Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb14 p. 169
  • Nabihag ng Sierra Leone ang Puso Ko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nabihag ng Sierra Leone ang Puso Ko
  • 2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Malaking Impluwensiya sa Buhay Ko ang Paggawa ng Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Determinadong Maglingkod kay Jehova
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Mas Mainam Kaysa sa mga Diamante
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Panatag Ako Kasi Nagtitiwala Ako kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb14 p. 169

SIERRA LEONE AT GUINEA

Nabihag ng Sierra Leone ang Puso Ko

Cindy McIntire

  • ISINILANG 1960

  • NABAUTISMUHAN 1974

  • Isang misyonera mula pa noong 1992. Naglingkod siya sa Guinea at Senegal, at ngayo’y sa Sierra Leone.

Larawan sa pahina 169

DALAWANG linggo pagdating ko, nabihag na ng Sierra Leone ang puso ko. Hangang-hanga ako sa mga taong deretso pa rin ang tindig kahit mabigat ang kanilang sunong. Masaya ang pamayanan. Naglalaro at nagsasayaw ang mga bata sa mga lansangan. Pumapalakpak sila at pumapadyak para makagawa ng magagandang tunog. Puno ng kulay, aktibidad, at musika ang paligid ko.

Pero ang pinakagusto ko rito ay ang pangangaral. Kilala ang mga taga-Sierra Leone na mapagpatuloy sa mga estranghero. Iginagalang nila ang Bibliya at pinakikinggan ang mensahe nito. Kadalasan nang pinapapasok pa nila ako sa kanilang bahay. Kapag paalis na ako, sinasamahan nila akong maglakad sa lansangan. Dahil sa magaganda nilang katangian, bale-wala ang maliliit na problema, gaya ng kakulangan ng suplay sa tubig at kuryente.

Dahil wala akong asawa, minsan ay tinatanong ako ng mga tao kung nalulungkot daw ba ako. Ang totoo, sa dami ng ginagawa ko, wala na akong panahong malungkot. Punung-puno ng kabuluhan ang buhay ko.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share