Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bibliya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • matutunton pabalik sa ikatlong siglo, B.C.E. Kung tungkol sa mga Kristiyanong Kasulatang Griyego, may mahigit na 5,000 sa Griyego, at ang pinakamatanda ay matutunton pabalik sa pasimula ng ikalawang siglo C.E. May marami ring kopya ng sinaunang mga salin sa iba’t-ibang wika.

      Ganito ang isinulat ni Sir Frederic Kenyon sa pambungad ng kaniyang pitong tomo hinggil sa The Chester Beatty Biblical Papyri: “Ang una at pinakamahalagang konklusyon na makakamit mula sa pagsusuri ng mga ito [ang mga papyri] ay isa na kasiyasiya sapagka’t pinatutunayan nito ang saligang kawastuan ng umiiral na mga kasulatan. Walang ipinakikitang kapunapuna o saligang pagkakaiba maging sa Matanda o sa Bagong Tipan. Walang mahahalagang pagbawas o pagdagdag ng mga talata, at walang mga pagkakaiba na nakakaapekto sa mahahalagang katotohanan o doktrina. Ang mga pagkakaiba ng kasulatan ay umaapekto sa bagay na di-mahalaga, gaya ng pagkakasunudsunod ng mga salita o ang mismong mga salitang ginamit . . . Subali’t ang saligang kahalagahan nito ay ang kanilang pagpapatunay sa katapatan ng ating umiiral na mga kasulatan, sa pamamagitan ng katibayan na may mas maagang petsa kaysa dating natuklasan.”​—(Londres, 1933), p. 15.

      Totoo na may ilang salin ng Bibliya na higit na nanghahawakan sa orihinal na mga wika kaysa iba. Ang makabagong mga salin na nagbibigay-kahulugan sa Bibliya ay lumabis anupa’t madalas nitong binabago ang orihinal na kahulugan. Ang ibang tagapagsalin ay nagpahintulot sa kanilang personal na mga paniwala na bumago sa kanilang pagsasalin. Subali’t ang mga kahinaang ito ay makikilala sa pamamagitan ng paghahambing-hambing ng iba’t-ibang mga salin.

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Hindi ako naniniwala sa Bibliya’

      Maaari kayong sumagot: ‘Pero naniniwala kayo na may Diyos, hindi ba? . . . Puwede ko bang malaman kung aling bahagi ng Bibliya ang ayaw ninyong paniwalaan?’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Maitanong ko, Matagal na bang ganito ang paniwala ninyo? . . . Ganito rin ang sinasabi ng iba kahit hindi pa nila mismong nasuri ang Bibliya. Subali’t yamang ang Bibliya ay maliwanag na nagsasabing ito’y mensahe mula sa Diyos mismo at na nag-aalok siya ng walang-hanggang buhay kung sasampalataya tayo at mamumuhay ayon sa sinasabi nito, hindi kaya kayo sasang-ayon na kapakipakinabang na alamin kung totoo nga o hindi ang pag-aangkin nito? (Gamitin ang materyales sa mga pahina 62-65.)’

      ‘Ang Bibliya ay nagkakasalungatan’

      Maaari kayong sumagot: ‘Marami na ang nagsabi sa akin ng ganiyan, pero ni isa’y wala pang naipakitang tunay na pagkakasalungatan. At sa sarili kong pagbabasa ng Bibliya wala pa akong nakita ni isa. Puwede ba ninyo akong bigyan ng isang halimbawa?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Sa karanasan ko, kaya nag-aalinlangan ang marami ay dahil sa hindi nasagot ang mga tanong nila sa Bibliya. Halimbawa, Saan kinuha ni Cain ang kaniyang asawa? (Gamitin ang materyales sa mga pahina 215, 216.)’

      ‘Tao lamang ang sumulat ng Bibliya’

      Maaari kayong sumagot: ‘Totoo iyan. Mga 40 sa kanila ang nakibahagi dito. Subali’t yao’y kinasihan ng Diyos.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ano ang ibig sabihin nito? Na ang Diyos ang namatnugot sa pagsulat, kung papaanong ginagamit ng isang negosyante ang isang kalihim upang sumulat para sa kaniya.’ (2) ‘Hindi dapat pagtakhan ang ideya ng pagtanggap ng mga mensahe mula sa isa na nasa malayong kalawakan. Kahit ang tao ay nagpadala ng mga mensahe at mga retrato mula sa buwan. Papaano nila ginawa ito? Sa pamamagitan ng paggamit ng mga batas na matagal nang pinairal ng Diyos mismo.’ (3) ‘Nguni’t papaano natin matitiyak na ang nilalaman ng Bibliya ay tunay ngang galing sa Diyos? Naglalaman ito ng impormasyon na imposibleng manggaling sa tao. Anong impormasyon? Mga detalye hinggil sa hinaharap; at laging napapatunayan ang ganap na kawastuan ng mga ito. (Para sa mga halimbawa, tingnan ang mga pahina 62-64, gayon din mga pahina 169-174, sa paksang “Mga Huling Araw.”)’

      ‘Bawa’t isa’y may sariling pagpapakahulugan sa Bibliya’

      Maaari kayong sumagot: ‘At maliwanag na hindi lahat ay tama.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ang pagpilipit sa mga Kasulatan upang iayon sa sariling paniwala ay magbubunga ng walang-hanggang kapahamakan. (2 Ped. 3:15, 16)’ (2) ‘Dalawang bagay ang tutulong sa atin upang maunawaan nang wasto ang Bibliya. Una, isaalang-alang ang konteksto (nakapaligid na mga bersikulo) ng alinmang pangungusap. Pagkatapos, ihambing ang teksto sa iba pang pangungusap sa Bibliya na tumatalakay sa paksa ring yaon. Sa ganito’y hinahayaan natin ang sariling Salita ng Diyos na pumatnubay sa ating pag-iisip, kaya’t ang pagpapakahulugan ay hindi sa atin kundi kaniya. Ganito ang paraan na ginagamit sa mga lathalain ng Watch Tower.’ (Tingnan ang mga pahina 382, 383, sa paksang “Mga Saksi ni Jehova.”)

      ‘Hindi ito praktikal para sa ating kaarawan’

      Maaari kayong sumagot: ‘Talagang interesado tayo sa mga bagay na praktikal sa atin ngayon, hindi ba?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Hindi ba kayo sasang-ayon na ang pagpapahinto sa digmaan ay praktikal? . . . Hindi ba kayo sasang-ayon na kung ang mga tao ay matututong mamuhay nang payapa kasama ng mga taga-ibang bansa, ito’y magiging mabuting pasimula? . . . Ganitong-ganito mismo ang inihula ng Bibliya. (Isa. 2:2, 3) Bunga ng pag-aaral sa Bibliya, nagaganap na ito sa gitna ng mga Saksi ni Jehova.’ (2) ‘Higit pa rito ang kailangan​—ang pag-aalis sa lahat ng tao at bansa na siyang may pasimuno sa digmaan. Mangyayari kaya ang ganito? Oo, at ipinaliliwanag ng Bibliya kung papaano. (Dan. 2:44; Awit 37:10, 11)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Nauunawaan ko ang inyong pag-aalala. Kung ang isang giya ay hindi praktikal, kamangmangan ang gamitin pa ito, hindi po ba?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Sasang-ayon ba kayo na maituturing nating praktikal ang isang aklat na naglalaan ng matalinong payo na magdudulot sa atin ng maligayang buhay-pamilya? . . . Marami nang beses na binago ang mga teoriya at pamamaraan tungkol sa buhay-pamilya, at ang resultang nakikita natin ngayon ay hindi maganda. Subali’t yaong mga nakakaalam at nagkakapit ng sinasabi ng Bibliya ay may matatag at maliligayang pamilya. (Col. 3:12-14, 18-21)’

      ‘Ang Bibliya ay isang mabuting aklat, pero hindi maituturing na lubos na katotohanan’

      Maaari kayong sumagot: ‘Totoo na bawa’t isa’y may kani-kaniyang palagay. At kahit na inaakala ng isa na nauunawaan na niya ang isang bagay, madalas ay natutuklasan niya na may iba pang salik na hindi naisaalang-alang. Nguni’t may isa na hindi nagtataglay ng ganitong limitasyon. Sino kaya siya? . . . Opo, ang Maylikha ng sansinukob.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Kaya nasabi ni Jesu-Kristo sa kaniya: “Ang salita mo ay katotohanan.” (Juan 17:17) Ang katotohanang iyan ay nasa Bibliya. (2 Tim. 3:16, 17)’ (2) ‘Hindi gusto ng Diyos na tayo’y mangapa sa kawalang-alam; sinabi niyang kalooban niya na matutuhan natin ang wastong kaalaman hinggil sa katotohanan. (1 Tim. 2:3, 4) Sa lubos na kasiyasiyang paraan ay sinasagot ng Bibliya ang mga tanong na gaya ng . . . ’ (Upang matulungan ang ibang tao, baka kailanganin muna ninyong pag-usapan ang patotoo na may Diyos. Tingnan ang mga pahina 126-133, sa paksang “Diyos.”)

      ‘Ang Bibliya ay aklat ng mga puti’

      Maaari kayong sumagot: ‘Totoo nga pong nakapaglimbag sila ng maraming kopya ng Bibliya. Pero hindi sinasabi ng Bibliya na ang isang lahi ay nakahihigit sa iba.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ang Bibliya ay mula sa ating Maylikha, at siya’y walang pagtatangi. (Gawa 10:34, 35)’ (2) ‘Ang pagkakataon na mabuhay magpakailanman dito sa lupa sa ilalim ng kaniyang Kaharian ay iniaalok ng Salita ng Diyos sa mga tao mula sa lahat ng bansa at angkan. (Apoc. 7:9, 10, 17)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Hindi naman talaga! Ang Maylikha sa tao ang siyang pumili ng mga lalake na kaniyang papatnubayan sa pagsulat ng 66 aklat ng Bibliya. At kung pinili niyang gamitin ang mga taong mapuputi ang balat, pananagutan niya yaon. Subali’t ang mensahe ng Bibliya ay hindi limitado sa mga puti.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Pansinin ang sinabi ni Jesus . . . (Juan 3:16) Ang “sinoman” ay kumakapit sa mga tao anoman ang kulay ng kanilang balat. Isa pa, bago umakyat sa langit, binigkas ni Jesus ang mga salitang ito bilang pamamaalam sa kaniyang mga alagad . . . (Mat. 28:19)’ (2) ‘Kapunapuna, ang Gawa 13:1 ay bumabanggit sa isang taong nagngangalang Niger, isang pangalang nangangahulugan ng “itim.” Kabilang siya sa mga propeta at guro ng kongregasyon sa Antiokiya, Syria.’

      ‘King James Version lamang ang pinaniniwalaan ko’

      Maaari kayong sumagot: ‘Kung nariyan ang kopya ninyo, may gusto akong ibahagi sa inyo na natuklasan kong nakapagpapatibay.’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Marami ang gumagamit sa saling iyan ng Bibliya, at ako mismo ay mayroon niyan sa aking aklatan.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Alam ba ninyo na ang Bibliya ay unang isinulat sa mga wikang Hebreo, Aramaiko, at Griyego? . . . Nababasa ba ninyo ang mga wikang ito? . . . Kaya makapagpapasalamat tayo na ang Bibliya ay naisalin sa Ingles.’ (2) ‘Ipinakikita ng talaang ito (“Table of the Books of the Bible,” sa NW) na ang Genesis, na siyang unang aklat ng Bibliya, ay natapos noong 1513 B.C.E. Alam ba ninyo na, pagkatapos maisulat ang Genesis, 2,900 taon ang lumipas bago naisalin sa Ingles ang buong Bibliya? At mahigit na 200 taon ang lumipas muli bago natapos ang King James Version (1611 C.E.).’ (3) ‘Mula noong ika-17 siglo, marami nang pagbabago ang dinaanan ng Ingles. Nararanasan natin ito sa ating sariling panahon, hindi ba? . . . Kaya nagpapahalaga tayo sa makabagong mga salin na buong-ingat na naghaharap ng orihinal na mga katotohanan sa wikang ginagamit natin sa ngayon.’

      ‘Sarili ninyong salin iyan’

      Tingnan ang paksang “New World Translation.”

  • Buhay
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Buhay

      Kahulugan: Isang aktibong kalagayan na nagbubukod sa mga halaman, hayop, tao, at espiritung nilalang mula sa mga bagay na walang buhay. Ang pisikal na mga bagay na may buhay karaniwan na’y nagtataglay ng kakayahang lumaki, may metabolismo, tumutugon sa pampasigla mula sa iba, at nagpapakarami. Ang halaman ay may aktibong buhay nguni’t hindi bilang isang may-sentidong kaluluwa. Sa makalupang mga kaluluwa, hayop at tao, may aktibong puwersa ng buhay na nagpapakilos sa kanila at mayroon ding hininga upang ito’y panatilihin.

      Ang tunay na kahulugan ng buhay, gaya ng ikinakapit sa matalinong mga persona, ay ang sakdal na pag-iral taglay ang karapatan nito. Ang kaluluwang-tao ay hindi imortal. Subali’t ang tapat na mga lingkod ng Diyos ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan​—sa lupa para sa marami, sa langit para sa isang “munting kawan” bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Sa kanilang pagkabuhay-muli bilang mga espiritu, ang mga miyembro ng uring pang-Kaharian ay pinagkakalooban din ng imortalidad, isang uri ng buhay na hindi nangangailangan ng anomang bagay na nilikha upang ito’y pamalagiin.

      Ano ang layunin ng buhay ng tao?

      Upang magkaroon ng layunin sa buhay kailangan nating kilalanin ang Bukal ng buhay. Kung ang buhay ay basta nagkataon lamang at walang matalinong lumikha, ang pag-iral natin ay walang layunin, at hindi tayo makagagawa ng plano para sa isang tiyak na kinabukasan. Nguni’t ang Gawa 17:24, 25, 28 ay nagsasabi

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share