Awit 113
Salamat sa Salita ng Diyos
Printed Edition
1. Diyos naming Jehova, salamat sa iyo.
Taglay naming Salita mo’y totoo!
Kinasiha’y sumulat ng ’yong kaisipan.
Kami’y turuan mo at ’yong gabayan.
2. Sa ’mi’y pampatibay mga propeta.
Aming damdami’y kanilang nadama.
Pananampalataya’t lakas-loob nila,
Sa puso’y ginhawa at pampasigla.
3. Makapangyarihan ang ’yong salita,
Tagós hanggang ’spiritu at kalul’wa.
Motibo’y sinusuri at balak ng puso.
Sa tamang landas ay inaakay mo.
(Tingnan din ang Awit 119:16, 162; 2 Tim. 3:16; Sant. 5:17; 2 Ped. 1:21.)