-
Ang Nagagawa ng Isang Salitang May KabaitanAng Bantayan—1994 | Oktubre 1
-
-
Ang Nagagawa ng Isang Salitang May Kabaitan
“Ang isang pusong nakasubasob sa kabalisahan, pagiginhawahin ito ng isang salitang may kabaitan!”—Kawikaan 12:25, Knox.
ANG mga Kristiyano ay di-lubusang naiingatan buhat sa kahirapan. Kung minsan sila ay dumaranas ng kabalisahan yamang sila’y nabubuhay sa “mga panahong [ito na] mapanganib na mahirap pakitunguhan.”—2 Timoteo 3:1.
Kapag dumaranas ng gayong kahirapan, anong laking pagpapala ang makarinig ng mga salitang may kabaitan buhat sa isang tapat na kaibigan! “Ang tunay na kasamahan ay mapagmahal sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganak kapag may kagipitan,” ang sabi ng Bibliya. (Kawikaan 17:17) Ang tapat na taong si Job ay kilala sa pagiging ganitong uri ng kaibigan. Maging si Eliphaz ay nagsabi ng ganito tungkol sa kaniya: “Kapag may isang natisod, mahina at napapagod, ang iyong mga salita ang nagpatibay-loob sa kaniya upang tumindig.”—Job 4:4, Today’s English Version.
Gayunman, nang si Job mismo ang nangangailangan ng pampatibay-loob, si Eliphaz at ang kaniyang mga kasamahan ay hindi bumigkas ng mga salitang may kabaitan. Kanilang sinisi si Job dahil sa kaniyang kahirapan, anupat ipinahihiwatig na baka siya ay may lihim na kasamaan. (Job 4:8) Ganito ang komento ng The Interpreter’s Bible: “Ang kailangan ni Job ay isang madamaying pusong makatao. Ang nakukuha niya ay sunud-sunod na ganap na ‘totoo’ at ganap na magagandang relihiyosong bukambibig at mga sawikain sa moral.” Gayon na lamang ang pagkabalisa ni Job nang marinig ang mga pananalita ni Eliphaz at ng kaniyang mga kasamahan anupat siya’y napilitang humiyaw: “Hanggang kailan ninyo patuloy na pahihirapan ang aking kaluluwa at patuloy na babagabagin ako ng mga salita?”—Job 19:2.
Kailanman ay huwag nawa tayong maging sanhi ng paghiyaw sa paghihirap ng isang kapuwa lingkod ng Diyos dahil sa ating walang-ingat, nakasasakit na mga salita. (Ihambing ang Deuteronomio 24:15.) Ganito ang babala ng isang kawikaan sa Bibliya: “Ang sinasabi mo ay maaaring mag-ingat ng buhay o magwasak niyaon; kaya dapat mong tanggapin ang ibubunga ng iyong mga salita.”—Kawikaan 18:21, TEV.
Sa pamamagitan ng pagkilala sa kapangyarihan ng pananalita, ating sundin ang halimbawa ni apostol Pablo. Samantalang nasa Macedonia, kaniyang ‘pinatibay-loob ang mga naroon sa maraming salita.’—Gawa 20:2.
-
-
Tatanggapin Mo ba ang Isang Dumadalaw?Ang Bantayan—1994 | Oktubre 1
-
-
Tatanggapin Mo ba ang Isang Dumadalaw?
Maging sa maligalig na sanlibutang ito, ikaw ay makapagtatamo ng kaligayahan buhat sa tumpak na kaalaman mula sa Bibliya tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang kahanga-hangang layunin para sa sangkatauhan. Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ibig mong may isang dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang walang bayad na pantahanang pakikipag-aral sa iyo sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.
-