Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 239-p. 243
  • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Kailangang Ipagdiwang ang Hapunan ng Panginoon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • ‘Gawin Ninyo Ito Bilang Pag-alaala sa Akin’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Hapunan ng Panginoon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kung Bakit Natin Inaalaala ang Hapunan ng Panginoon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 239-p. 243

Memoryal (Hapunan ng Panginoon)

Kahulugan: Isang hapunan na nagpapagunita sa kamatayan ni Jesu-Kristo; anupa’t, isang memoryal ng kaniyang kamatayan, na ang bisa nito ay nakahihigit kaysa kamatayan ng sinopaman. Ito lamang ang okasyong ipinag-utos ng Panginoong Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad na alalahanin. Ito ay tinatawag din na Hapunan ng Panginoon o Panggabing Pagkain ng Panginoon.​—1 Cor. 11:20.

Ano ang kahalagahan ng Memoryal?

Sa kaniyang tapat na mga alagad ay sinabi ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalaala sa akin.” (Luc. 22:19) Nang siya’y sumulat sa mga miyembro ng pinahiran-ng-espiritung kongregasyong Kristiyano, idinagdag ni Pablo: “Sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito at inuman ninyo ang sarong ito, ay inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Samakatuwid, binibigyan ng pantanging pansin ng Memoryal ang kahalagahan ng kamatayan ni Jesu-Kristo sa pagsasakatuparan ng layunin ni Jehova. Itinatampok nito ang kahulugan ng kamatayan ni Jesus bilang hain lalo na may kaugnayan sa bagong tipan at sa epekto ng kaniyang kamatayan sa mga magiging tagapagmanang kasama niya sa makalangit na Kaharian.​—Juan 14:2, 3; Heb. 9:15.

Ipinaalaala rin ng Memoryal na ang kamatayan ni Jesus at kung papaano nangyari ito, kasuwato ng layunin ng Diyos na inihayag sa Genesis 3:15 at pagkatapos nito, ay nagbangong-puri sa pangalan ni Jehova. Dahil sa katapatan niya kay Jehova hanggang sa kamatayan, pinatunayan ni Jesus na ang kasalanan ni Adan ay hindi dahil sa anomang kakulangan sa pagkakadisenyo sa tao ng Maylikha kundi na ang tao ay posibleng makapag-ingat ng sakdal na debosyon sa Diyos kahit sa ilalim ng panggigipit, at sa gayo’y ipinagbangong-puri ni Jesus ang Diyos na Jehova bilang Maylikha at Pansansinukob na Soberano. Bilang karagdagan, nilayon ni Jehova na ang kamatayan ni Jesus ay maglalaan ng sakdal na haing-tao na kailangan upang tubusin ang mga supling ni Adan, sa gayo’y pinapapangyari na bilyun-bilyong mga sumasampalataya ang maaaring mabuhay magpakailanman sa isang lupang paraiso, bilang katuparan ng orihinal na layunin ni Jehova at bilang kapahayagan ng dakila niyang pag-ibig para sa sangkatauhan.​—Juan 3:16; Gen. 1:28.

Anong bigat na pananagutan ang nakaatang kay Jesus sa huling gabi niya sa lupa bilang tao! Alam niya kung ano ang layunin para sa kaniya ng kaniyang makalangit na Ama, nguni’t alam din niya na kailangang maging tapat siya sa ilalim ng pagsubok. Kung nabigo siya rito, anong laking upasala ang idudulot nito sa kaniyang Ama at anong laking kalugihan para sa sangkatauhan! Dahil sa lahat ng maisasakatuparan sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan, angkop lamang na ipinag-utos ni Jesus na ito’y ipagdiwang.

Ano ang kahulugan ng tinapay at alak na isinisilbi sa Memoryal?

Tungkol sa tinapay na walang lebadura na ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga apostol nang pasinayaan ang Memoryal, sinabi niya: “Ito’y nangangahulugan ng aking katawan.” (Mar. 14:22) Ang tinapay na iyon ay sumagisag sa kaniyang sariling katawang laman. Ibibigay niya ito alang-alang sa panghinaharap na buhay ng sangkatauhan, at sa okasyong ito ang lalong binibigyan ng pansin ay ang panghinaharap na buhay ng mga pipiliin upang makibahagi kay Jesus sa kaniyang makalangit na Kaharian.

Nang ipamahagi ang alak sa kaniyang tapat na mga apostol, sinabi ni Jesus: “Ito’y nangangahulugan ng ‘dugo ng tipan,’ na ibubuhos dahil sa marami.” (Mar. 14:24) Ang alak na iyon ay sumagisag sa kaniyang sariling dugo. Dahil sa kaniyang itinigis na dugo, ang mga kasalanan ng mga sasampalataya rito ay maaaring patawarin. Sa okasyong ito ay itinatampok ni Jesus ang paglilinis ng kasalanan na pangyayarihin nito para sa kaniyang magiging kasamang tagapagmana. Ipinahihiwatig din ng mga salita niya na sa pamamagitan ng dugong iyon magkakaroon ng bisa ang bagong tipan sa pagitan ng Diyos na Jehova at ng pinahiran-ng-espiritung kongregasyong Kristiyano.

Tingnan din ang mga pahina 243-245, sa paksang “Misa.”

Sino ang makikibahagi sa tinapay at alak?

Sino ang nakibahagi nang pasinayaan ni Jesus ang Hapunan ng Panginoon bago siya namatay? Ang labing-isang tapat na tagasunod na sinabihan ni Jesus ng ganito: “Ako’y nakikipagtipan sa inyo, gaya ng pakikipagtipan ng Ama sa akin, ukol sa isang kaharian.” (Luc. 22:29) Silang lahat ay mga taong inaanyayahan na makibahagi kay Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian. (Juan 14:2, 3) Ang lahat na nakikibahagi sa tinapay at alak sa ngayon ay dapat ding mga taong dinadala ni Kristo sa ‘tipan ukol sa isang kaharian.’

Ilan ba ang makikibahagi? Sinabi ni Jesus na isang “munting kawan” lamang ang tatanggapin sa makalangit na Kaharian bilang kanilang gantimpala. (Luc. 12:32) Ang kabuuang bilang ay magiging 144,000. (Apoc. 14:1-3) Ang pagpili sa grupong ito ay pinasimulan noong 33 C.E. Makatuwiran kung gayon na sa panahong ito kakaunti lamang ang makikibahagi.

Ipinahihiwatig ba ng Juan 6:53, 54 na yaon lamang nakikibahagi ang magtatamo ng buhay na walang hanggan?

Juan 6:53, 54: “Sinabi sa kanila ni Jesus: ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya’y aking bubuhayin sa huling araw.’ ”

Maliwanag na ang pagkain at pag-inom na ito ay makasagisag; kung hindi, ang gumagawa nito ay lalabag sa utos ng Diyos. (Gen. 9:4; Gawa 15:28, 29) Gayumpaman, dapat pansinin na ang pangungusap ni Jesus sa Juan 6:53, 54 ay hindi ginawa kaugnay ng pagpapasinaya sa Hapunan ng Panginoon. Sa mga nakarinig sa kaniya ay walang sinoman ang nag-akala na ang pagdiriwang na may tinapay at alak ay sagisag ng laman at dugo ni Kristo. Ang kaayusang ito ay hindi ipinakilala kundi mga isang taon pa pagkaraan nito, at ang ulat ni apostol Juan hinggil sa Hapunan ng Panginoon ay nagpapasimula lamang pagkaraan ng mahigit na pitong kabanata (sa Juan 14) sa Ebanghelyo na may pangalan niya.

Papaano, kung gayon, ‘makakain ang laman ng Anak ng tao at maiinom ang kaniyang dugo’ sa makasagisag na paraan kung hindi sa pamamagitan ng pakikibahagi sa tinapay at alak sa Memoryal? Pansinin na sinabi ni Jesus na yaong kumakain at umiinom ay magkakaroon ng “buhay na walang-hanggan.” Bago nito, sa Ju 6 bersikulo 40, nang ipinaliliwanag kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng buhay na walang-hanggan, ano ang sinabi niya na kalooban ng kaniyang Ama? “Ang sinomang nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang-hanggan.” Makatuwiran, kung gayon, na ang ‘pagkain ng kaniyang laman at pag-inom ng kaniyang dugo’ sa makasagisag na paraan ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsampalataya sa tumutubos na bisa ng laman at dugo ni Jesus na inialay bilang hain. Ang pagsampalatayang ito ay hinihiling sa lahat ng magkakamit ng ganap na pagkabuhay, maging sa langit na kasama ni Kristo o sa makalupang Paraiso.

Gaanong kadalas dapat ipagdiwang ang Memoryal, at kailan?

Hindi tiyakang binanggit ni Jesus kung gaanong kadalas dapat gawin ito. Ang sinabi lamang niya ay: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalaala sa akin.” (Luc. 22:19) Sinabi ni Pablo: “Sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito at inuman ninyo ang sarong ito, ay inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Ang pangungusap na “sa tuwing” ay hindi laging nangangahulugan ng maraming beses sa isang taon; maaaring maging taun-taon ito sa loob ng maraming taon. Sa pagdiriwang ng isang mahalagang pangyayari, tulad ng anibersaryo ng kasal, o pantanging pangyayari sa kasaysayan ng isang bansa, gaanong kadalas ginagawa ito? Minsan lamang isang taon sa anibersaryo nito. Ito’y magiging kasuwato ng bagay na pinasinayaan ang Hapunan ng Panginoon sa petsa ng Judiong Paskuwa, isang taunang pagdiriwang na hindi na ipagdiriwang ng mga Judiong naging Kristiyano.

Ipinagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova ang Memoryal paglubog ng araw sa Nisan 14, ayon sa kalkulasyon ng kalendaryong Judio na karaniwang ginamit noong unang siglo. Ang araw ng Judio ay nagsisimula sa paglubog ng araw at nagtatapos sa paglubog ng araw kinabukasan. Kaya ayon sa kalendaryong Judio, si Jesus ay namatay sa iyon ding araw na pinasinayaan niya ang Memoryal. Ang pasimula ng buwan ng Nisan ay sa paglubog ng araw pagkatapos ng bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox nang ito’y nakita sa Jerusalem. Ang petsa ng Memoryal ay 14 na araw pagkaraan nito. (Kaya ang petsa ng Memoryal ay maaaring hindi pareho sa Paskuwa na ipinagdiriwang ng makabagong-panahong mga Judio. Bakit hindi? Sa kanilang kalendaryo ang pasimula ng buwan ay ibinabagay sa bagong buwan ayon sa astronomiya, hindi sa bagong buwan na nakikita sa Jerusalem, na maaaring sumapit pagkaraan ng mga 18 hanggang 30 oras. Gayon din, ang Paskuwa ay ipinangingilin ng karamihang mga Judio ngayon sa ika-15 ng Nisan, hindi sa ika-14 gaya ng ginawa ni Jesus kasuwato ng sinasabi sa Batas Mosaiko.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share