Awit 130
Ang Himalang Buhay
Printed Edition
1. Ang bawat sanggol, Buhos ng ulan,
Bawat sinag ng araw, Bawat uhay—
Kaloob ng Diyos; Pasalamatan
Mga himalang sa ati’y bumubuhay.
(KORO)
Ano ang gagawin sa regalong ’to?
Ibigin si Jehova, ang Diyos na nagbigay.
’Di mo matatamo, Anumang gawin mo.
Ito ay kaloob—Ang himalang buhay.
2. Ang iba’y ayaw nang mabuhay pa,
Sumpain na raw ang Diyos at mamatay.
Tayo’y ’di ganyan, Diyos pinupuri,
Nagpapasalamat sa taglay na buhay.
(KORO)
Ano ang gagawin sa regalong ’to?
Ibigin ang ating kapwa, at umalalay.
’Di mo matatamo, Anumang gawin mo.
Ito ay kaloob—Ang himalang buhay.
(Tingnan din ang Job 2:9; Awit 34:12; Ecles. 8:15; Mat. 22:37-40; Roma 6:23.)