-
Iskedyul Para sa Linggo ng Abril 18Ministeryo sa Kaharian—2011 | Abril
-
-
Iskedyul Para sa Linggo ng Abril 18
LINGGO NG ABRIL 18
Awit 17 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 2 ¶16-23 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Job 28-32 (10 min.)
Blg. 1: Job 30:1-23 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung May Magsasabi: “Hindi Kayo Naniniwala kay Jesus”—rs p. 208 ¶1-3 (5 min.)
Blg. 3: Kung Bakit Dapat Mag-isip Muna Bago Magsalita (Kaw. 16:23) (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
10 min: Kapag ang Iba ay Humihingi ng Paliwanag. Pahayag batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 177, parapo 2, hanggang sa dulo ng pahina 178. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung saan ang isang di-sumasampalatayang katrabaho ay nagtanong sa isang mamamahayag tungkol sa paniniwala natin. Tatalikod nang bahagya ang mamamahayag sa kaniyang katrabaho at makikipag-usap sa sarili—bubuuin niya sa kaniyang isip kung ano ang sasabihin niya—at saka haharap sa kaniyang kausap para sumagot.
10 min: “Tanong.” Pagtalakay ng isang elder.
10 min: Mga Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita—Sa Bahay-bahay. Pagtalakay sa aklat na Organisado, pahina 92, parapo 3, hanggang pahina 95, parapo 2. Interbyuhin ang isa o dalawang mamamahayag na nagbabahay-bahay sa kabila ng mga hadlang, gaya ng kapansanan o pagkamahiyain. Paano pinagpala ang kanilang mga pagsisikap?
Awit 26 at Panalangin
-
-
TanongMinisteryo sa Kaharian—2011 | Abril
-
-
Tanong
◼ Hanggang kailan dapat turuan sa Bibliya ang isang masulong na estudyante?
Mas mabuting patuloy na turuan sa Bibliya ang isang masulong na estudyante hanggang sa matapos niya ang dalawang publikasyon—Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? at Manatili sa Pag-ibig ng Diyos. Kapit ito kahit nabautismuhan na siya bago pa niya matapos pag-aralan ang dalawang aklat na ito. Matapos siyang bautismuhan, maaari pa rin nating iulat ang oras, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya. Kung may kasama tayong mamamahayag sa pag-i-study sa kaniya, maaari din nitong iulat ang oras.—Tingnan ang Marso 2009 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 2.
Mahalaga na magkaroon ng matibay na pundasyon sa katotohanan ang mga baguhan bago ihinto ang kanilang study. Kailangang “nakaugat” na sila kay Kristo at ‘pinatatag sa pananampalataya’ para makayanan ang mga pagsubok na tiyak na haharapin nila. (Col. 2:6, 7; 2 Tim. 3:12; 1 Ped. 5:8, 9) Isa pa, para maging mahuhusay na guro, kailangang may ‘tumpak na kaalaman sila sa katotohanan.’ (1 Tim. 2:4) Kung tuturuan natin ang ating mga estudyante hanggang sa matapos nila ang dalawang aklat, tinutulungan natin silang manatili sa “daan na umaakay patungo sa buhay.”—Mat. 7:14.
Bago sang-ayunan sa bautismo ang isa, dapat na tiyakin ng mga elder na nauunawaan niya nang lubusan ang mga pangunahing turo ng Bibliya at namumuhay na siya ayon dito. Dapat na lalong maging maingat ang mga elder kapag isinasaalang-alang para sa bautismo ang isang estudyante na hindi pa natatapos pag-aralan ang unang aklat. Kung ang isa ay hindi pa kuwalipikado sa bautismo, titiyakin ng mga elder na mabibigyan ito ng kinakailangang tulong para maging kuwalipikado sa bautismo sa hinaharap.—Tingnan ang Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, sa pahina 217-218.
-