-
Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 23Ministeryo sa Kaharian—2011 | Mayo
-
-
Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 23
LINGGO NG MAYO 23
Awit 39 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 4, kahon sa p. 33 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit 19-25 (10 min.)
Blg. 1: Awit 23:1–24:10 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Lahat ba ng mga Judio ay Makukumberte Upang Sumampalataya kay Kristo?—rs p. 211 ¶1-2 (5 min.)
Blg. 3: Paano at Kailan Matutupad ang Roma 8:21? (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. “Paggamit ng Please Follow Up (S-43) Form.” Pagtalakay.
10 min: Tatlong Aspekto ng Mabisang mga Pambungad. Pahayag salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 9, parapo 1. Pagkatapos, magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano maaaring iharap ang alok sa Hunyo.
15 min: Sinubukan Mo Na Ba? Pagtalakay. Sa pamamagitan ng pahayag, repasuhin sandali ang impormasyon mula sa mga artikulo sa Ating Ministeryo sa Kaharian: “Isang Bagong Serye sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya” (km 12/10) at “Tulong Para sa mga Pamilya” (km 1/11). Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung paano nila ginamit ang mga mungkahi sa mga artikulong ito at ano ang magandang resulta.
Awit 56 at Panalangin
-
-
Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 30Ministeryo sa Kaharian—2011 | Mayo
-
-
Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 30
LINGGO NG MAYO 30
Awit 33 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 4 ¶5-12 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit 26-33 (10 min.)
Blg. 1: Awit 31:9-24 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Mga Halimbawa sa Bibliya ng Tunay na Kapakumbabaan (5 min.)
Blg. 3: Kailangan ba ng mga Judio na Manampalataya kay Jesus Upang Maligtas?—rs p. 211 ¶3–p. 212 ¶1 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. Gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 4, ipatanghal kung paano magpapasimula ng pag-aaral sa unang Sabado ng Hunyo. Pasiglahin ang lahat na makibahagi.
15 min: Kung Paano Magsasaliksik. Pagtalakay salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 33-38. Magkaroon ng isinadulang pakikipag-usap sa sarili ng isang mamamahayag na gumagamit ng mga research tool para hanapin ang sagot sa tanong ng nakausap niya sa ministeryo.
10 min: Maghanda Para sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Hunyo. Pagtalakay. Repasuhin sa loob ng isa o dalawang minuto ang ilang nilalaman ng mga magasin. Pagkatapos ay pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at teksto na puwedeng gamitin sa presentasyon. Ipatanghal kung paano iaalok ang bawat isyu.
Awit 113 at Panalangin
-
-
Paggamit ng Please Follow Up (S-43) FormMinisteryo sa Kaharian—2011 | Mayo
-
-
Paggamit ng Please Follow Up (S-43) Form
Ang form na ito ay dapat gamitin kapag nakasumpong ka ng taong interesado na hindi nakatira sa inyong teritoryo o nagsasalita ng ibang wika. Noon, ginagamit natin ito kapag may nakausap tayong nagsasalita ng ibang wika, interesado man siya o hindi. Ngayon, gagamitin lamang natin ito kapag ang tao ay interesado. Pero kung bingi ang matagpuan natin, dapat tayong gumamit ng S-43 form, interesado man siya o hindi.
Ano ang dapat nating gawin kapag naisulat na ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa form? Dapat natin itong ibigay sa kalihim ng kongregasyon. Kung alam niya ang kongregasyong nakasasakop sa adres ng interesado, maaari niya itong ipadala sa mga elder ng kongregasyong iyon para matulungan ang interesado. Kung hindi niya tiyak ang kongregasyon, ipadadala niya ito sa tanggapang pansangay.
Kung nakatira sa inyong teritoryo ang interesadong nagsasalita ng ibang wika, patuloy siyang dalawin para hindi mawala ang kaniyang interes hanggang sa kontakin siya ng isang mamamahayag na nagsasalita ng wika niya.—Tingnan ang Nobyembre 2009 Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4.
-