Awit 44
May-Kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani
Printed Edition
1. Ngayo’y araw ng pag-aani,
Dakila ang pribilehiyo.
Anghel ang mga mang-aani,
At may bahagi rin tayo.
Si Kristo ang ating huwaran,
Sa larangan ay nanguna.
Dakilang karangalan nga natin
Sa pag-aani’y sumama.
2. Pag-ibig sa Diyos at sa kapwa,
Nagpapasigla sa atin.
Ang pagtitipo’y apurahan,
Kawakasa’y dumarating.
Galak na walang kahulilip
Ng kamanggagawa ng Diyos.
Magmatiyaga tayo sa gawain
Nang pagpalain nang lubos.
(Tingnan din ang Mat. 24:13; 1 Cor. 3:9; 2 Tim. 4:2.)