Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Muling Lumiwanag ang Katotohanan sa Bibliya?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
    • ARALIN 3

      Paano Muling Lumiwanag ang Katotohanan sa Bibliya?

      Grupo ng mga lalaki na nag-aaral ng Bibliya noong dekada ng 1870

      Mga Estudyante ng Bibliya, dekada ng 1870

      Lalaking nagbabasa ng unang isyu ng The Watchtower

      Unang isyu ng The Watchtower, 1879

      Babaeng may hawak na Bantayan at Gumising!

      The Watchtower (Ang Bantayan) ngayon

      Inihula sa Bibliya na pagkamatay ni Kristo, may mga Kristiyanong magiging huwad na mga guro at pipilipit sa katotohanan sa Bibliya. (Gawa 20:29, 30) Ganiyan nga ang nangyari. Pinaghalo nila ang mga turo ni Jesus at ang mga paganong relihiyosong ideya, kaya nabuo ang huwad na Kristiyanismo. (2 Timoteo 4:3, 4) Paano tayo nakakatiyak na nauunawaan natin kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya?

      Dumating na ang panahon para isiwalat ni Jehova ang katotohanan. Inihula niya na ‘sa panahon ng wakas, sasagana ang tunay na kaalaman.’ (Daniel 12:4) Noong 1870, napansin ng isang maliit na grupo ng mga taong naghahanap ng katotohanan na maraming turo ang simbahan na wala sa Bibliya. Kaya sinaliksik nila ang orihinal na mga turo ng Bibliya, at tinulungan naman sila ni Jehova na maunawaan ang mga ito.

      Maingat na pinag-aralan ng taimtim na mga lalaki ang Bibliya. Sinimulan ng masisigasig na Estudyante ng Bibliya, ang tawag noon sa mga Saksi ni Jehova, ang pamamaraan ng pag-aaral na ginagamit namin hanggang sa ngayon. Pinag-aaralan nila ang Bibliya batay sa isang paksa. Kapag may isang teksto na hindi nila maunawaan, tinitingnan nila ang ibang bahagi ng Bibliya na nagpapaliwanag dito. Kapag nakabuo na sila ng konklusyon na kaayon ng bawat bahagi ng Bibliya, isinusulat nila ito. Dahil hinahayaan nilang ang Bibliya ang magpaliwanag sa sarili nito, muli nilang nabigyang-liwanag ang katotohanan tungkol sa pangalan ng Diyos, sa kaniyang Kaharian, sa kaniyang layunin para sa mga tao at sa lupa, sa kalagayan ng mga patay, at sa pag-asang pagkabuhay-muli. Kaya napalaya sila mula sa maraming huwad na turo at kaugalian.—Juan 8:31, 32.

      Noong 1879, naunawaan ng mga Estudyante ng Bibliya na dumating na ang panahon para ipaalám sa lahat ang katotohanan. Kaya nang taon ding iyon, sinimulan nilang ilabas ang magasing Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova, na patuloy pa rin naming inilalathala. Sa ngayon, ibinabahagi namin ang katotohanan sa 240 lupain at sa mahigit 900 wika. Talaga ngang lubhang sumasagana ang tunay na kaalaman!

      • Ano ang nangyari sa katotohanan sa Bibliya pagkamatay ni Kristo?

      • Paano muling lumiwanag ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos?

  • Bakit Namin Ginawa ang Bagong Sanlibutang Salin?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
    • ARALIN 4

      Bakit Namin Ginawa ang Bagong Sanlibutang Salin?

      Lumang makinang pang-imprenta
      Paglalabas ng unang edisyon ng New World Translation of the Holy Scriptures
      Tinitingnan ng mga taga-Congo (Kinshasa) ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

      Congo (Kinshasa)

      Paglalabas ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Rwanda

      Rwanda

      Symmachus fragment na gumamit ng pangalan ng Diyos

      Ang Symmachus fragment na gumamit ng banal na pangalan sa Awit 69:31, ikatlo o ikaapat na siglo C.E.

      Sa loob ng maraming dekada, ang mga Saksi ni Jehova ay gumamit, naglimbag, at namahagi ng iba’t ibang bersiyon ng Bibliya. Pero nakita namin ang pangangailangan na gumawa ng isang bago at tumpak na salin na mas makatutulong sa mga tao na matutuhan ang “tumpak na kaalaman sa katotohanan”—iyan ang gusto ng Diyos para sa lahat. (1 Timoteo 2:3, 4) Kaya noong 1950, sinimulan naming ilathala sa Ingles ang ilang bahagi ng aming makabagong-wikang Bibliya, ang Bagong Sanlibutang Salin. Ang Bibliyang ito ay tumpak na naisalin sa mahigit 170 wika.

      Kailangan ang isang Bibliya na madaling maintindihan. Nagbabago ang wika, at maraming salin ang gumagamit ng mga salitang makaluma at mahirap maintindihan. Bukod diyan, may mga natuklasan ding mas sinauna at mas tumpak na mga manuskrito ng Bibliya, kaya mas nauunawaan na ang Hebreo, Aramaiko, at Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya.

      Kailangan ang isang salin na hindi lumilihis sa mensahe ng Diyos. Ang mga tagapagsalin ay hindi dapat gumawa ng mga pagbabago sa mensahe ng Diyos. Pero sa maraming salin ng Banal na Kasulatan, inalis ang banal na pangalang Jehova.

      Kailangan ang isang Bibliya na nagbibigay-kapurihan sa Awtor nito. (2 Samuel 23:2) Ibinalik ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalan ni Jehova nang mga 7,000 ulit kung saan ito lumitaw sa pinakamatatandang manuskrito, gaya ng makikita sa larawan sa ibaba. (Awit 83:18) Bilang resulta ng maraming taon ng maingat na pag-aaral, ang Bibliyang ito ay masarap basahin at malinaw nitong naitatawid ang kaisipan ng Diyos. May kopya ka man ng Bagong Sanlibutang Salin o wala, pinasisigla ka naming sanayin ang iyong sarili na magbasa ng Salita ni Jehova araw-araw.—Josue 1:8; Awit 1:2, 3.

      • Bakit namin napagpasiyahang gumawa ng isang bagong salin ng Bibliya?

      • Kung nais mong malaman ang kalooban ng Diyos, ano ang magandang gawin araw-araw?

      ANG PUWEDE MONG GAWIN

      Basahin ang paunang salita ng Bagong Sanlibutang Salin, at sagutin ang tanong na: “Anong pananagutan ang nadama ng komite ng mga nagsalin ng Bibliyang ito?” Pagkatapos, ihambing sa ibang bersiyon ng Bibliya ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin sa sumusunod na mga teksto: Genesis 25:29; Awit 110:1; Isaias 14:23; Mateo 5:3; 11:12; Filipos 1:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share