may pag-asang mabuhay sa langit ang kalayaang ito nang pahiran sila ng banal na espiritu. Bagaman sila ay mga tao at di-sakdal, ipinahahayag silang matuwid ng Diyos at inaampon sila bilang kaniyang espirituwal na mga anak. (Roma 3:24; 8:16, 17) Para sa mga pinahiran bilang isang grupo, ang Kristiyanong Jubileo ay nagsimula noong Pentecostes 33 C.E.

      Kumusta naman ang “ibang mga tupa,” na may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa? (Juan 10:16) Para sa ibang mga tupa, ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo ay magiging isang panahon ng pagsasauli at paglaya. Sa panahon ng Milenyong Jubileo na ito, ikakapit ni Jesus ang mga pakinabang ng kaniyang haing pantubos sa nananampalatayang sangkatauhan at babaligtarin ang mga epekto ng kasalanan. (Apocalipsis 21:3, 4) Sa pagtatapos ng Milenyong Paghahari ni Kristo, sasapit ang sangkatauhan sa kasakdalan ng tao at magiging lubusang malaya mula sa minanang kasalanan at kamatayan. (Roma 8:21) Kapag naisakatuparan na ito, matatapos na ang Kristiyanong Jubileo.

      [Talababa]

      a Sa katunayan si Jesus ay isinugo “upang maghayag ng paglaya sa mga bihag.” (Isaias 61:1-7; Lucas 4:16-21) Ipinahayag niya ang isang espirituwal na paglaya.

      [Larawan sa pahina 26]

      Ang Milenyong Jubileo​—isang panahon ng pagsasauli at paglaya para sa “ibang mga tupa”

  • “Ang Bawat Matalino ay Gagawi Nang May Kaalaman”
    Ang Bantayan—2004 | Hulyo 15
    • “Ang Bawat Matalino ay Gagawi Nang May Kaalaman”

      ANG patnubay mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, ‘ay higit na nanasain kaysa sa ginto​—kaysa sa maraming dalisay na ginto.’ (Awit 19:7-10) Bakit? Dahil “ang kautusan ng marunong [si Jehova] ay bukal ng buhay, upang ilayo ang isa mula sa mga silo ng kamatayan.” (Kawikaan 13:14) Kapag ikinapit, hindi lamang pinasusulong ng payo mula sa Kasulatan ang kalidad ng ating buhay kundi tumutulong din ito sa atin na maiwasan ang mga silo na nagsasapanganib dito. Napakahalaga ngang saliksikin natin ang kaalaman sa Kasulatan at kumilos kasuwato ng ating natututuhan!

      Gaya ng nakaulat sa Kawikaan 13:15-25, nagbigay ng payo si Haring Solomon ng sinaunang Israel na tumutulong sa atin na gumawi nang may kaalaman upang matamasa natin ang mas mainam at mas mahabang buhay.a Sa paggamit ng maiigsi subalit maliliwanag na kawikaan, ipinakita niya kung paano makatutulong sa atin ang Salita ng Diyos upang matamo ang pagsang-ayon ng iba, makapanatiling tapat sa ating ministeryo, magkaroon ng tamang saloobin sa disiplina, at makapili ng ating mga kasama nang may katalinuhan. Isinaalang-alang din niya ang katalinuhan ng pag-iiwan ng mana sa ating mga supling gayundin ang maibiging pagdidisiplina sa kanila.

      Ang Mabuting Kaunawaan ay Nagtatamo ng Lingap

      “Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay ng lingap,” ang sabi ni Solomon, “ngunit ang daan niyaong mga nakikitungo nang may kataksilan ay baku-bako.” (Kawikaan 13:15) Sa orihinal na wika, ang pananalitang “mabuting kaunawaan,” o mabuting unawa, ay “naglalarawan sa kakayahang maging maingat, gumawa ng magaling na pasiya, at magtaglay ng mahuhusay na opinyon,” ang sabi ng isang reperensiyang akda. Madaling

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share