Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 178-p. 183
  • Mga Imahen

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Imahen
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagkakilala ng mga Kristiyano sa mga Imahen
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Dapat Bang Gumamit ng mga Imahen sa Pagsamba sa Diyos?
    Gumising!—2008
  • Ang mga Larawan ba’y Higit na Makapaglalapit sa Iyo sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Mga Imahen
    Gumising!—2014
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 178-p. 183

Mga Imahen

Kahulugan: Karaniwan na, ang mga ito’y nakikitang larawan ng mga tao o mga bagay. Ang isang imahen na pinag-uukulan ng pagsamba ay isang idolo. Madalas inaangkin niyaong mga sumasamba sa mga imahen na ang kanilang pagsamba ay talagang ipinatutungkol sa espiritung kinakatawanan ng larawang yaon. Ang ganitong paggamit ng mga imahen ay karaniwan na sa maraming di-Kristiyanong mga relihiyon. Hinggil sa kaugalian ng mga Romano Katoliko, ganito ang sinasabi ng New Catholic Encyclopedia, (1967, Tomo VII, p. 372): “Yamang ang pagsamba na iniuukol sa isang imahen ay nakakarating at nagwawakas sa personang inilalarawan, ang ganitong pagsamba na nauukol sa persona ay maaari na ring iukol sa larawan na kumakatawan sa personang yaon.” Hindi itinuturo ng Bibliya.

Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos hinggil sa paggawa ng mga imahen upang sambahin?

Exo. 20:4, 5, JB: “Huwag kayong gagawa para sa inyo ng isang inukit na larawan o anomang kawangis ng alinmang bagay na nasa langit o nasa lupa o nasa tubig sa ilalim ng lupa; huwag ninyong yukuran ang mga ito ni paglilingkuran man ang mga ito [“yumuko sa harapan ng mga ito o sumamba sa mga ito,” NAB]. Sapagka’t ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay isang mapanibughuing Diyos.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) (Pansinin na ang pagbabawal ay laban sa paggawa ng mga imahen at pagyuko sa mga ito.)

Lev. 26:1, JB: “Huwag kayong gagawa ng mga idolo; huwag kayong magtatayo ng isang inukit na larawan o haliging bato [“banal na haligi,” NW], huwag kayong magtatayo ng alinmang inukit na bato sa inyong lupain, upang magsiyuko sa harapan nito; sapagka’t ako, si Yahweh, ang siya ninyong Diyos.” (Kailanma’y di nararapat magtayo ng alinmang larawan na maaaring yukuran ng mga tao sa pagsamba.)

2 Cor. 6:16, JB: “Ang templo ng Diyos ay walang pakikipagkasundo sa mga idolo, at tayo nga’y ganito​—ang templo ng nabubuhay na Diyos.”

1 Juan 5:21, NAB: “Mumunti kong mga anak, magsipag-ingat kayo laban sa mga idolo [“mga idolo,” Dy, CC; “diyus-diyosan,” JB].”

Ang mga imahen ba ay maaaring ituring bilang mga tulong lamang sa pagsamba sa tunay na Diyos?

Juan 4:23, 24, JB: “Ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan: ito ang uri ng mananamba na nais ng Ama. Ang Diyos ay espiritu, at yaong mga sumasamba ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” (Yaong mga umaasa sa mga imahen bilang tulong sa pagsamba ay hindi sumasamba sa Diyos “sa espiritu” kundi umaasa sila sa nakikita lamang ng kanilang pisikal na mga mata.)

2 Cor. 5:7, NAB: “Lumalakad kami sa pananampalataya, hindi sa paningin.”

Isa. 40:18, JB: “Kanino ninyo itutulad ang Diyos? Anong larawan ang iwawangis ninyo sa kaniya?”

Gawa 17:29, JB: “Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, wala tayong maidadahilan sa pag-aakalang ang diyos ay gaya ng anomang bagay na yari sa ginto o pilak o bato na inukit at inanyuan ng tao.”

Isa. 42:8, JB: “Ang pangalan ko ay Yahweh, hindi ko isusuko ang kaluwalhatian ko sa iba, ni ang aking karangalan sa mga diyus-diyosan [“mga bagay na inukit,” Dy].”

Dapat ba nating sambahin ang “mga santo” bilang mga tagapamagitan sa Diyos, na marahil ay ginagamit ang kanilang mga larawan bilang tulong sa ating pagsamba?

Gawa 10:25, 26, JB: “Pagdating ni Pedro sa bahay ay lumabas si Cornelio upang salubungin siya, lumuhod sa kaniyang paanan at nagpatirapa. Subali’t itinayo siya ni Pedro. ‘Tumindig ka,’ sabi niya, ‘Ako’y isang tao lamang!’ ” (Yamang hindi sinang-ayunan ni Pedro ang gayong pagsamba nang siya’y naroon mismo, hihimukin kaya niya tayo na lumuhod sa harapan ng kaniyang larawan? Tingnan din ang Apocalipsis 19:10.)

Juan 14:6, 14, JB: “Sinabi ni Jesus: ‘Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang makakaparoon sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung hihiling kayo ng anoman sa aking pangalan, yao’y gagawin ko.’ ” (Maliwanag na sinasabi dito ni Jesus na ang paglapit natin sa Ama ay magagawa lamang sa pamamagitan niya at na ang ating mga kahilingan ay dapat gawin sa pangalan ni Jesus.)

1 Tim. 2:5, JB: “Iisa lamang ang Diyos, at iisa lamang ang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, siya na naging tao mismo, si Kristo Jesus.” (Hindi pinahihintulutan nito ang iba na gumanap ng papel bilang tagapamagitan para sa mga miyembro ng kongregasyon ni Kristo.)

Tingnan din ang mga pahina 391, 392, sa ilalim ng paksang “Mga Santo.”

Nasasa-isip lamang ba ng mga mananamba ang mismong kinakatawanan ng larawan o may mga larawan bang itinuturing na nakahihigit sa iba?

Ang saloobin ng mga mananamba ay isang mahalagang salik na dapat isaalang-alang. Bakit? Sapagka’t ang isang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng isang “imahen” at ng isang “idolo” ay ang paraan ng paggamit dito.

Sa isipan ng mananamba, ang isa bang larawan ng isang persona ay may higit na halaga o katangian kaysa ibang larawan ng persona ring yaon? Kung gayon, ang mismong larawan, hindi ang persona, ang siyang pangunahing nasasa-isip ng mananamba. Bakit gumagawa ang mga tao ng mahahabang paglalakbay upang sumamba sa pantanging mga dambana? Hindi ba’t ang larawan mismo ang siyang itinuturing na nagtataglay ng “makahimalang” kapangyarihan? Bilang halimbawa, sa aklat na Les Trois Notre-Dame de la Cathédrale de Chartres, ng klerong si Yves Delaporte, ganito ang sinasabi hinggil sa mga larawan ni Maria sa katedral sa Chartres, Pransiya: “Ang mga imaheng ito, na inukit, iginuhit o lumilitaw sa mga bintanang yari sa kinulayang salamin, ay hindi parepareho ang katanyagan. . . . Tatatlo lamang ang pinag-uukulan ng tunay na pagsamba: Ang Birhen ng Nitso, ang Birhen ng Haligi, at ang Birhen ng ‘Belle Verriere.’ ” Subali’t kung ang pangunahing nasasa-isip ng mga mananamba ay hindi ang imahen, kundi ang persona, ang isang larawan ay ituturing na kapantay lamang ng iba, hindi kaya?

Papaano minamalas ng Diyos ang mga imahen bilang mga bagay na sinasamba?

Jer. 10:14, 15, JB: “Bawa’t platero ay napapahiya dahil sa idolo na kaniyang ginawa, yamang ang kaniyang mga imahen ay pawang mga guniguni lamang, na wala namang hininga. Ang mga ito’y Walang-Kabuluhan, mga katawatawang likha.”

Isa. 44:13-19, JB: “Sumusukat ang isang manlililok, at binabalangkas ang larawan sa pamamagitan ng tisa, inuukit niya ito sa tulong ng mga pait, na tinutunton ang balangkas. Hinuhubog niya ito ayon sa sukat ng tao, at binibigyan niya ng mukha ng tao, upang ilagak sa isang templo. Pumutol siya ng isang punong sedro, o kaya’y isang higera o isang encina na pinili niya sa mga punong-kahoy sa gubat, o marahil ay nagtanim siya ng isang sedro at ito’y dinilig ng ulan. Para sa karaniwang tao ito’y panggatong lamang; ginagamit niya ito upang siya’y mainitan, at iginagatong din niya ito upang gumawa ng tinapay. Subali’t ang taong ito ay gumagawa mula rito ng isang diyos at sinasamba niya ito; ginagawa niya itong isang idolo at yumuyukod sa harapan nito. Kalahati nito ay kaniyang iginagatong sa apoy, at sa nagliliyab na baga ay nag-iihaw siya ng karne, kinakain ito at nagpapakabusog. Siya din nama’y nagpapainit. ‘Ah!’ aniya ‘ako’y naiinitan; may apoy ako dito!’ At ang kalahati naman ay ginagawa niyang diyos, ang kaniyang idolo; yumuyukod siya sa harapan nito at sinasamba ito at dinadalanginan ito. ‘Iligtas mo ako,’ sabi niya ‘sapagka’t ikaw ay aking diyos.’ Ang mga ito’y walang nalalamang anoman, walang nauunawaan. Ang kanilang mga mata ay nakapikit upang hindi makakita, ang kanilang puso’y nakapinid upang huwag makaunawa. Hindi kailanman sila nakapag-iisip, kulang sila ng unawa at talino upang sabihing, ‘Kalahati nito’y iginatong ko sa apoy, pinaglutuan ko ng tinapay sa nagliliyab na baga, pinag-ihawan ko ng karne at kinain yaon, at ngayo’y gagawin ko bang bagay na kasuklamsuklam ang nalalabi? Dapat ba akong yumukod sa harapan ng isang punong-kahoy?’ ”

Ezek. 14:6, JB: “Sinabi ng Panginoong Yahweh ang ganito: Magsibalik kayo, itakwil ninyo ang inyong mga idolo [“maruruming idolo,” NW] at itigil na ang inyong nakapandidiring mga gawa.”

Ezek. 7:20, JB: “Nakaugalian nilang ipagmalaki ang kagandahan ng kanilang mga alahas, na mula rito’y hinubog nila ang kanilang kasuklamsuklam na mga imahen at idolo. Kaya’t ang mga ito ay ipinasiya kong gawin na mga bagay na karumaldumal [“karumihan,” Dy; “yagit,” NAB] para sa kanila.”

Ano ang dapat nating madama sa alinmang mga imahen na dati nating pinag-uukulan ng pagsamba?

Deut. 7:25, 26, JB: “Dapat ninyong sunugin ang lahat ng inukit na larawan ng kanilang mga diyos, na hindi iniimbot ang ginto ni ang pilak na pinagtubugan sa mga ito; kunin ninyo ito at kayo’y mahuhulog sa isang silo: ito’y kasuklamsuklam kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong magpapasok sa inyong bahay ng anomang bagay na kasuklamsuklam sapagka’t kung gayon, kayo, gaya niyaon, ay hahatulan din naman. Ituring ninyo ang mga ito na marurumi at nakapandidiri [“lubusang pandirihan ito at tahasang kapootan ito,” NW].” (Samantalang ang bayan ni Jehova sa ngayon ay hindi inuutusan na sumira sa mga imahen na pag-aari ng iba, ang utos na ito sa Israel ay naglalaan ng isang huwaran hinggil sa kung papaano nila dapat malasin ang alinmang mga imahen na nasa pag-aari nila na noong una’y kanilang sinasamba. Ihambing ang Gawa 19:19.)

1 Juan 5:21, Dy: “Mumunting mga anak, umiwas kayo sa mga idolo [“mga diyus-diyosan,” JB].”

Ezek. 37:23, JB: “Hindi na sila magpaparumi sa pamamagitan ng kanilang mga idolo . . . Sila’y magiging aking bayan at ako’y magiging kanilang Diyos.”

Ano ang maaaring maging epekto sa ating kinabukasan kung tayo’y gagamit ng mga larawan sa pagsamba?

Deut. 4:25, 26, JB: “Kung kikilos kayo nang may kalisyaan, at gagawa ng inukit na larawan sa anomang hugis [“isang idolo,” Kx; “anomang wangis,” Dy], na ginagawa ang masama upang imungkahi si Yahweh sa galit, sa araw ding yaon ay tatawagan ko ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo; . . . kayo’y lubos na malilipol.” (Ang pangmalas ng Diyos ay hindi nagbabago. Tingnan ang Malakias 3:5, 6.)

1 Cor. 10:14, 20, JB: “Ito ang dahilan, minamahal kong mga kapatid, kung bakit dapat kayong humiwalay sa pagsamba sa diyus-diyosan. . . . Ang mga hain na kanilang inihahandog ay kanilang inihahain sa mga demonyo na hindi naman Diyos. Ayokong makita kayo na nakikipagtalamitan sa mga demonyo.”

Apoc. 21:8, JB: “Ang pamana sa mga duwag, para sa mga sumisira ng kanilang panata, o sa mga sumasamba sa mga karumaldumal, sa mga mamamatay-tao at mapakiapid, at sa mga manghuhula, mananamba sa mga diyus-diyosan, at bawa’t uri ng sinungaling, ay walang iba kundi ang ikalawang kamatayan [tbba., “walang-hanggang kamatayan”] sa nagniningas na dagatdagatan ng asupre.”

Awit 115:4-8, JB (113:4-8, pangalawang grupo ng mga bilang, Dy): “Ang kanilang mga idolo, na pilak at ginto, yari ng karunungan ng tao, ay may mga bibig, subali’t kailanma’y hindi nagsasalita, mga mata, subali’t kailanma’y hindi nakakakita, mga tainga, subali’t kailanma’y hindi nakakapakinig, mga ilong, subali’t kailanma’y hindi nangakakaamoy, mga kamay, subali’t kailanma’y hindi nakakatangan, mga paa, subali’t kailanma’y hindi nakakalakad, at walang lumalabas na tinig mula sa kanilang mga ngalangala. Ang mga gumawa sa kanila ay matutulad sa kanila, pati na ang sinomang nagtitiwala sa kanila.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share